The Vengeful Past 10

81 1 0
                                    

The Miracle of the Last Child

"Xe-Xe-Xe-Xeneon?" ang utal na sabi ni Hathos sa labis na pagkabigla nang makita niya ang Elpang lubos niyang pinagkatiwalaan at natutunang mahalin sa loob lamang ng maiksing panahon, tumingin sa kanyang mga mata si Xeneon, ngunit di tulad ng mga mata noong nagkita sila ay gamit na nito ang mga tunay na kulay ng kanyang mata na siya ring sumisimbolo sa dugo ng dalawang lahi na nananalaytay sa kanyang mga ugat.

"Bakit? Bakit pa kayo tumuloy? Bakit pa kayo nagtungo rito?" ang tanong ni Xeneon kila Hathos sa malamig na tono.

"Bakit? Hindi ba alam mo ang sagot sa tanong mong iyan?" ang patanong na sabi ni Wicker.

"Xeneon, sabihin mo hindi totoo na ikaw ang aming kalaban, hindi ba? Narito ka upang tulungan kami na buhayin an gaming mga amang hari, tulad ng, tulad ng nakasaad sa libro na ating nabasa sa silid aklatan ng mga Solaris, hindi ba Xeneon?" ang sabi ni Nimbus na hindi na maiwasan ang pangingilid ng kanyang mga luha dahil sa labis nitong pag-asa na mabubuhay muli ang kanyang pinakamamahal na ama.

"Hanggal!" ang sigaw ni Xeneon, "bakit ko bubuhayin ang mga nilalang na ako ang pumaslang? Balakid ang mga haring iyon sa aking mga balak, kaya naman noong nakakita ako ng pagkakataon ay pinaslang ko sila upang kayo na mga hanggal na anak nila ang siyang mahulog sa aking mga plano." Ang sabi niXeneon na iniiwas na ang kanyang mga pagtingin sa mga mata ni Hathos.

"Pero paano? Kailan? Ano ang ginawa mo para matalo an gaming mga ama na mas di hamak na mas malalakas sa amin?" ang tanong ni Garette na nagsisimula ng humigpit ang pagkakahawak sa kanyang palakol.

"Simple lamang, noong pinakilala ako ni Hathos sa inyo ay lihim akong gumawa ng engkantasyon noong nagkubli na ako kay Hathos, nagpanggap ako na isang mahinang Elpa upang hindi niyo mapaghinalaan sa oras na mangyari ang pagpaslang, nang dalhin niyo na ako sa aking silid at umaayon naman ang inyong pag-alis sa aking plano ay agad ko nang isinagawa ang pagpaslang, gumawa ako ng mga ilusyon na isa sa pangunahing kakayahan ng aking ina na isang Luneria, gamit naman ang kapangyarihan ng pinunong Elpa ng mga Incencia na si Gwendine na akin ding pinaslang sa islang ito, kinontrol ko ang damdamin at kaisipan ng mga hari maliban kay haring Henix na isang Solaris, bilang isang Solaris di tumatalab sa kanya ang ano mang mahika na laban sa kanya kaya naman ang mga pag-atake mula sa kanyang mga kaibigang hari ang aking naisip na paraan, sa paraang iyon sa oras na mapatay ng mga hari si haring Henix o mapatay ni haring Henix ang mga hari ay isang digmaan ang magaganap, pero isinakripisyo ni haring Henix ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigang hari na akin ding pinaslang, at nang matapos ako sa pagpaslang sa kanila ay nagpanggap ako na inatake ako sa aking silid ng ilusyon na aking ginawa, nagpanggap ako upang mapaniwala kayo na ibang nilalang nga ang inyong kalaban." Ang sabi ni Xeneon bilang paglalahad sa kanila ng katotohanan.

"Sabi na nga ba at nililinlang mo lamang kami, sabi na nga ba at hindi ka talaga mapagkakatiwalaan." Ang sabi ni Ravi na naghahanda na ng isang pag-atake gamit ang kanyang itim na salamangka.

"Huwag kang umasta na magaling at matalino Ravi, dahil maging ikaw ay aking nalinlang, isa kang sorsero pero di mo napansin ang aking ginagawang engkantasyon tulad ng iyong hangal na ama, ikaw ang bumasa ng libro na aking ibinigay na ang katotohanan ay huwad ang impormasyon na iyong binasa, dahil ang totoo walang kristal na kailangang sirain, dahil kayo ang magiging alay upang mabuhay ang aking mga kalahi na pinaslang at pinagtulungan ng lahat ng lahi dito sa mundong ito, lahat ng inyong mga kalahi na natatakot na maungusan, natatakot na maglaho, natatakot na matabunan ng aming lahi, kaya naman pinaslang ng inyong mga kalahi at ng iba pang kasama niyong lahi ang lahat ng aking mga kalahi." Ang sabi ni Xeneon na muling dama ang pagkapoot sa lahat ng lahi na nabubuhay sa mundong iyon.

"Iyan ba ang iyong dahilan bakit ka pumaslang ng napakaraming inosenteng nilalang dahil lamang sa paghihiganti at galit na iyong nararamdaman?" ang tanong ni Hathos na nakayuko na noon, hinugot niya ang kanyang espada at naglabas ito ng ginintuang alab.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon