Hiling-53

3.3K 67 5
                                    



Kian's pov...

           Nagcheck-in kami sa isang hotel malapit lang sa bahay namin. Gustong bumisita doon ni Rebecca pero hindi ko pinayagan. Masama kasi ang lagay ng panahon at maya-maya'y umaambon. Umiiwas lang ako sa pwedeng mangyari, ganito pang ayaw din ni Paul na sumama siya sa akin.

Pinagmamasdan ko lang syang kumakain sa niluto kong lugaw na mostly carrots at potatoe ang laman nito. Nakaharap siya sa malaking glass window kung saan natatanaw ang buong Quezon City. Maya't maya nyang pinagmamasdan ang ambon.

 "Babe... matagal akong hindi nakakita ng ulan."  tingin pa rin niya sa labas.

Tumingin ako sa kanya at inilapag ang binabasa kong komiks na napulot ko lang sa daan. Nagtaka lang ako dahil sa panahong ito'y may mga komiks pa pala.

"Bakit sa Spain hindi umuulan 'dun?"

Umiling siya at sumubo uli.

"Umuulan... pero hindi naman ako nakakalabas, nasa isang kwarto lang ako, doon tumatakbo ang buhay ko." sagot niya na hindi ako nililingon.

Natahimik ako sa sinabi niya. Parang nakikita ko kung ano ang nangyari sa kanya doon. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tahimik akong sumampa sa kama at tumabi sa kanya. Tumingin din ako sa labas.

"Hindi mo ba ako naiisip 'nun?"

Sumimangot siya.

"Anong hindi, ayaw ko nang magpachemo' dahil ang sakit 'nun pero sa bawat ginagamot ako, ikaw ang binabanggit ni Paul... darating ka na raw bukas, hanggang sa nasurvive ko ang lahat." sumubo uli siya. "Hinihintay ko ang bukas na 'yun..."

 Napalingon ako sa kanya. Gusto kong maiyak sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"H-Hindi ko alam kung bakit natiis ni Paul n-na hindi sabihin sa akin..." bumuntong hininga ako at tumingin uli sa labas.

"Hayaan mo na siya, alam ko naman para sa akin ang lahat nang ginawa niya.." nahagip ng mata kong ngumiti siya. "Ilang beses syang umiyak sa akin para lang makipag-cooperate ako sa treatment."

"Mahal ka niya..."

 "Natatandaan ko kasing nangako siya sa puntod ng parents namin.."

 Hindi ako sumagot, pinakikiramdaman ko lamang siya.

"Sana umaraw na..." buntong hininga niya at inilapag ang mangkok. "Gusto ko nang makita ang bahay natin."

"Saka na, mga dalawang araw mula ngayon... ipapalinis ko muna."

 "Bakit mo kasi pina-uwian sa iba." irap niya sa akin.

"Mas lalong masisira kasi kung walang tatao..." paliwanag ko uli sa kanya. "Tsaka tatlo lang 'yung nagrent..." 

"S-Si Joey... makikita niya tayo." nag-alalang lumingon siya sa akin.

"Bahay natin ang pupuntahan natin." maikli kong sagot pero tumatakbo na sa isipan ko ang maaring mangyari, masasaktan na naman siya. "Tsaka babalik naman tayo sa Madrid 'di ba..."

 Marahan syang tumango.

 "Oo, for sure... iniwan mo kasi ang anak mo 'dun." ngiti niya.

HILING: Kian MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon