Fury
"Hello, Quinn." Rinig kong pag- bati sa akin ng isang magandang dilag habang kasama ang aking kaibigan na naglalakad sa hallway ng aming paaralan. Makorte ang kanyang katawan at bagsak ang kanyang buhok na putol hanggang balikat. Tinapunan niya ako ng napakatamis na ngiti kaya naman ginantihan ko ito.
"Hi." Bati ko sa kanya, hindi nag-alis ang tinginan naming dalawa hanggang sa malampasan namin ang isa't isa.
Narinig ko ang pagtili niya na nagpa-iling sa akin. Parating ganito ang pangyayari na bubungad sa akin sa pagpasok, break, at uwian. Hindi ko naman sila masisisi dahil kakaiba ang karisma ko sa ibang tao, mapa- babae man yan o binabae. Mapungay ang aking mata na may mala- tsokolate na kulay, matangos ang ilong, at manipis na labi na kapag ako'y ngumingiti ay nagpapakita ng mapuputi at diretso kong ngipin.
May malakas na hampas akong natanggap mula sa likuran na nagpangiwi sa akin, tinignan ko ng patulis ang aking kaibigan na pagkatapos akong hampasin ay akbay naman sa akin habang may mala-demonyong tawang maririnig sa kanyang bibig.
"Walang hiya ka talaga Pareng Quinn. Mapa-umaga, tanghali, o gabi, ang dami mo paring napapalaglag ang panty." Pang-aasar ni Matteo sa akin. Hindi naalis ang masamang tingin na pinakikita ko sa kanya. He patted my back, I let out a frustrated groan. Natunaw ang masamang tingin ko sa kanya hanggang sa napalitan ito ng mapamosong ngiti.
"Alam mo naman ako, Pareng Matteo, mabilis kong mapapabukaka kung sinoman sumubok na kumerengkeng sa harapan ko." Maloko kong ani habang patuloy kami sa paglalakad.
"Iba ka talaga, kaya idolo kita eh." Hindi na lamang akong sumagot sa sinabi niya hanggang sa na- abot na namin ang silid- aralan na designated para sa amin.
Mabilis kong nahanap ang aking upuan at pumaupo rito. Hindi ko na inabala pang tugunan at lingunin ang pagtawag sa akin ng iba ko pang tropa dahil alam kong pang-aasar lamang ang aabutin ko sa kanila. I've had enough already. Araw-araw ka ba namang tawaging putok sa buho, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko rin alam kung paano nilang nalaman na hindi naman talaga ako Apo ni Lola Alfonsa. She found me in front of her doorsteps. Marahil dahil sa mga chismosa na kapit-bahay namin ay para itong apoy sa gubat na mabilis na kumalat.
Tinakpan ko ang aking mga tainga upang hindi marinig ang kaingayan ng aking mga kamag-aral at patuloy lamang sa pagtitig sa blackboard sa aking harapan. Dumating na rin naman ang aming Guro kaya naman nakahinga ako ng malalim at nagpasalamat.
Mas lalong gumaan ang aking pakiramdam ng tumahimik na ang buong klase at wala ng nagsalita bukod sa aming Guro na si Mr. Martinez.
Mr. Martinez has a prominent smile. Mabilis mo itong mapapansin dahil kakaiba ito bukod sa ibang tao as if he is revealing fangs. Natatawa na lamang ako tuwing iniisip ko yun, how the hell a normal Mythology teacher to have fangs? He also has dark aura around him which made me shiver. Creepy, if you ask me.
He started tackling about Mythology, different kinds. Actually, this is my favorite subject, hindi naman ako yung tipo ng tao na patapon ang buhay at walang paki-alam sa kanyang studies. In fact, sa hindi malamang dahilan ay I love going to classes. I feel comfortable every time I hear unfamiliar words. Gusto kong maka- consume ng iba't ibang klase ng bagay, I find it amusing everytime I learn new things. Grabe, this is unbelievable. Ako lang ata ang teenager na adik na adik sa pag-aaral. Walang araw na hindi ko mahahawakan ang aking textbooks. I also love observing human behaviors.
"Isla ng Chromia." Ani Mr. Martinez, tumalikod siya sa amin at sinulat sa blackboard ang kanyang sinabi. Pumaharap siya sa amin at ngumiti. "Do you have any idea about the Island of Chromia?" Tanong niya habang nilalaro ang chalk sa teacher desk.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...