Chap 3
ILA
Nagising si Ila sa tama ng sikat ng araw sa mukha niya. Hindi niya malaman ang gagawin matapos alalahanin ang nangyari at nagawa nang nagdaan na gabi. Inalis niya ang pagkakayakap sa nahihimbing parin na nilalang sa kaniyang tabi. Ang kaliwang mata nito ang patunay na ito nga ang natitirang Elementa na sampung taon na niyang hinahanap. Halos maputulan siya ng hininga nang makita niya ito na sumasayaw sa ilalim ng puno at natatamaan ng liwanag ng buwan at napalilibutan ng mga paru-paro. Bawat galaw ng katawan at indayog ay umakit sa kaniya. Ngayon na natititigan niya ang nahihimbing na mukha nito ay napapayapa siya sa kainosentehan na iyon.
At magdamag na inangkin niya ang kainosentehan na iyon.
Napakagat labi siya dahil doon. Ano na lamang ang sasabihin ng kaniyang ama sa ginawa niyang pag-sira sa kainosentehan ng Elementa? Napakabata pa nito kumpara sa kaniya.
Pero kung wala siya doon ay hindi niya alam ang maaring nangyari kung ang naka-angkin dito ay nagmula sa angkan ng anino. Isipin pa lamang ang ugali ng mga ito na marahas ay nagagalit na siya at naiinis. Naikuyom niya ang kamay ng mahigpit ngunit kumalma din nang maisip na ligtas ito at siya ang umangking sa katawan nito. Mabuti na ang siya kesa sa lahi ng anino.
"Arrghh! Masakit ang pang-upo ko!" Gulat na napatingin at kinabahan siya dahil sa biglang pagsasalita nito at namula ang mukha nang pumasok sa isip niya ang kahulugan niyon.
"Pa-patawad! Hindi ko alam ang nangyari sa'kin kagabi at bakit ginawa ko ang bagay na iyon." Hingi niya ng tawad. Napataas ang kilay niya nang napabalikwas ito at bigla na lamang lumayo na akala mo ay hindi niya nagustuhan ang ginawa niya dito.
"Pinagsamantalahan mo ako! Kagabi at paulit-ulit!" Sigaw nito sa kaniya. Napangiwi naman siya sa salitang PINAGSAMANTALAHAN. Napakabigat na krimen iyon sa kanilang tribo at sampung araw na pagpapahirap at kamatayan ang kaparusahan. Ang paninilip at iba pang kabastusan sa kababaihan ay may kaparusahan din na pagtanggal sa kanilang kapangyarihan.
"Oo, hindi ko itinatanggi ngunit handa akong panagutan ang nagawa ko." Yumukod siya sa harap ng Elementa, bagay na hindi ginawa ng isang tulad niyang pinuno ng kanilang Tribu. Pero sa unang pagkakataon ay ginawa niya. Nanlaki ang mata ng Elementa dahil sa ginawi niya at agad nitong pinigilan siya.
"Pakiusap wag kang yumukod sa aking harapan! Ako ay hindi importanteng tao!" Pilit nitong itinayo siya sa pagkakayuko at naupo sa harap niya.
"Pero nagkamali ako." Mahinahon na wika niya.
"Isa lamang akong ordinaryo sa tribo ko kaya wag kang yumukod sa akin." Paliwanag nito. Naikuyom ng palihim ni Ila ang kaniyang kamay. Oo, alam niya ang trato ng mga Elementang mandirigma sa mga Hermes nito. Iilan lamang ang Hermes at ang iba ay mga mandirigma. Hindi ganoon kadami ang Elementa ngunit ang kapangyarihan nila na konektado sa mga elemento ay sapat na upang tapusin ang hukbo ng tatlong kaharian sa isang bagsak. Hindi man niya aminin ay naramdaman niya ang pagnanais na alagaan at protektahan ang Elementa. Ipakita dito ang kahalagahan nito, bilang isang Hermes na may kakayahang...
Natigilan siya.
Ang kakayahan ng mga Hermes na magdalantao ay nagsisimula sa kanilang ikalabinwalong taong gulang.
"Ano... ilang taon ka na?" Nag-aalangan na tanong niya dito.
"Labingwalo." Simpleng sagot nito. Simpleng sagot na halos magpawala ng kaniyang ulirat. Labing walong taong gulang ay ang simula ng edad na maaring magdalan-tao ang isang Hermes. Naisip niya ang magiging reaksyon ng kaniyang ama. Baka magalit ito at hindi pumayag dahil gusto nitong ampunin ang batang elementa.
Pinakiramdaman niya ang sarili kung ano ba ang nararamdaman niya. Magiging ama na siya. Magkakaroon siya ng anak na isang Elementa at kalahating Lumos. Napangiti siya. Hindi na rin masama dahil sa pamamagitan nito ay mapoproteksyunan niya ito ng husto.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...