Hiling-19

4.5K 82 1
                                    


Kian...


         Ilang beses ko nang tinatawagan si Cynthia pero ayaw nyang sumagot. 'Nung mag alas-onse na ay naka-off na ang cellphone niya. Halu-halo na ang pumapasok sa isipan ko.

Iniwan na ba niya ako? Ayaw na ba niya sa akin? Nagbago na ba ang isip niya? Ito na ba 'yung sinasabi nyang mawawala siya?

Ahhh! ang sakit sa ulo, ewan, 'di ko alam ang iisipin ko. Cynthia nasaan ka na....?

Dinial ko uli ng number niya, wala pa rin.

Humiga na ako sa mahabang upuan, hihintayin ko na lang ang tawag ni Cynthia. Baka hindi pa tapos ang meeting nila, baka may emergency sa office nila. Baka nag-over time siya kaya hindi na nakatawag. Hayyy ito naman ako sa pag-iisip.

Pumikit ako, lalo ko lang nai-imagine ang mukha ni Cynthia. Nasanay na ako sa presensya niya, nababaliw na yata ako!

Lumabas ako ng  bahay, kinuha ko ang sigarilyo ni Kim sa mesa. Sa labas ako magpapalipas ng oras. Putang inang buhay 'to! wala pa akong nakakausap, nabibingi ako sa katahimikan ng gabi. Nakaupo ako sa isang biak na simento sa labas. Tahimik na ang gabi at maginaw na rin sa paligid. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko, baka tumawag si Cynthia.

Naiisip ko siya, ano ba talaga ang dahilan niya sa sitwasyon naming ngayon. Pansin ko, sa bawat pagtatalik namin hinahayaan nyang pumasok ito, hindi ba siya natatakot na mabuntis? At lagi nyang nasasabi ang "kung mawala siya", mawawala ba siya?

Ilang stick na ang naubos ko, wala pa ring nangyayari sa akin. Alas tres na ng madaling araw, hindi pa rin dumadating si Kim at Mama Rosa. Nagugutom ako pero wala akong ganang kumain, naiisip ko si Cynthia.

          



May humintong sasakyan sa kanto, akala ko sila Mama na 'yun pero hindi. Kasyang pumasok ang Toyota pick-up niya dito sa masikip na kalsada. Sa sinag ng sasakyan pa rin ako nakatingin, parang may naglalakad ah, babae. Agad akong napatayo at tinakbo ko 'yung babaeng papalapit sa akin.

"Cynthia! Cynthia..." sigaw ko habang lumalapit ako sa babae. Hindi ko lang maaninag ang mukha kasi natatabunan siya ng mga ilaw sa poste.

Pero napatigil ako nang ilang dipa na lang ang pagitan namin ng babae. Naalala ko hindi naka-short si Cynthia kanina kundi isang mahabang bestida ang suot niya.

"Easy  Kian, Im not Rebecca ok..."

Ngayon, maliwanag ko nang nakikita ang buo niyang itsura. Iniisip ko kung saan ko nakita ang babaeng ito.

 Napansin siguro niya, "Hello, Resto Bar... Kaye..." sabi niya.

Naalala ko na, "Nasaan si Cynthia?" bakit hindi siya ang sumundo sa akin.

"Somewhere else darling, you want to see her?" malandi nyang tanong sa akin.

Nauna na akong naglakad patungo sa sasakyang nakahinto. Nabigla ulit ako, ito ang sasakyn ni Cynthia ah. Agad kong binuksan at doon ko siya nakita sa back seat, natutulog o walang malay.

Sa kanya na ako tumabi. Inayos ko ang pagkakasandal niya sa upuan at ini-angat ko para mahawakan ko siya nang maayos, amoy alak ah...

Ilang saglit pa ay pumasok na rin sa sasakyan si Kaye at nagmaneho pauwi sa bahay namin.

"Nag-away ba kayo nyan?" tanong niya sa akin.

"Hindi," maikli kong sagot.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon