Hiling-40

3.4K 63 0
                                    

.

.

.

     Nangunot ang mukha ng babae sa pagkabanggit ko ng pangalang "Linda". Nagkamali yata ako kasi hindi man lang siya sumagot sa pagtawag ko. Paalis na sana ako para balikan ang natutulog kong anak sa kabilang kwarto nang magsalita ang lalaking dumungaw rin sa akin. Narinig kong sinigawan niya ang babae.

"Yan ba ang kalaguyo mo ha?!" 

Napatigil ako sa paglalakad, nadamay pa ako.

"Magsalita ka!" rinig ko pa.

Hindi ako nakatiis ay napabalik ako. Ayukong ako pa ang simulan ng pag-aaway nila. Nakita kong nakasabunot na ang lalaki sa babae, nainis ako.

"Mawalang galang na ho, pasensya na sa pagtawag ko sa kanya ng Linda... kasi kamukha niya ang kamag-anak ko sa probinsya na naglayas at hindi pa umuuwi hanggang ngayon." paliwanag ko sa lalaki.

"Linda naman talaga ang pangalan ng babaeng ito," sagot ng lalaki sa akin. "Wag mo na kaming pansinin, hindi mo alam kung bakit ganito kami sa isa't isa." sulyap niya sa babae.

Hindi na ako nagsalita, tahimik na akong umalis. Habang pabalaik ako sa kwarto ay naiisip ko si Linda, siya talaga. Alam ko at ramdam ko, siya ang dati kong nobya. Pero bakit nasa Manila na siya ngayon, akala ko ba nag-abroad 'yun.

Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan kong natutulog pa rin si Kenneth. Tumingin ako sa wall clock, 34 minutes na lang at kailangan na nyang uminom ng gamot.

        Nagising ako sa mahihinang yugyog ni Ate Lising sa akin, nakatulog pala ako. Paglingon ko sa sofa malapit sa pintuan ay nakita kong magkatabing naka-upo si Justine at Lloyd.

Napaupo ako nang maayos.

"Nandito pala kayo." sabay tayo ko at lapit sa kanila.

Napapailing si Lloyd habang pinagmamasdan ako.

"Kian, pare.... nalolosyang ka na."

Napahinto ako at sinipat ang sarili mula baba hanggang sa abot nang nakikita ko.

"Hindi naman siguro, pumayat lang ako." tumuloy na akong umupo sa isa pang sofa patagilid sa kanila. "Nakapag-almusal na ba kayo?" tanong ko sa dalawa.

Napalingon ako nang sumabat si Ate Lising na nakaupo na sa dati kong inuupuan.

"Sila nga ang nagbili nyang mga dala ko." sulyap ni Ate sa mga supot sa mesa.

"Kumusta na siya?" si Justine ang nagtatanong ngayon.

"May nakain lang raw syang hindi ikinasundo ng tiyan nya." sagot ko naman.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon