Sugar and Spice
Minulat ko ang aking mga mata at ang puting kisame ng aking silid ang unang-una kong napansin at napuna. Doon ko lamang rin naramdaman ang kirot na tila gumagapang sa buo kong katawan.
Wala akong maalala.
Ano ang ginagawa ko dito at paano ako nakarating? Ano ang nangyari sa akin at mukhang may pasa ako sa likuran? Nasa paaralan lamang ako kanina ng huli kong malala. Kasama si Matteo at tumatawa. Kasama si Matteo at nag-uusap. Kasama si Matteo at naghaharutan.
Bigla kong naalala ang mukha ni Matteo na nakatingin sa akin. Matamis ang kanyang ngiti at tila nakita ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.
Matteo.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para bang may dapat akong alalahanin. Na dapat hindi ko makalimutan.
Ano ba iyon?
Sinubukan kong pumaupo ngunit bumagsak ako at nabigo. Marahas na tumama ang aking likuran sa malambot na foam ng aking kama, "Aray!" Napahiyaw ako sa sakit.
Umalingawngaw ang aking sigaw sa loob ng kwarto at nag-ulit ulit sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumingin ako sa aking kanan, nagmumula ang liwanag sa lampara na nakapatong sa maliit na lamesita sa tabi ng kama. Mayroon ding timba ng tubig sa tabi, nakaramdam ako ng nag-uumapaw na kalamigan sa aking katawan ng makita ko ang tubig. Tila tinatawag ako.
Sumayaw ang apoy ng lampara at gumawa ng anino ko sa kaliwang bahagi ng dingding. The pitch black shadow has greater size than me albeit it has the same features and structure.
Sinubukan ko muling umupo at pinang suporta ang dalawang kong mga braso. Naging matiwasay ang aking pagkakaupo at doon ko naaninag ng lubusan ang loob ng aking silid. Maliit lamang ito kumpara sa mga inaasahan ng iba, dahil na nga rin hindi kami gano'n kayaman ay plywood lamang ang mga dingding nito.
Tagpi- tagpi lamang ang aming bahay dahil ito ang tanging mauupahan namin ni Lola Alfonsa. Kahit na mataray ang landlord nito ay mabuti pa rin ang kanyang kalooban dahil pinatuloy niya kami. Wala rin itong hatid na kuryente, mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng hapon, nakikikabit kami ng ilaw sa kapit bahay tuwing sasapit na ang gabi.
Gumapang ako sa maliit kong kama at tumayo. Mas naramdaman ko ang pagod ng dumampi ang aking talampakan sa malamig na sahig. Kumalat ang lamig sa aking katawan at naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo sa likuran.
Inalintana ko ang mga nararamdaman ko na ito at nagtungo sa pintuan ng aking kwarto.
'Magtigil ka!'
'And'yan na sila!'
'Sinong sila?'
'Sila! Sila! Sila!'
'Sino?'
'Sila!'
Umiling ako at hindi na lamang inabala pa ang nagsisigawan at nag-uusap na mga boses sa aking ulo. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at binuksan na kaagad ang pintuan ng aking silid.
Napansin ko ang paggalaw ng kakaibang itim sa kaliwang bahagi ng silid. Napakunot ako ng noo sa pagtataka dahil wala naman akong napansin na kakaiba. Tanging anino ko lamang ang napansin kong andoon.
Napakibit balikat ako at lumabas na ng tuluyan sa silid.
Bumungad sa akin ang madilim na daanan patungo sa sala. Salamat sa nakabukas na bintana sa kanan at nagsilbing guide ang liwanag mula sa buwan sa dadaanan ko.
Naglakad na ako patungo sa sala kung saan nakakarinig ako ng bulungan at kakaibang tunog. Lumubog ang aking mga kilay sa pagtataka ng dahil dito. Maraming haka- haka ang bumalot sa aking isipan ngunit isinantabi ko ang mga ito.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...