Hiling-49

3.2K 74 2
                                    



Lumipas ang mga araw na nagpatuloy ang buhay naming dalawa, isama na rin si Joey. Nag-extension na kami ng visa para another 90 days pa ang i-stay namin dito sa Madrid. Wala pa ring matinong sagot si Sir Danny sa akin sa bawat tawag ko para alamin ang status ng kaso ko.

Hindi nabago ang pagmamahal ko kay Kenneth nang malamang hindi kami totoong mag-ama. Walang nabago kundi lalo pang lumalim ang pagmamahal ko sa kanya dahil may dala nang awa ang nasa puso ko. Hindi ko na sinabi kay Joey, para ano pa?

Kasalukuyang nasa labas kami ngayon, araw ng sabado. Pupunta raw kami sa lugar kung saan maraming mga kabayan.

Ganun' pa rin ang style namin, kinakarga ko si Kenneth habang si Joey naman ang nagdadala sa maliit naming bag pack. Walang hinding mag-aakala na hindi kami mag-asawa.

Pagbaba pa lang namin sa sasakyan ay nagku-kwento na si Joey tungkol sa park.

"Alam mo, ito ang pinaka-favorite ni Dr. Jose Rizal na park nung' nandito siya." lingon niya sa akin habang marahan kaming naglalakad papunta sa dulo dahil may water fountain doon.

"Mahilig ka pala sa history ano." sagot ko sa kanya. "Ako, tanging asawa lang ni Rizal ang alam ko sa kanya." sabay tingin ko sa sulat naka-paskil sa entrance nito na "Mi Retiro."

Hindi ako pinansin ni Joey dahil napunta ang paningin niya sa pinagkakaguluhan ng mga tao. Nauna syang lumapit doon kaya sumunod na rin ako. Sa paglapit ko'y nabasa ko ang nakasulat sa malaking tarpaulin, "World Cancer Day." Naalala kong ito 'yung advertise sa tv.

Nakita kong nakipagsiksikan na si Joey sa mga tao. Tumayo lamang ako sa gilid para hintayin siya. Palinga-linga lang ako sa paligid para aliwin ang sarili ko.



Napako ang tingin ko sa babaeng nakatalikod at may mga kausap na mga foreigner sa dulo ng nagkakagulong mga tao. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero parang ayaw umalis ng mga mata ko. Familiar sa akin ang hubog ng katawan nito kahit nadadamitan ng maluwang na puting t-shirt na naka-tuckin.

Nahagip ko ang paghinga ko nang humarap siya mula sa kinatatayuan ko.

Rebecca...!!!

Unang sigaw ng isip ko. Siya talaga ang babaeng 'yun, hinding-hindi ako magkakamali. Kahit mas maliit siya o tamang salita ay payat ngayon kay Rebecca, kahit panglalaki ang buhok nito na dati ay malapit na lumampas sa beywang niya... siya talaga si Rebecca.

Aalis na yata ang babae nang mahanap ko ang boses ko. Wala sa sarili kong napasigaw ako.

"Rebecca!" sigaw ko sa kanya at lalapit sana ako nang may sumigaw rin sa likod ko.

"Kian!" mabilis na lumapit si Joey sa akin.

Paglingon ko'y agad rin akong humarap para hindi makawala si Rebecca o ang babae sa paningin ko. Wala namang masama kung lalapitan ko siya.

Pero nang lumapit si Joey sa akin ay nakita kong natigilan ang babae. Nakatingin lamang siya sa amin at matamang pinagmamasdan ang itsura naming tatlo. Hahakbang na sana ako uli nang bigla syang tumalikod sa akin at mabilis na umalis.

Hinabol ko siya, siya talag si Rebecca!

Bakit siya aalis kung hindi niya ako kilala. Tinunton ko ang nilakaran niya, pero pagsapit ko sa dulo nito ay bumulaga sa akin ang malawak na parking lot. Hindi ko na siya makita.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon