Secret of the Dawn 7

100 2 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta!?" Nagatatakang tanong ni Lyden kay Laxius matapos niyang yayahin ito na lumabas sa kweba kung saan nagtatago ang mga nakaligtas niyang mga kalahi.

"Pupunta tayo sa aming palasyo. May hahanapin lamang ako." Ang sagot ni Laxius dito.

Wala ng nagawa pa si Lyden kundi ang sumunod sa lalaking kasama niya.

Halos kalahating oras pa ang kanilang paglalakad ng marating nila ang kinatatayuhan ng kanilang palasyo kung nakatira noon ang Alpha ng mga Fianna at pati na rin siya.

"Ano ba ang hahanapin natin dito? Eh wasak na wasak naman dito oh!" Muling tanong ni Lyden dito.

Hindi sinagot ni Laxius ang katanungan ng kanyang kasama bagkus nagtungo sila sa dating kwarto ng Alpha ng mga Fianna.

Pagpasok nila dito, agad na naghanap si Laxius kung ano man ang kanyang sadya. Hinalungkat niya ang aklatan ng kanyang ama pero hindi niya ito mahanap.

Ang hinahanap ni Laxius ay isang libro na kung saan sinabi ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito na iyun ang magiging gabay niya kung sakaling siya na ang uupo bilang Alpha ng mga Fianna.

Hinalughog niya ang buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Mula sa aklatan, sa pribadong kwarto ng kanyang ama hanggang sa mapaupo na lamang siya dahil sa pagod.

"Saan ba itinago ni ama yun?!" Tanong ni Laxius sa kanyang sarili.

Wala siyang ideya kung saang lugar itinago ng ama niya ang libro hangang sa bumalik sa kanyang ala ala ang isang lugar kung saan ipinakita ng kanyang ama noong siya ay bata pa lamang.

Agad na napatayo si Laxius sa kanyang kinauupuan at lumabas ng kwarto. Sumunod naman si Lyden sa kanya. Nagtungo si Laxius sa kanlurang bahagi ng palasyo kung saan nakatayo ang isang parang bodega ng mga armas.

Pumasok sila dito at tumambad sa kanila ang magulong loob nito. Nakakakalat ang mga Renking sa sahig. Ang mga lagayan ng Renkin ay natumba rin.

Muling nagtanong si Lyden kung ano na naman ba ang gagawin nila doon. Hindi siya muling sinagot ni Laxius bagkus naging abala siya sa paghahanap ng kung ano man.

Ilang saglit pa ay may hinawakan si Laxius na isang bakal. Ibinaba niya ito at ilang saglit pa ay nagkaroon ng daanan sa loob ng budega ng mga armas.

Napangiti na lamang si Laxius dahil mukhang tama ang kanyang hinala na doon itinago ng kanyang ama ang librong hinahanap niya.

Pumasok silang dalawa sa lagusan. Madilim ang daanan pero hindi nila alintana ito dahil maliwanag nilang nakikita ang daang pababa.

Ilang saglit pa ay tumigil sila sa paglalakad ng makita sila ng ilaw. Tumakbo si Laxius dito dahil nakita na nita ang hinahanap niya.

Nasa gitnang bahagi ng silid ang libro na nakapatong sa isang putol na kahoy. Kinuha ni Laxius ang librong nakapatong dito at ngumiti. Lumapit si Lyden sa kinatatayuan ni Laxius at tinanong kung anong klaseng libro ba ang hawak niya.

"Dito nakalagay kung paano pamunuan ang aming lahi. Lahat ng gagawin at hindi gagawin. Dito rin nakalagay lahat ng batas na dapat sundin at hindi." Sagot ni Laxius kay Lyden.

Napatango na lamang si Lyden sa sinabi ni Laxius dahil wala naman siyang alam tungkol sa batas ng kanilang lahi.

Lumabas sila sa budega at bumalik sa kweba kung saan sila namamalagi. Pagdating nila sa kweba, agad na nagtungo sina Laxius at Lyden sa isang lagusan kung saan sila nagpapahinga.

Pagpasok at pagkaupo pa lamng nila ay pumasok ang dating heneral ng hukbo na siyang namumuno sa kanilang lahi pansamantala.

"Nakabalik na sina Pika at ang kanyang mga kasama. Ngayon ay ginagamot na nila ang mga sugatan at ang mga kalahi na kuntiminado ng epidemya." Balita ng dating Heneral kay Laxius.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon