INTRODUKSYON

575 19 0
                                    

May isang maalamat na isla na hanggang ngayon ay wala pang naka aalam kung may katotohanan ba o wala. Para sa iba ay isa lamang iyong haka haka ngunit para sa residente ng isla na iyon ay isa iyong tahanan. Tinatawag ng iba na naglalahong o mahiwagang isla, depende sa pananaw ng mga normal na nilalang.

Ngunit sa loob ng isla ay hindi normal. Hindi normal ang lakas ng bawat nabubuhay doon, hindi normal ang mga hayop, tao at mga kakaibang nilalang na naninirahan doon.

Magkakaibang lahi, tribo, anyo at pinanggalingan.

Magkakibang pananaw, paniniwala, tradisyon at ugali.

Sa pananaw ng mga normal na nilalang na nakatingin lamang sa labas, isa iyong paraiso. Lugar na walang hirap at dusa, walang gutom o problema.

Ngunit sa loob nito ay ang presensiya ng di masukat na lakas ng kapangyarihang sa isla'y bumabalot, kapanyarihang naghahatid ng hiwaga, pagkamangha, at maging ng takot. Kapangyarihang maaring magdulot ng kapayapaan, kaguluhan....

O kamatayan.

Bawat aksyon ay may kahihinatnan, bawat tanong ay may kasagutan,

At sa bawat pagkakamali...

Ay may kabayaran.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon