Hiling-41

3.1K 60 3
                                    



           Mataman akong tinitignan ng dalawang lalaking papalapit sa akin. Umatras na rin ako nang dahan-dahan hanggang sa mabangga ko si Kuya Recardo mula sa likod. Napalingon ako at nakita ko syang tumango, tinignan ko uli si Mama Rosa. Galit pa rin itong nakatingin sa akin.

Naramdaman kong tinapik ni kuya ang balikat ko at pumunta siya sa harapan.

"May problema ba?"

Nakita kong lumingon ang dalawa kay Mama Rosa.

"Umalis na tayo!" sigaw ng matandang bakla.

Nang humarap na siya sa pintuan ay mabilis ko syang hinabol.

"Mama please mag-usap tayo." hawak ko sa braso niya para pigilan.

Gusto kong malaman ang lahat, ang pagkamatay ni Kim. Ang pangyayari noon...

"Para ano pa ha," nakita kong namula ang kanyang mukha. "Wala na si Kim Kian!"

Hinila ko siya sa upuan malapit sa labasan at umupo kaming magkaharap.

"Mama anong nangyari, sabihin niyo po lahat kasi hindi ko alam..." lumungkot na rin ang itsura ko. "Nang maaksidente kaming dalawa ay nagkaroon ako ng amnesia."

"Bakit hindi niyo man lang dinala si Kim," galit syang nakatingin sa akin. "Pagdating ko roon ay wala ka na pati na rin ang driver ng sasakyan," nakita kong nagpupunas syia ng kanyang mga mata. "K-Kung nadala lang nang maaga si Kim, siguro'y buhay pa siya ngayon..."

Pinisil ko ang mga kamay niya.

"Mama patawad.... hindi ko alam, wala akong alam sa pangyayari." Tumigil muna ako sa pagsasalita, "Noong nagkamalay na ako sa hospital ay wala akong maalala, ni' hindi ko kilala ang sarili ko."

"Sinong nagdala sayo sa hospital, siya ang dapat sisihin sa pagkamatay ni Kim." galit nyang tanong sa akin.

Nalungkot ako, paano niya hahanapin eh patay na rin si Aimee.

"Sino ha?!" malakas nyang tanong sa akin 'nung hindi ako nagsalita.

"Wala na Mama, patay na rin siya...." mahina kong sagot.

Natigilan siya.

"Agad na palang kinarma kung sino man siya." tumayo siya. "Aalis na kami,"

"Ma... hindi na ba tayo magkikitang muli?"

Nilingon niya ako.

"Wala na si Kim kaya wala na ring tayong ugnayan sa isa't isa." lumapit na siya sa glass door. "Hali na kayo..." tawag niya sa mga kasamahan niya.

Naiwan akong walang imik. Ibig sabihin 'nun ay hindi na kami magkaibigan o magkakilala man lang. Kung 'yun ang kagustuhan ni Mama ay wala akong magagawa. Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Kim.

        


             Bumalik uli ako sa pagtatrabaho, hindi ko namalayan ang oras ay magsasara na pala kami. Inayos muna namin ng dalawa ko pang kasamahan ang buong gym. Ang iba't ibang equipments ay ibinalik sa kanya-kanyang lugar.

Ala una emedya na ngayon at nag-aabang ang dalawa ng taxi samantalang nauna nang umuwi si Kuya Recardo dahil may sasakyan ito gaya ko.

"Pare, ihahatid ko na kayo." alok ko sa dalawa.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon