Hiling-13

4.7K 92 3
                                    


     Almost 1am na ay gising na gising pa rin kami. Napaparami na ang inom ko ng wine pero ok pa naman ang pakiramdam ko. Naging comfortable na rin si Kian sa presence ko, minsan nga'y nagbibiro na siya.

"Oy Cynthia, baka malasing ka na ha at rape'n mo'ko he hehe,"

"Ha haha! Kian, mas malakas pa ako sa kalabaw ok," 

"Iba ka rin noh, nagwawaldas ka ng pera... iba talaga ang mga mayayaman," he whispered and shoke his head.

"Hindi ako mayaman ok, tsaka 'di rin ako nagwawaldas ng pera ah,"

"Ei bakit ginagawa mo'to?"

"Kian, papayag ka bang bigyan kita ng trabaho keysa sa pagca-callboy na 'yan?" sumeryuso na ang mukha ko habang nakatingin sa kanya, hoping he'll gonna' say yes.

"Oo ba basta kaya ko,"

"Gusto kitang kuning partner ko, maging mag-asawa tayo," I started and he stopped then, nakatingin lang siya sa akin. "Seriously..."

"Ha, ano kamo?"

"Ikaw na yatang lasing ei, sabi ko kukunin kitang asawa ko pansamantala... hindi habang buhay ok kaya 'wag kang matakot," natatawa ako.

"Seryuso ka ba?"

I just nodded.

"Magsasama tayo bilang mag-asawa ok, pero kung may girlfrend ka ok lang, magkita kayo basta umuwi ka lang ha." Kaway ko kunwari sa kanya. "Sa akin din, pwedi' rin akong makipagkita sa iba. Isang taon ang babayaran ko, kung magkasundo tayo sa susunod na taon... another bayaran naman 'yun."

Natigilan siya, "papayag kaya si Mama Rosa?"

"Walang hindi papayag 'pag pera ang katapat Kian. Tungkol sa pag-aaral mo, walang problema, mag-continue ka..."

"Madami ka na palang nalalaman sa buhay ko  ah, pero seryuso ka ba talaga?" 

"Oo, Kian..."

"Kung papayag ka, bukas sumama ka na sa akin,"





Hindi siya kumibo, nakatingin lang siya akin. Parang sinusukat niya ang mga sinabi ko.

"Kian ha, kung iniisip mo na may std or aids ako, wala po... gusto mo samahan mo pa'kong magpamedical," natatawa kong sambit.

Hindi pa rin nagsasalita si Kian, inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nalalanghap ko na ang kanyang hiningang may halong alak...  Siniseduce ba niya ako?

"Lahat ba nang ginagawa ng mag-asawa'y gagawin rin  natin?" pabulong niyang tanong sa akin.

"K-kung gusto mo," mahina kong sagot at napaiwas ako ng tingin.

Nabigla ako sa ginawa niya, hinalikan niya ako sa noo. 'Di ko alam pero natouch ang puso ko sa halik na 'yun. Hindi nga ako nagkamali sa pinili ko.

"Bakit mo ginagawa ito Cynthia," sumandal siya sa sofa.

"Ayukong makipagrelasyon ng totoo Kian, ayukong masaktan at makasakit... gusto ko lang maranasan ang buhay may asawa,"

"Bakit ako Cynthia?" matiim niya akong tinititigan.

"Hindi ko alam, basta sinusunod ko lang ang utos ng isip ko..."

"Sige papayag ako, tungkol sa pera tulungan mo lang akong makapagtapos Cynthia ok na 'yun sa akin.."





      Tumango ako, nasasayahan ako sa naririnig ko. Kahit papaano pala ay iniisip din niya ang kanyang kinabukasan.

"Lets sleep na Kian, inaantok na ako," 

"Sige, matulog ka na... dito na lang ako."

Iniwan ko siya sandali at pumasok sa kwarto. Naghanap ako ng kumot sa cabinet at kinuha ko ang isang unan sa kama.

Dinala ko sa kanya.

"Ito gamitin mo, baka lamigin ka mamaya," abot ko sa kanya.

"Sige matulog ka na..."




 Kian's pov...

      Alas tres na ng madaling araw ay gising na gising pa rin ako. Naiisip ko ang mga sinabi ni Cynthia. Ganun lang ba kadali, ang babaw ng dahilan niya.

Pero kung ano man 'yun, bahala na... 

Basta ang importante makakaalis ako sa trabahong ito. Makakapag-aral pa ako at makakapag-asawa ako ng wala sa oras. Kung tutuusin, walang mawawala sa akin. Sakto pa nga dahil 'di impossibleng walang mangyari sa amin.

Panalo! ang ganda niya, seksi  at parang ang bango pa. Ngisi ng isipan ko pero naipilig ko lang ang ulo ko. 

Salamat Dios ko, kung swerte man itong ibibigay mo sa akin. 'Wag mo nang baguhin ang kanyang isipan...

.


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon