Secret of the Dawn 3

66 2 0
                                    

Lyden

Malalim na ang gabi at ramdam ko na ang malamig na simoy ng hanging nagmumula sa labas papasok sa bintana.
Hindi pa rin nawawala ang lahat ng nalaman ko. Tungkol sa lalaking dinala ko dito sa bahay hanggang sa tungkol sa aking papa. Sino ang mag-aakala na isang taong-lobo ang aking papa at sinong mag-aakala na totoo pala ang mga taong-lobo na karaniwan nating nababasa sa mga libro o napapanood sa mga pelikula?

Kanina ngang umaga ay pinigilan namin si Laxius na bumalik sa kanilang mundo. Nakapag-usap kasi kami ni mama kagabi na kapag babalik na yung lalaking yun ay sasama ako. Sa una ay hindi pumayag si mama sa gusto kong mangyari dahil napakadelikado raw pero sinabi ko sa kanya na para ito kay papa kaya pumayag din siya sa huli.

Napabuntong hinanga na lamang ako sa aking kinahihigaan. Ano kayang klaseng mundo ang mayroon sila? Ano kaya ang makikita ko sa kanilang isla? Napailing ako ng aking ulo. Tama ba ang desisyon kong pumunta roon?
Hindi na nakayanan pa ng aking mga mata ang antok. Ipinikit ko na ang mga ito at tuluyan ng natulog.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog nang may marinig akong mga yapak mula sa labas ng aking kwarto. Gusto ko mang manatili na lamang sa kama pero may nag-udyok sa akin na bumangon at silipin kung ano at sino ang nasa labas.
Tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ito at sinilip kung sino yung narinig ko.

Hindi na ako nagtaka ng makita ko si Laxius. Nakadamit siya ng puti at sa pang-ibaba naman ay basketball short na pinahiram ko sa kanya. Wala kasi siyang dala ni kahit na ano maliban sa mga Renkin daw niya.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking katawan. Para bang may nagtutulak sa akin at bumubulong na sundan ko siya. Maingat akong naglakad para hindi niya ako mahalata. Nang makarating na siya sa may pinto ng aming bahay, binuksan niya ito at lumabas. Pagkasara niya nito ay dali dali akong tumakbo para muling buksan ang pinto para lumabas at ituloy ang pagsunod sa kanya.

Paglabas ko, nakita ko siyang naglalakad papunta sa may gubat. Napaisip ako kung saan at ano ang gagawin niya sa loob nito. Baka may plano na siyang bumalik sa mundo nila na palihim? Kaya ang agad ko siyang sinundan.

Pagdating ko sa bungad ng gubat, nawala na siya sa aking paningin. Dahil sa liwanag ng buwan ay nakikita ko pa naman ang nasa paligid ko. Naglakad ako papasok ditoat sinundan na lang ang daan na maluwag.

Habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon pero wala akong nakita. Nagsisimula na akong matakot pero mas namahani ang kagustuhan kong sundan si Laxius.

Kanina pa ako naglalakad pero hindi ko na talaga siya makita. tumigil ako sa paglalakad at nagdesisyon na bumalik na ako sa bahay pero sa pagtalikod ko, para akong nakakita ng multa ng makita ang isang nilalang na nakatayo sa aking likod. Napaatras ako ng kaunti pero ng malinawan ang aking mga mata ay napabuga ako ng hangin sa aking bunganga.
"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong niya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ko nga ba siya sinusundan?
"Ah..eh..wala lang." Walang katutiran kong sagot sa kanya. Napailing na lamang siya sa naging sagot ko at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad.

"Kung iniisip mong babalik na ako sa Chromia, nagkakamali ka. Magsasanay lang ako para sa pagbabalik ko doon." Sambit niya habang naglalakad.

"Pwede ba akong sumama sayo? Gusto kong makita ang pagsasanay mo." Pahintulot ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad kaya wala akong nagawa kundi sundan na lamang siya.

Tahimik lang kaming naglalakad na dalawa. Tanging mga yapak at mga insekto sa gubat lang ang aking naririnig.
Ilang minuto pa ang nakalipas, tumigil kami dito sa lugar kung saan ko siya nakita. Nagtataka man ako kung bakit niya dito gustong magsanay, wala naman akong lakas ng loob na tanungin siya.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon