Matteo
Sa buong buhay ko, naramdaman ko ang pagmamahal ng isang magulang. Mga magulang na inalagaan, inaruga, at pinalaki. Kaya naman tinuring ko silang tunay at akin.
Bigla na lamang nabago ang lahat ng ito ng umuwi isang gabi ang aking Ama mula sa pag-uusap ng kanilang barkada. Hindi ko binigyan pansin ito. Nagsisigaw, siya sa loob ng aming bahay at galit na galit siya sa aking Inay.
"Punyemas na buhay to!" bulyaw niya. Narinig ko ang malakas na pagtama ng kung anong bagay sa pader. Umalingawngaw ito at umabot sa aking kwarto. "Tang ina niyan ni Rudolfo, wala daw akong mapagmamalaki!" dagdag niya. Nakarinig muli ako ng pagkasira.
"Putang ina naman kase, anak lang hindi pa ako mabigyan," narinig ko ang mga kaluskos ng mga tao sa kusina.
Lumakas ang kabog ng aking dibdib sa aking narinig ngunit binalewala ko muna ito. Hindi ko pa sigurado kung totoo ba o hindi.
"Philip, magdahan-dahan ka." pagpapaalala ni Inay ng malumanay.
"Pucha kasi Cecilia, bakit ba nabaog ka?" Hindi nakaimik ang inay sa katanungan. Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Itay.
Lumabas ako mula sa kwarto ng dahan-dahan, nagbabakasakaling may marinig pa ako mula sa kanlang pag-aaway.
"W-wag kang m-maingay! Maririnig ka ni Matteo." wika ni Inay.
"Wala akong pakialam kung marinig niya!" narinig ko ang pagsampal ni Itay kay Inay. Biglang bumagsak ang aking puso ng dahil dito.
Binilisan ko ang takbo patungo sa kusina, narinig nila ang aking kaluskos na nagawa kaya naman napatingin sila sa direksyon ko. Nakita kong nasa lapag si Inay himashimas ang kanyang kanang pisngi. Mabilis akong lumapit sa kanya at kaagad namang niyakap siya. Tumingin ako kay Itay at tumayo.
"Bakit mo ba sinasaktan si Inay?!" galit kong tanong sa galit na galit ring lalake.
"Wag kang makisawsaw!"
"Philip!"
"Ampon ka lang!"
Simula noon, hindi na muli akong nakaisip ng maayos at tanging ulit ulit ng mga kataga na iyon ang naririnig ko. Simula noon hindi ko na naisip na siguro nga marami talang hindi nabiyayaan ng masayang buhay.
Sobrang sakit.
Ngunit
Nang makilala ko si Quinn. Siya na ang naging sentro ng buhay ko. Siya na ang naging katuwang ko.
Minahal ko siya ng lubusan higit pa sa sarili ko.
Mahal na mahal ko.
-
Quinn
Tila napako ako mula sa aking kinatatayuan, nagmistulang mga tunog ng bubuyog ang mga kaibigan kong tumatawag sa aking pangalan. Hindi ko silang maintindihan lahat. Ang aking paningin ay naka sentro sa taong nakaupo sa ulap na itim. Gayundin siya, hindi rin niya inaalis ang tingin sa akin.
Naramdaman ko ang paghatak sa akin ni Cristopher ngunit nagpumiglas ako, hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Totoo ngang buhay si Matteo, ngunit nang malaman ko ang rebelasyon tungkol sa totoong pagkatao niya, tila ba'y malakas na pinisil ang aking puso na may kasamang kuko. Nagdurugo ng lubusan. Siya si Lucas? Isa rin pala siyang salamangkero na katulad ko? At ang lubos na nakakagulat ay sa rin siyang Heir.
Ibig sabihin ba nito ay magkapatid kami? Paano na lang kung.. kung.. alam ko namang magkakapatid kaming laaht dito ngunit hindi ko mapalagay na sa ganitong paraan ko pa malalaman ang lahat. Gusto kong maintindihan ngunit naglilparan lamang ang lahat ng katanungan sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...