Hiling-48

3.3K 68 10
                                    

.

.

.

Maaga akong nagising pero hindi ako lumabas ng kwarto. Naririnig kong may kumakaluskos sa kusina, si Joey malamang dahil oras ng pag-alis niya. Ayaw ko muna syang makita dahil sa nangyari kagabi. Bakit pa kasi nakatulog ako sa labas.

Paaalisin ko muna siya bago ako lalabas. Ako ang nahihiya, akala ko talaga si Rebecca ang kahalikan ko kagabi.

Marami talagang napapahamak sa akala na 'yan.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig ko na ang pagsara ng pinto sa sala. Umalis na siya. Marahan na akong bumangon para pumunta sa kusina. Nakakaramdam pa rin ako ng uhaw ngayon, uhaw ba sa pagkabitin o pagkapahiya?

Nagulat ako nang makitang nasa sala pa pala siya.

Gusto kong bumalik sa loob pero nakita na niya ako.

Ngumiti siya sa akin.

Iba talaga si Joey, hindi mo mababasa ang saloobin niya. Parang hindi apektado sa nangyari kagabi.

"Good morning..."

"G-gandang umaga..." hindi ko alam ang isasagot ko. 'Yung mga halik at haplos ko pa rin sa kanya kagabi ang naiisip ko ngayon. "Hindi ka pa aalis?"

"Hindi, hihintayin ko muna si Jake dahil dadaanan niya ako dito." lingon niya sa akin at bumalik din ang tingin sa kinakalikot na cellphone. "Sayo muna ang sasakyan para makapag-ikot ka man lang dito sa tabi-tabi, 'wag ka lang pumunta sa main highway kasi wala kang license."

"Hindi na kailangan, gamitin mo na... kung kailangan kong lumakad ay marami naman dyang mga taxi." naisip ko ang kotse nyang iniwan niya sa akin sa Pilipinas.

Kahit mamahaling gamit talaga ay binibigay niya. Ewan ko lang sa iba pero sa akin ay halos ihandog na niya ang lahat. Sabagay mahal niya ako, importante ako sa buhay niya.

Nakatayo pa rin ako sa tabi ng pintuan, hindi ko alam kung tutuloy na ako sa kusina o uupo sa tabi niya.

Napatingin ako nang may kausapin siya sa cellphone.

"Nandyan ka na sa labas?"tanong nito.

"Sige lalabas na ako."sunod nyang tugon sa kausap. Tumayo siya at nilingon ako. Matipid syang ngumiti sa akin. "Alis na ako." sabay lapit niya sa pintuan.

Ito na naman ako, hindi man lang siya masagot ng kahit tango man lang.


Lumipas ang umaga at ngayon ay pumapatak ang ala-una ng hapon. Kasalukuyan kaming nasa sala ni Kenneth at hinahayaan kong maglaro siya sa sahig. Hindi naman siya makakalayo sa akin dahil "U" shape ang porma ng sofa at sa dulo nito'y malaking tv nga ang nakalagay.

Hinahayaan ko lamang ang bata at tumatakbo ang isipan ko.

Bakit lagi kaming pinagtatagpo ni Joey sa mga maseselang panahon. May ibig sabihin ba ang pagtatampong 'yun?

Ibig bang sabihin ay bigyan ko na ng pansin?

Pero hindi, kaibigan ko siya at ayukong masira 'yun dahil mapupunta lang kami sa ibang sitwasyon. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa. Hindi ko alam... hayaan ko na lang ang pagkakataon na maglapit sa amin ni Joey. Kung kusa akong gagawa ng paraan ay hindi mangyayari, alam ng Dios kung sino ang nasa puso ko.

Nagulat ako sa malakas na iyak ni Kenneth, nakadapa ito sa sahig. Nakatulog pala ako at ang bata ay napunta na sa itinabi kong center table. Nakita kong nabasag ang flower base sa tabi niya. Kinabahan ako... agad ko syang kinuha mula sa pagkakadapa at laking takot ko nang makitang naghihilamos na siya ng dugo.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon