Hiling-27

3.8K 67 2
                                    

 ( Bawi sa late update....)

.

.

.

      4:40 pa lang ng umaga ay gising na kami ni Rebecca, nagluluto siya ng almusal samantalang nagpa-plantsa ako ng isusuot ko sa bacclaureate namin mamaya. Naligo na ako at nagbihis na ng slacks at puting t-shirt na panloob. Mamaya ko na ang polo ko, 'pag nasa school na kami.

Natapos na rin si Rebecca magluto kaya pumasok na siya sa kwarto.

"Babe saan ang isusuot mo at nang maplantsa ko na..." tanong ko sa kanya.

"Hindi na kailangan, maglo-long dress lang ako." sabay pasok sa banyo.

Naupo muna ako sa kama at ini-on ang tv, manunuod lang saglit habang hinihintay siya. Ilang sandali pa lang akong nakatutok sa tv ay tumunog ang cellphone ko. Kinapa na ng kamay ko ito na nagkalat lang sa kama.

 Tiningnan ko ito.

Si Aimee, makulit din talaga ang isang ito. Sinabi ko na sa kanyang 'wag na pumunta sa bacclaureate kasi ang aga nito gaganapin ay hindi rin nakinig sa akin.

Aimee: Kian tapos na akong magbihis, naka-alis ka na?

Nagreply ako: 'Wag ka na kasing pumunta.

Naghihintay ako sa reply niya pero wala na. Alam kong pupunta pa rin ito. Inilagay ko na ang cellphone sa kama, hihintayin ko lang ang paglabas ni Rebecca.

Ilang minuto pa ay lumabas na nga, nakatapis lang ng tuwalya at nagbihis na sa tabi ng cabinet namin. Tinanggal niya ang tuwalya at humarap sa salamin.

Nakita kong may pasa sa likod niya, ang laki nito na parang isang kamao.

Limapit ako sa kanya.

"Babe... may pasa ka sa likod, saan mo nakuha 'yan?" hinawakan ko ito nzng marahan.

"Saan?" pilit nyang tinitingnan sa salamin. Pero hindi maabot ng paningin niya.

"Teka ha, pi-picture'an ko para makita mo..." bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

Hinihintay niya ako habang tinitingnan niya ang sarili sa salamin. Pagkalapit ko ay agad kong kinuhanan ang pasa sa likod niya. PInakita ko ito, tiningnan naman nyang mabuti ang kuha ko.

"San mo 'yan nakuha?" ulit ko sa kanya.

Hindi siya sumagot, tinitngnan lang niya ang larawan sa cellphone ko.

"Babe... naririnig mo ba ako?" kalabit ko sa kanya.

"Ha... a-ano 'yan, 'n-nung nasa Davao ako. Napagtripan ng grupo na mag-camping kami sa Mt. Apo, minsan bumagsak ako sa isang putol na kahoy 'dun kaya nagkaroon ako nyan," ibinigay na niya sa akin ang cellphone ko.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon