Hiling-30

3.9K 70 4
                                    

.

.

.

     Nasa radiology room kami ngayon para sa scanning ng mga buto ko. Sabi nga ni Doc. Ferrer, pwedi naman raw ang normal x-ray sa akin. Pero namamaga ang aking paa hanggang binti kaya kakailanganin ko raw mag-undergo ng Bone Scintigraphy.

"Are you ready Kian, i-injection'an na kita ng gamot nato ha, sandali  lang." tawag pansin ni doc. sa akin.

Itinaas ko lang ang mga kilay ko bilang sagot. Nakita kong tumango sa akin si Aimee na nakaupo lang sa dulo ng silid.

Lumingon na ako sa kabila at hinintay na matapos ang lahat. Nabasa ko ang boteng nilagyan ng ituturok sa akin, 740 MBq of technetium-99m-MDP. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito, parang paracetamol lang ba, pain killer o ano?

Ipinikit ko ang mga mata ko, bahala na, sigurado naman hindi ako ipapahamak ni doc. Naramdaman ko nang may kumirot sa hita ko. Lalong sumakit ang kirot na 'yun hanggang manginig na ang buong katawan ko.

Napansin ni doc. ang panginginig ko.

"Its ok Kian, mawawala rin 'yan..." tapik niya sa balikat ko.

Naramdaman kong lumapit na si Aimee sa amin.

"Kian..." tawag niya. "Doc. sandali lang ba 'yan, nasasaktan na si Kian oh..." 

"It takes 4 to 6 minutes Aimee para mawala ang nararamdaman niya."

Hinawakan niya ako, pinisil ang mga kamay ko.

"Kian sandali na lang...."

Ilang minuto pa ay naidilat ko na ang mga mata ko. Nawawala na rin ang panginginig ko dahil nakakayanan ko na ang sakit na nararamdaman ko.

Ngumiti si Aimee sa akin. Si Doc. naman ay dinama niya ang pulso ko sa leeg.

"Ok ka na Kian... pasensya ka na, ganoon na talaga ang epekto ng gamot na 'yun."

Tinapik ko lang ang kamay niya. Ok lang sa akin, wala namang magagawa ang doctor na ito kung ganun' na talaga ang pamamaraan. Grabe din ang gamot na 'yun, parang kinuryente ang buo kong katawan.

"Take a rest muna Kian, 'pag maging normal na ang heartbeat mo... isscan na kita sa gamma camera para makita natin bakit hanggang ngayon ay namamaga pa rin 'yang mga binti mo at makikita na rin bakit hindi ka makapagsalita." iniwan muna kami ni doc at pumasok sa isang kwarto.

"Kian... magiging ok na rin ang lahat, makakalakad ka na at makakapagsalita uli." ngiti ni Aimee sa akin.

        Sumailalim na nga ako sa sinasabi nyang gamma camera, ok na ang pulso ko. Akala ko kung anong itsura ng kakaibang camera na'to. Parang 14 inches lang pala na tv ang laki nito, itinutok niya sa hita ko hanggang sa binti. Nagsuot kami ng laser eyeglasses para hindi maapektuhan ang mga paningin namin.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon