Hiling-37

3.4K 66 7
                                    

.

.

.

      Lumipas ang ilang buwan, halata na ang tiyan ni Aimee. Naging tahimik ang pagsasama namin dahil hindi na kami nag-aaway sa mga pinaggagawa ko. Suko na siguro siya sa bawat salita nya'y lalo kong ipinagpapatuloy ang mga bisyo ko.

Sa loob din ng mga buwan na 'yun, nalaman kong namatay pala sa aksidente si Kim. Namatay na hindi ko man lang nadalaw ang kanyang libing dahil sa kagagawan ni Aimee.

Tumatagal ang pagsasama namin pero lalo lamang ako napapalayo sa kanya. Nalaman ko na ang lahat nang ginawa niya sa buhay ko. Namatay ang kauna-unahan kong kaibigan na hindi ko man lang alam dahil sa pagsisinungaling niya. Namatay ang pinakamamahal kong babae na wala man lang akong ginawa dahil sa kanya. Tumakbo ang panahon na wala akong kaalam-alam sa nangyayari kay Rebecca.

Nagkaroon ako ng mga kaibigan, kaibigan ni Justine na naging kaibigan ko na rin. Lagi kaming may lakad, laging nasa disco bars, laging nasa party, laging naglalaro ng kung anu-ano at laging umiinom. Parang alak na yata ang tubig sa katawan ko.

Nagugustuhan ko ito dahil naaaliw ang utak ko, naiiwasan nyang mag-isip kay...

Ahhhh, kailan ba siya mawawala sa utak ko. Mag-wawalong buwan na nang sabihin sa akin ni Kaye ang nangyari sa kanya pero parang kahapon lang. Umiiyak pa rin ako sa kailaliman ng gabi. Nasasaktan pa rin ako sa pagkawala niya.

Ilang beses din akong natigil sa pagtatalik sa kung kani-kaninong babae. Dumadaan kasi siya sa isipan ko kaya nawawala ang init ng katawan ko. Ilang beses akong nagsasalsal at siya ang nasa isipan ko, sa pagkakataon 'yung, nakakaraos ako nang maayos.

Speaking of sex, wala kami nun' ni Aimee. Ni' ang pumasok sa isipan ko na gawin 'yun sa kanya ay hindi nakakaya ng budhi ko. Ni'i ang trato ng isang asawa ay hindi nya nararamdaman sa akin. Nagsasama lang kami sa isang bahay pero parang hindi kami magkakilala.

 "Pare... ano sa tingin mo ang pupuntahan natin, ok ba?" lapit sa akin ni Justine.

Ngumiti ako bilang sagot, kahit ganito siya mahal na mahal ko bilang isang nakakabatang kapatid. Pinagalitan din niya si Aimee sa lahat nang nangyari. Kung nandito lang raw siya sa panahon na 'yun, hindi ako maloloko ni Aimee. Siya rin ang takbuhan ko 'pag sinusumpong ako ng sakit, sakit sa puso. 'Yung kahit anong gawin ko'y alaala lang namin ni Rebecca ang pumupuno sa isipan ko.  Kahit ayuko nang mag-isip, sumisingit pa rin... sa kanya ako nagsasabi.

"Pare...." tumabi siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Mag-eenjoy tayo ngayon dito, hindi 'yang nag-iisip ka ng kung anu-ano."

"Pare malapit nang manganak si Aimee..." lingon ko sa kanya.

"Eh 'de maganda... makukuha mo na ang anak mo at makakaalis ka na sa kulungang 'yan."

"Pare may nalaman ako...."

Umupo nang matuwid si Justine at kunot noong tumingin sa akin.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon