Solid, Liquid, Gas
"Nakita namin kung paano niya sinipa si Jericho sa dibdib!" Mabigat at marahas na sabi ni Alexander sa aming Guidance Councilor. Patulis na nakatingin sa akin sina Alex at Anatoly, as if murdering me in their minds. Hindi ko sila masisisi dahil sa ginawa ko sa kaibigan nila. Hindi ko sila masisisi dahil kahit ako ay walang kaalam alam sa mga nangyari kaninang Lunch Break.
Ang nakakapagtaka, ni hindi ko nga nilapitan o hinawakan si Jericho, and I'm pretty sure hindi ko siya sinipa. Kung sinipa ko man siya, I'm not that strong to begin with. Yung tipong liliparin siya ng ganun kataas.
Napayuko ako habang nilalaro ang aking mga daliri. Nanlalaki ang aking mga mata sa pagtataka at pagkalito, may mainit na bagay na nakadikit sa aking dibdib na hindi ko rin alam kung ano. Hinawakan ko ang aking dibdib at naramdaman ko ang bakal na umilaw kanina.
"Parang wala lang sa kanya na sinaktan niya ang kaibigan natin oh!" Ani Anatoly. Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nila dahil my mind is clouded by different strange thoughts.
"You know what, siguro kailangan matikman niya rin ang ginagawa niya kay Jericho. Hindi man lang affected ang puta." Tuloy-tuloy na sabi ni Alexander. I heard his seat creak which means tumayo siya mula sa pagkaka-upo. Samantalang ako, hindi natinag sa kanyang ginagawa.
"Aba'y puta to ah." Rinig kong bulyaw niya. Still, not amused by his actions. My expression remains the same. Inangat ko ang aking ulo, tatangkain sana akong saktan ni Alexander but some thing stopped him from doing so. Natunganga siya sa aking harapan with puzzled look. Pati ako ay napakunot ang noo dahil sa pagtataka. Doon ko lang na-realize na merong nakaharang na barrier sa aking harapan, it was transparent and couldn't be seen by the naked eye.
Naramdaman ko nanaman ang pag-init ng bakal sa aking dibdib kasabay ng kakaibang itim na kapangyarihan na aking naramdaman sa paligid. Pina-ikot ko ang aking mata sa loob ng mailiit na kwarto, napukaw ng aking atensyon ang itim na aura sa maliit na usli sa pintuan na mabilis ding nawala kasabay ng pagtitig ko ng matagal doon. Mas lalong lumubog ang aking mga kilay sa pagtataka.
Ano ba ang mga bagay bagay na aking nakikita?
Bumalik ako sa aking ulirat nang makarinig ako ng alingangaw ng tunog ng dahan-dahang pagpalo sa lamesa. Napatingin ako sa aming Councilor at tila boryong-boryo na siya sa mga pangyayari. Nakatingin siya kay Alexander.
"Calm down, Mr. Ocampo. We are here to talk about the situation a while ago, not to make a scene again inside the Guidance Office." Pagpapa-alala niya. Napalinga ako kila Alexander at nanatiling patulis ang tingin nila sa akin kasabay ng pagkuyom ng kanilang kamao sa galit.
"Wala ba kayong ibibigay na parusa d'yan? Detention?" Takang tanong ni Anatoly bakas sa tono ng kanyang boses ang pagkamuhi.
"Wala tayong Detention Mr. Rodriguez." Ani Councilor habang nakatingin sa kanyang mga kuko at halatang sanay na siya sa ganitong mga pangyayari.
"Eh ano? Suspension? Community Service?" Umaasang tanong naman ni Alex.
Tinuon ko ang aking atensyon sa aming Guidance Councilor kasabay ng bilis ng tibok ng aking puso, hindi ko rin sigurado ngunit napakablis nito na para bang gustong kumawala. Malapot din ang pawis na dumadaloy sa aking katawan. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, nakararamdam ako ng kakaibang kapangyarihan sa aking kalooblooban. Gusto kong sumigaw ngunit may parang umaaligid sa amin, na para bang may nagmamasid sa bawat galaw na aking ginagawa.
"Maganda kung suspension, ngunit mas mapapanatag kami kung i-kick out na 'yan sa ating school. Baka mag cause pa yan ng maraming suliranin sa ating paaralan." Narining kong ani Alex. Mabilis ang pagtingin ko sa kanya, naging malamig ang aking pagtitig nagsilakbo ang aking galit na nararamdaman, gusto nila akong ma-kick out? Mas lalong lumamig ang loob ng kwarto ng makadama ako ng ihip ng hangin na tumatama sa aking likuran, naging sanhi ito ng pagtaas ng aking mga balaihbo.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...