Larynx, The Somnium

36 1 0
                                    

Prologue

It was a perfect love story that came at the wrong time.

Hindi ko mabilang kung ilang beses niya akong nginitian sa ilalim ng Puno na hitik sa bunga.

He’s the epitome of handsome, Tinitingala at hindi ko alam kung bakit ako ang napili.

Hindi ko na matantiya kung ilang beses naming ginawa ang paghahawak kamay na para bang kaming dalawa lamang ang nahihirahan.

Ilang beses niya akong tinitigan pagkatapos ay nanakawan ng halik. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses siyang tumawa kasama ako.

Ilang beses, ilang ‘beses’ pa ba ang bibilangin ko? Ilang ‘beses’ pa ba ang pipilitin kong tantiyahin? At ilang ‘beses’ pa ba ang aking hihintayin? Ilan? Ilang ‘Beses.’

I like the way he talks, the way he glares at me and the way how he walks.

Sanay na akong nandiyan siya.

Sanay na ako na pagsapit ng alas-7 ng umaga ay darating siya sa aming tagpuan.

Sinanay niya ako sa kanyang halik, sa kanyang yakap at sa kanyang pagsinta.

Sinanay niya ako na siya lang ang nasa tabi ko.

Sinanay niya ako, nasanay na ako.

Ngayon. Hindi ko alam kung papaano na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Sinanay niya ako sa isang bagay pagkatapos ay siyang mawawala rin. Mag-isa lang akong nasasaktan.

Nakatanga kang naghihintay kung kailan siya babalik. Kuno’t noong iisipin kung nasan na ba siya? Kuno’t noong tatanggapin ang lahat.

Ilang buwan kitang hinintay, ilang buwan akong umasa na babalik ka. Ilang buwan akong umasa na muli kitang mahahagkan at mayayakap.

Hawak ko ang aking Tiyan na katamtaman ang laki, nararamdaman ko na rin ang pamimigat nito at ang pagsipa ng bata.

Hindi ko maiwasang mapangiti na nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa.

Isang gabi na kung saan hindi pinagsisihan. Isang gabi na kung saa’y pagkatapos ako’y kanyang iniwan.

Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan kita tatantiyahin? Hanggang kailan ako aasa at hanggang kailan?Hanggang kailan ako aasang babalik ka sa’kin?

Kasama ang magiging anak na’tin..

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon