Hiling-28

3.6K 64 9
                                    

.

.

.

     Natatanaw ko na ang aming bahay. Nanlulumo kong naiisip na baka wala dyan si Rebecca, pero lumalaban ang isip ko. Pinipilit pa rin nitong isigaw na nandyan lang siya at gumawa ng sorpresa sa akin.

Pagkahinto ng taxi sa harap ng bahay namin ay mabilis na akong bumaba. 

Nandyan lang talaga si Rebecca...

Agad ko nang binuksan pero sumalubong sa akin ang katahimikan at dilim sa buong paligid. Tanda na wala talagang katao-tao. Tumuloy ako sa kwarto, ganun' pa rin ang ayos nang iwan ko kanina. Nandoon pa rin sa mesa ang naiwan kong panyo. Binuksan ko ang cabinet, nakita ko pa rin ang mga damit ni Rebecca. Tanda na hindi siya umalis, pero ganun' talaga siya 'pag lumalakad, hindi nagdadala ng kung anu-ano.

Natatakot na ako pero ang lakas pa rin ng isip ko.

Pumunta ako sa kusina, pinagmasdan ko ang buong paligid. Walang kakaibang nangyari, ganun' pa rin ang mga gamit at nandoon pa rin ang niluto niya kanina.

Naupo ako sa mesa.

Saan ba siya pumunta....

Bumalik ako sa kwarto, inalis ko lang ang slacks ko at nahiga sa kama. Tinitingnan ko ang diploma at certificate ko na nasa tabi ko lang. Para ito kay Rebecca pero wala siya, hindi man lang siya sumipot sa graduation ko.

Tinawagan ko si Kim, hindi sumasagot. Si Justine naman, hindi rin sumasagot. Nagsasaya siguro siya kasama ng pamilya niya. Tinawagan ko naman si Kaye, nagbabakasakali na alam niya kung saan si Rebecca ngayon. Kahit insultuhin niya ako, wala na akong pakialam, makita at mahanap ko lang siya. Nalungkot ako nang hindi gumagana ang number, out of coverage.

Ahhhh... ang lupit talaga ng pagkakataon sa akin. Nakatakda na yata akong mag-isa at mabaliw sa kaka-isip.

Dumapa ako, ayaw kong mag-isip. Napabalikwas ako nang tumunog ang cellphone, sana si Rebecca. Pero nawala ang excitement ko nang makitang si Kim lang pala.

"Pare..." 

"Oh pare, saan ka ngayon?" masigla nyang tanong.

"Sa bahay... punta ka dito pare." humiga ako uli. Parang wala akong lakas, nanlulumo ako.

"Bakit parang malungkot ka pare... saan si Rebecca?" nahalata niya siguro ang boses ko.

"Pumunta ka na lang dito pare... hihintayin kita." pinatay ko na ang tawag niya. Kailangang may makakasama ako, baka mabaliw ako dito.

Tumingin ako sa kawalan... Rebecca, saan ka na ba? Umiral na naman ang pag-alala ko, baka mapaano siya. May sakit pa naman 'yun. Naisip ko ang pinagtatrabahuan niyang construction and law firm sa Metro Manila. Napabangon ako, kinuha ko uli ang cellphone ko at binuksan ang web nito. Ise-search ko kung saan ang address baka doon ako makakuha ng information tungkol kay Rebecca.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon