The Vengeful Past 2

191 4 0
                                    

Innocence

Sa lugar kung saan gaganapin ang pagpupulong ng konseho ng mga lahi sa isla ng Chromia ay dumating ang lahat ng pinuno ng bawat pangkat ng lahi na naroroon sa islang iyon, kasama na roon si lola Kada na siyang pinuno ng pangkat ng mga Forestina na Elpa ng kagubatan, naabutan niya na naroon na ang dalawa pa sa pinakamatatandang pinuno ng mga pangkat ng lahi ng isla na sina Arden na pinuno ng pangkat ng Dracon, mga taong may kakayahang maging isang dragon, at si Solomos na siya namang pinuno ng pangkat ng mga Alchemede, mga kalalakihan na kayang gamitin ang kapangyarihan ng ano mang elemento at siyang unang nagsaliksik tungkol sa alkemiya.

"Ha-ha tignan mo nga naman, mukhang tayo pang tatlong mga nakatatanda ang siyang nauna dito." Ang masayang masaya na sabi ni Arden na sa kabila ng katandaan nito ay makikita pa din ang magandang hubog ng katawan nito, senyales lamang na tunay siyang nabibilang sa lahi ng mga Dracon.

"Naktatanda? Huwag mo nga akong isama sa bilang na yan, hindi pa ko matanda." Ang pabiro namang pagtutol ni Solomos na mababanaag naman ang angkin nitong kakisigan na mas bumagay sa kulay itim nitong suot na roba na may disenyo ng gintong burda.

"Kayo talaga, alam niyo naman na mas maraming ginagawa ang mga kabataan kaysa sa ating mga matatanda na." ang sabi naman ni lola na Kada na naupo na sa tabi ni Arden bilang ang lahi ni Solomos ay hindi komportable pag dating sa mga babae.

"Ha-ha, sa tingin ko ay may isa dito ang mas hindi magiging komportable." Ang pang-aasar ni Arden kay Solomos dahil sa nakita nitong paparating na dalawang magagandang babaeng Elpang sina Manatea na siyang pinuno ng Aqueline, mga Elpa ng tubig na ang pangunahing kakayahan ay ang magpalit ng anyo o manggaya ng itsura ng iba at ang manipulahin ang tubig, at si Gwendine na siyang pinuno ng Incencia, mga Elpa ng apoy na ang pangunahing kakayahan ay ang akitin at paibigin ang sino man at manipulahin ang apoy.

"Tumigil ka nga sa pang-aasar mong iyan Arden." Ang sabi ni Solomos na di na mapakali habang papalapit ang dalawang babaeng Elpa.

"Mukhang hindi yata nagagalak si Solomos na makita kami." Ang nakangiti at pabirong sabi ni Gwendine nang makalapit na sila ni Manatea sa kinaroroonan nila Arden.

"Kayo talaga ang hilig niyong biruin iyang si Solomos, alam niyo naman na sadyang hindi komportable ang lahi ni Solomos na Alchemede sa mga babae." Ang sabi nilola Kada bilang pagtatanggol kay Solomos na pinagtutulungang asarin nila Gwendine at Arden, habang si Manatea naman ay mahinhing tumatawa.

"Uy mukhang nagkakasiyahan na dito ah." Ang sabi ng isang binata na palapit sa kanila na may kasamang matipunong ginoo. Ang dalawang dumating ay kabilang din sa lahi ng Elpa na nakulong sa islang iyon dahil sa sumpa, sina Atmos ang binatang bumati sa kanila na siyang pinuno ng Oxenia, ang mga Elpa ng hangin na ang pangunahing kakayahan ay ang mag-anyong hangin o hamog at ang manipulahin ang hangin, at si Kore ang lalaking matipuno na kasabay ni Atmos sa pagdating na siyang namang pinuno ng Geola, ang mga Elpa ng lupa na ang pangunahing kakayahan ay ang magtaglay ng pambihirang lakas at ang pagkontrol sa lupa.

"Mukhang makakahinga na ng maluwag ang aking kaibigan." Ang sabi ni Arden nang makita niya sila Atmos at Kore, at kanyang inakbayan si Solomos. Naupo sa tabi ni Solomos si Kore at sa tabi naman ni Kore ay naupo si Atmos at sa tabi ni lola Kada ay naupo sina Manatea at Gwendine.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng pitong pinuno habang naghihintay sa pagdating ng iba pa nilang mga kapwa pinuno ng lahi, ngunit sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan ay biglang naging tahimik si lola Kada na hindi naman napansin ng mga kasama nito dahil sa kilala ang matandang Elpa sa pagiging payapa at tahimik, ilang sandali pa ay dumating na magkakasabay sina Lazus ang pinuno ng mga Magi sa isla ng Chromia, ang mga Magi ay mga taong may kakayahang gumamit ng salamangka ng isang partikular na elemento, si Transil ang pinuno ng mga bampira at tinawag nila ang kanialng pangkat na Haemoras, ang pangkat ni Transil ay mga bampira na sumumpang tanging dugo na lamang ng mga hayop ang sisipsipin, si Demas ang pinuno ng pangkat ng mga tao sa isla, ang lahi ng pangkat ni Demas ay nagmula sa mga mandirigma na lulan ng mga Wyvern noong panahon na atakihin ang dalawang sinaunang lahi ng mga Elpa, si Banes na pinuno ng mga Lycan o taong lobo na kasama din ng pangkat ng ninuno ni Demas na dumating sa isla noon, si Nitrine ang pinuno ng mga Silpa o mga espiritu ng hangin, si Abdula ang pinuno ng mga Efreet o mga espiritu ng apoy, si Typha ang pinuno ng mga harpyas, si Juno ang pinuno ng mga Enerus na siyang tinututring na lahi ng mga nilalang na kayang manipulahin at kontrolin ang kidlat, si Euphemia ang pinuno ng mga Maenad o ang mga nimpa na naninirahan sa mga puno, at si Tritus ang pinuno ng mga Oceanid o ang mga nimpa na naninirahan sa karagatan.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon