Hiling-54

4.1K 67 1
                                    



Nang magkita kami sa kinikilala kong ama'y naging mabilis ang paggaling niya. Isang linggo lamang ang nakararaan ay lumabas na ito ng hospital. Personal naming hinatid ni Rebecca ang matanda sa tinutuluyan niya para malaman na rin namin. Hindi lang pala personal secretary ng ama ko si Gwyneth kundi all around ito sa pangangailangan ng matanda.

Simula noon ay paroo't parito kaming mag-asawa sa bahay namin at sa condo ni baba. Gusto kasi nyang magkwentuhan kami sa mga nangyari sa buhay ko, pati na rin sa nanay ko.

Pero mas madalas mag-usap ang asawa ko at ang matanda.

At dahil doon ay nagtatalo kami ngayon.

"Babe... ok na ako oh, look...." inilahad niya ang mga kamay niya. "Tumataba na ako... lahat ng check ups ko'y positive, anong inaalala mo ngayon?"

Napailing ako sa pinagsasabing dahilan ng asawa ko.

"Ang punto 'dun ay may sakit ka... dito sinong titingin sayo' si Chris na palihim lang kung manggamot?" tingala ko sa kanya dahil naka-upo ako ngayon sa kama namin at siya nama'y paroo't parito sa harapan ko.

"Babe nasa Manila tayo... hindi sa probinsiya, maraming magagaling dito." huminto siya sa harapan ko. "And besides kaya mong iwan ang ama mo dito, ng mag-isa?"

Ayun nang pinaghihinalaan ko.

"Lumabas din ang kapani-paniwala mong dahilan, ang lahat ng ito'y tungkol sa ama ko."

"Babe ama mo siya... paano ang mga negosyong ibinigay na 'sayo, lulugiin mo lang?" pangangatwiran pa niya.

"Wala akong sinabing 'ganun... ang sa akin lang ay mahalaga ang kalagayan mo sa lahat ng bagay." sulyap ko sa kanya. "Hindi ko naman sinabing 'andun na tayo ay mapapabayaan ko na ang mga negosyo... dadalawin ko parati."

"Magtravel ka ng mahabang oras, 'ganun?" umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin. "Magaling na ako ok, dito na tayo please..."

"Paano kung atakihin ka ng sakit mo, malalagot ako sa kapatid mo at saan kita dadalhin dito?" napapahinga ako ng malalim sa katigasan ng ulo ng asawa ko. "Wala akong tiwala sa mga hospital dito."

"Oy 'wag ka namang ganyan..." lumabi siya.

"Nagsasabi lang ako ng opinyon ko." irap ko sa kanya. "Ikaw ang makipag-usap sa kapatid ko, wala na syang ginawa kundi ang sisihin ako."

"Opo..."

"Tsaka ihatid na nila ang bata dito..." humiga ako, sumasakit ang ulo ko dahil kay Rebecca... ang hirap paintindihin at paki-usapan.



Nang magka-usap ang magkapatid at walang nagawa si Paul. Lumipat na kami sa mallit naming bahay. Walang nabago sa ayos nito. Siguro ang nagbago lang ay laman nito, totoo na kaming mag-asawa ngayon.

Kasalukuyan akong nagdidilig ng halaman nang mapansin kong pababa ng Hi-Ace si Joey at nagtatakang lumapit sa akin.

Kunwari'y ay hindi ko siya nakita at nagpatuloy ako sa pagdidilig nang marinig ko ang boses niya sa harapan ko.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon