Hiling- 3

5.6K 88 3
                                    



            Nakatulog yata ako... alas dos na pala ng hapon. Lumabas ako para makakain na rin. Sana 'andito na si Victor.. bulong ko sa sarili ko, naiilang na kasi ako kay Lani dahil sa mga ginagawa niya.

Napabuntong-hininga muna ako bago lumabas.

"Oh, Kian halika na, kain na... kanina ka pa gustong katukin ni Lani kaso 'di ako pumayag, hinayaan ka lang naming makatulog," masigla nyang bati sa akin. Tapos na siguro siyang kumain kasi nagbabasa na lang ng dyaryo. "Lika na."

"Kanina ka pa dumating'? bungad ko sa kanya, umupo na ako sa harap niya.

"Kumain ka na, 'yan ang itinira ni Lani.... nauna na kaming kumain kasi nagugutom na ako kanina pa he hehe,"  binuksan ko 'yung tinakpang pagkain sa mesa.

Lalo akong nagutom sa nabungaran ko. Kanin at inihaw na tilapia na may sawsawang toyo at kamatis. May nagyeyelo pang juice na nasa tabi nito.

"Kumain ka uli pare," yaya ko sa kaharap ko.

"Sige lang Kian tapos na kami, kumain ka lang dyan."

"Di na ako umimik, tahimik na lang akong kumain. Maya't maya'y napapasulyap ako sa pinagkakaabalahan ng kaharap ko.

"Ngapala pare, basag niya sa katahimikan, "nagsearch ako tungkol sa mga agency, walang ganung pangalan. Ang meron lang ay Balagtasin Man Power Agency, sa may Makati banda,"

"Ganun' ba, pupuntahan ko na lang 'yun Victor.."

"Nakapag-isip ka na ba  tungkol sa alok ko sa'yo?" tumigil siya sa pagbabasa at tiningnan ako "Gusto ko kasi na magkasama tayo.... magaan ang loob ko sayo at bilang pasasalamat, dito ka na tumira. Walang problema kay Lani, payag din siya."

"Gusto kong mag-aral Victor, kung ok lang sa'yo tatanggapin ko ang alok mo."

"Walang problema sa akin, may malapit na Vocational School dito, gusto mo bisitahin natin?"

"Oo, kahit man lang electrician or mekaniko ok lang basta may matapos lang ako't magka-certificate." napatigil ako sa pagkain.

"Sige tingnan natin kung anong courses ang meron sila." ngiti niya sa akin at ibinalik na ang atensyon sa binabasa.

"Matutulog muna ako ha, ikaw nang bahala diyan," sabay tayo niya at binitiwan ang newspaper. "Mamaya pala pupunta tayo sa labas. Ibibili ka raw ni Lani ng mga gamit mo,"  

Tumango ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako 'pag sumasagi sa isipan ko ang asawa niya. Ayukong magkasira kami ni Victor dahil lang kay Lani...



           Tahimik lamang akong nakasunod sa mag-asawa nang pumasok kami sa isang shopping centre. Patingi- tingin lang sa paligid at sa mga taong nakakasalubong ko.  

"Kian, mamili ka na kung anong gusto mo dyan ok, lahat ng mga kailangan mo, si misis ang bahala ha haha," sabay tapik sa akin ni Victor at pumunta na rin sa ibang section ng damit.

Si Lani raw ang bahala, hindi ba nakakahalata si Victor... ako kasi may ibang napapansin.

Marami akong gustong kunin pero nahihiya ako. Kumuha na lang ako ng isang pantalon at  dalawang t-shirt. May dala naman ako, 'yun nga lang hindi mamahalin 'gaya ng mga ito.

"Yan lang ba ang kukunin mo Kian?" napakislot ako sa biglang bungad ni Lani mula sa likuran ko.

"Oo, may dala naman akong damit... ito lang." ipinakita ko sa kanya ang mga hinahawakan ko.

"No... you should have some of these, mag-aaral ka 'di ba" kinuha niya ang dalawang nakahanger na mga polo at isinukat sa akin isa-isa. "See oh... this is made from your size."

Magsasalita sana ako nang lumapit si Victor sa amin. May dala-dala na rin siyang damit at mga slacks. Kinuwento ni Lani sa kanya ang pag-ayaw ko kaya pati siya ay tumulong na ring mamili ng mga bagay para sa akin. Ang  isang pantalon ay naging apat, ang t-shirt ay sampu na, kinuhanan din ako ni Lani ng anim na polo, dalawang sapatos, isang dosenang briefs, towels, at iba pa. Gusto ko mang pigilan sila ay hindi ko na rin magawa. Sabi nga nila, bawal ang tumanggi sa grasya.

Kumakain na rin kami ngayon. Isang restaurant na aakalain mo ay isang maliit lang na bahay kubo sa gitna ng syudad. Lahat ay sina-una ang mga gamit kaya siguro 'di nawawalan ng customer dahil sa tipo ng kanilang style.

Ibat-ibang seafoods ang speacialty nila, busog ako dito! sa isip-isip ko. 

Ilang minuto lang kaming nagpahinga ay dumaan naman kami sa isang bar malapit sa Glorrietta kasi nagrequest si Victor ng wine. Naumay raw siya kanina sa alimango kaya iinom lang raw saglit.

Maganda ang Resto Bar, disente at malinis tingnan. Wala masyadong kulorete sa paligid. Ngunit ang nakatawag pansin sa akin ay ang babaeng naka-upo sa stage at umaawit. Ganda ng boses niya ah malaki na malamig. Sayang nga lang at 'diko nakikita ang mukha kasi natatabunan ng mga ilaw mula sa likuran.

Kahit 'di ko alam ang inaawit niya, nakikinig ako. Swabe ng dating sa akin, nakakarelax.

Tahimik lamang ako habang busy ang mag-asawa sa pag-uusap tungkol sa kani-kanilang mga trabaho. Uminom ako habang nakikinig pa rin sa singer. Pero napakunot noo ako, parang may nakamasid sa akin.

Parang may nakatitig sa akin at inaabangan ang mga susunod kong gagawin. Pasimple akong luminga-linga sa paligid, nagbabakasali na may nakatingin nga sa akin. Ininom ko na ang natitira pang wine sa baso, pakiramdam ko lnag siguro 'yun. Wala naman akong kakilala dito sa Maynila.


Wild Lani->



ionah


HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon