Sugatan si Argos matapos ang madugong laban. Ang kahinaan ng mga nilalang na ang kapangyarihan ay dilim ay ang liwanag. Sa galit ni Ila ay sumabog ang kaniyang kapangyarihan at nilusaw ng kidlat ang mga kalaban. Matapos ang laban ay nagmamadali na silang nagpatuloy sa paglalakbay. Mabuti na lamang at wala na silang aberya na nakasalubong dahil nararamdaman ni Ila ang kidlat na inilalabas ng kaniyang anak. Ang galit niya ay nararamdaman nito kaya inilalabas rin nito ang ang sariling galit at kapag hindi pa sila nagmadali ay papatayin niyon si Pika.
Pagdating sa tirahan ng mga kitsune ay nakapalibot ang lahat at gumagawa ng ritwal. Tatlong babaeng Kitsune na may siyam na buntot ang sumasayaw sa gitna kasabay ng saliw ng musika na kinakanta ng iba. Ramdam nila ang kapangyarihan sa kapaligiran na kumakalat at nagtutungo sa isang bahagi. Ang bahagi kung nasaan si Pika. Pinakakalma niyon ang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang mahal. Sinundo na sila ng dalawang mandirigma at sinamahan sa kinaroroonan ni Pika. Pagpasok ay napawi ang kaniyang pag-aalala dahil naroon at maayos na ang lagay ni Pika. Kalmado na ang sanggol at ang lahat ay nakahinga ng maluwag. Napansin niya ang dugo sa labi ni Pika at gayun din kay Lucian na humihingal at nanghihina.
Agad silang naalarma sa pagdating ng kung sino man iyon na tinawag ni Aedrien na Remus. Tiwala sila na hindi nito matatagpuan ang tirahan ngunit kailangan itong harapin ni Lucian. Sa basa niya sa nangyayari at sa reaksyon ni Aedrien at Lucian ay ang lalaki ang nagmamay-ari sa batang alipin.
"Mag-iingat ka Lucian, ikaw ang tatayong ikalawang ama ng aking anak."
Tumango ito sa kaniya saka sumagot.
"Isang karangalan na maging bahagi ng inyong supling... gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabalik."
Paglabas nito ay agad na nilapitan ni Ila ang walang malay na si Pika. Hinawakan niya ang pisngi nito at hinalikan sa labi.
"Tiyo, kailangan na nating gawin ang dapat gawin, hindi na kinakaya ng katawan niya ang kapangyarihan ng bata." Sihestiyon niya. Lumapit ang kaniyang tiyo at hinawakan sa tiyan ang walang malay na si Pika. Pagdaan ng ilang sandali ay napa-alis ang kamay nito sa tiyan ni Pika.
"Ang sanggol... isang purong Kitsune na nagtataglay ng kidlat." Hindi makapaniwalang wika ng kaniyang tiyuhin.
"Kung ganoon... iyan ang kauna-unahang Kitsune na isang kidlat. Paglabas ng kaniyang ikasiyam na buntot ay aakyat siya sa kalangitan dahil doon nabibilang ang kaniyang kapangyarihan. Tulad ng mga mahiwagang nilalang. Ang mahiwagang phoenix, ang dragon ng apoy at hangin at iba pa." Matalinhagang wika ng matandang phoenix. "Tatayo siya sa tabi ng diyosa ng mga kitsune na si Inari." Dugtong pa nito.
Nakaramdam naman ng tuwa si Ila dahil sa mga nalaman. Mamumuno ang kaniyang anak sa kanilang tribo ng napakatagal na panahon at pagdating ng araw ay aakyat ito sa kalangitan sa tabi ng kanilang dyosa.
"At ang iyong si Pika ay isang spirit fox, paglabas ng kaniyang ikasiyam na buntot ay kailangan niyang maglaho sa kalikasan kasama ng tatlong kitsune at kaniyang ama. Iyon ang misyon ng mga kitsune na umaabot sa siyam na buntot."
Nakaramdam ng matinding lungkot si Ila nang malaman ang bagay na iyon. Dadating ang panahon at mawawala ang dalawa sa kaniyang mahal dahil tutungo ang mga ito sa lugar kung saan sila nabibilang at tutuparin ang kanilang misyon bilang mga kitsune.
"Ila... iyon ay napakatagal na panahon pa... habang narito pa kami ay hayaan mo na makasama ka namin." Wika nang isang nanghihinang tinig. Napatingin siya sa ngayon ay gising nang si Pika at agad niyang niyakap ito.
"Pika?! May kailangan kang malaman... kailangan kong sabihin sayo." Wika niya habang hawak ang mga kamay nito.
"Alam ko na... sinabi na sa akin ng kanilang seer ang totoong nangyari." Sagot ni Pika sa pagitan ng kaniyang malalim na paghinga. Halata ang pagod at hirap doon ngunit kinakaya nito para sa sanggol.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...