LAXUS
Larynx! Larynx! What the fuck? Kelan ba naging lalamunan ang pangalan ko?
"Sir, kulang po 'yung supply na'tin ng Fries, Sir. Kailangan na p--"
"Ayoko ng istorbo! Gumawa kayo ng paraan! Lumabas kayo!"
Kita sa mukha ng mga crew ang pagkatakot at pagkabigla. Hindi ko naman gusto pero ang init-init ng ulo ko. Lumabas sila sa Opisina ko at sa unang pagkakataon, hindi ko sila magawang tulungan sa problema sa Branch na'min.
Aries? Who the hell is he? Bakit tinatawag niya akong Larynx gayong Laxus ang pangalan ko. It's been a week pagtapos ng maghiwalay kami sa madilim na eskinita at pagbantaan ko siya na kikitilin ko ang buhay niya. It's been a week pero nakakabwisit dahil hindi siya mawala sa isipan ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, kinakabahan ako kapag nanda-diyan siya, biglang tumitibok ang puso ko kapag naririnig ko ang pangalan niya. Ano bang meron sa Aries na 'yun? Sobra niya akong inaasar.
The whole time, nakatingin lang ako mula sa malayo, sa kabuuan ng Siyudad. Sa dami ng mga taong sumasakay sa LRT at MRT, sa mga taong nagco-commute papuntang Cubao patungong Muñoz. Sa dami rami ng tao sa Trinoma at SM North, bakit sa dinami-rami ng taong nakakasalamuha ko, sa kanya lang ang kakaiba?
I have this feeling before, though I am perfectly happy and contented with my son and my Wife, Cham. Parang may kulang sa buhay ko, sa puso ko. Para bang may naiwan akong mahalagang bagahe ngunit hindi ko na magawang balikan dahil mabigat na ang bagaheng kasalukuyan kong dala-dala. Napakamot ako sa ulo at inis na pinahid ang aking mukha gamit ang dalawa kong palad. Magmula ng makita ko siya at ilang beses na masulyapan. Lulan na siya ng aking isipan at hindi ko hahayan na maging ang aking puso ay pasukin niya.
Sinasabi ko ba sa sarili ko na mahal ko siya? What the fuck? Hindi ko na kilala ang sarili ko. Sa loob ng isang pitik, ang pagtapak ng isang segundo. Ang lahat ay nagbago, hindi ng nasa paligid ko kundi ako Mismo.
Ininom ko ang kape na nasa aking lamesa. Hindi ko parin lubos maisip kung bakit ako nagkakaganito sa isang taong hindi ko man lang alam kung saan nagmula.
Napako ang tingin ko sa isang lalaking naglalakad kung saan. May dala siyang bag, sabak ang buong pagkatao sa ilalim ng araw. Napatingin ako ng 'di oras sa aking relo at kumapit ang aking dalawang mata sa oras, ala-una ng hapon at nakakamatay ang init ng araw.
Sa nakikita ko, hindi niya ramdam ang init. Hindi niya alintana ang taas ng araw bagkus palinga-linga siya na para bang may hinahanap na kung ano.
Hindi nawala sa isipan ko na ako ang hinahanap niya. Malamang galing na 'yan sa Branch na kung saan ako nagtatrabaho, sinabihan ko na lang ang mga tao ko na kapag may naghanap sabihin wala ako. Naaasar ako sa pagmumukha niya, bagama't gano'n ilang araw ko na ring hindi nakita ko 'yun. Hindi ko siya maiwasang hindi matitigan.
Tumigil siya sa tapat ng isang bahay na malaki, lumabas ang matandang babae pagkatapos at nag-usap sila. Sobrang layo ko kaya hindi ko na naintindihan ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam pero nasisiyahan ako sa pwesto ko habang pinapanood siyang binabaybay ang kahabaan ng kalsada habang nasa ilalim ng sikat ng araw.
Bumaba ako patungong ground floor para kunin ang sasakyan ko sa Parking Lot, hindi ko alam ang ginagawa ko. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko siyang sundan.
Agad kong minaneho ang sasakyan ko. Agad ko siyang hinanap at hindi ako nahirapan. May kinakapa siya sa bulsa niya na parang may hinahanap. Kinuha niya 'yung bente pesos niya sa bag saka pinambili ng juice na tinda lang sa tabi-tabi.
Lihim ko siyang sinundan habang lulan ng kanyang bibig ang halusan(1) na siyang lulan naman ng mainipis na plastik na tahanan ng kanyang inumin.
Hindi ko mabilang ang segundo ng siya ay aking titigan, sa pagbilis ng pagdaan ng segundo ay kasabay nito ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko man alam ang dahilan pero hindi ko magawang hindi pigilan at sa likod nito ay kakaibang sarap sa pakiramdam. Ang pagtibok na alam kong hindi mula sa sakit o kalungkutan ngunit galing sa saya. Saya na mula naman sa pagkakabuo ng aking puso.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...