Sa paghalik ng aking paa sa labas ng kanilang tahanan, para akong tinamaan ng kung anong matigas na bagay dahil sa bigat ng aking dibdib, gano'n na lamang ang pagtayo ng aking balahibo sa hindi malamang dahilan.
Sarado ang mga kabahayan at madilim ang paligid, tatlong oras bago ang isang taon ko rito sa Chromia, at tatlong oras na lang din ang nalalabi upang ako ay tuluyang makauwi.
"Larynx, hindi ko alam ang daan.." Ang aking sambit sa pagitan ng aming pagtakbo. Ang sakit na ng aking mga paa habang siya ay nag-aalab ang mga mata upang makita ang lagusan. Ang sakit sa pakiramdam ng mabigat na hangin na aming sinasalubong sa kabahaan ng daan.
Kinakaladkad niya ako habang hawak niya ang aking isang kamay, ang kanyang kanang kamay ay hawak ang mga gamit na'min. Hindi ko siya maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang pagkaagresibo niya sa paghahanap ng lagusan. Madilim ang langit at maya't-maya ang pagkulog. Nagagalit na ang langit at 'tila ibubuhos na niya ang kalungkutan na may kasamang poot.
Iba't-iba man ang kulay ng kidlat ngunit sadyang nakakatakot ito kapag gumuguhit sa kalangitan, matamlay rin ang mga punong tinatangay ng malakas na hangin. Ang mga ilog na biglang umingay dahil sa malalakas na agos nito. Nagsisilaglagan na rin ang sanga na siyang humaharang sa dinararaanan na'min. Sa nakikita ko, 'tila galit ang buong Isla ng Chromia sa 'di malamang dahilan. Ano ba talaga ang nangyayari? Dahil ba ito sa pagtatangka na'ming tumakas o dahil sa isasama ko si Larynx sa aking mundo?
"Larynx!" Sigaw ko ng muntik na siyang maihampas ng malaking sanga ng puno, agad niya itong tinitigan bago pa man ito makalapit sa kanya. Hindi ko alam ang sunod na nangyari dahil isang malakas na pagsabog ang aking narinig kaya't ako'y napapikit. "Kumapit ka sa'kin ng mabuti.."
Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay, isang kapit na may pwersa. Masakit ngunit hindi na lamang ako umalma. Inalalayan niya ako na sumakay sa malaking dahon, madilim ang pagkaberde nito na nagsasabing hindi gusto ang
nais na'min. Sa pagkakaupo ko sa malaking dahon, agad akong niyakap si Larynx upang protektahan sa papalapit na hangin na may apoy. Ito ang unang pagkakataon na masisilayan ko ang Chromia. Ito ang unang pagkakataon na para bang guguho ito dahil sa naghahalo na ang iba't-ibang kalamidad. Lulan kami ng isang malaking bula na ginawa ni Larynx para kami ay maprotektahan. Gawa ito sa isang salamin na sintigas ng bakal."'Wag kang matakot.." Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, tahimik ngunit samu't-sari na ang aking nasa isipan, hindi ko na alam ang aking nararamdaman. Bakit ba ako nagkakaganito? Ayos lang naman ang lahat hindi ba? "Oo, irog ko. Ayos lamang ang lahat.." Tumango na lamang ako sa kanya, nakalimutan kong kaya pala niyang basahin ang nasa isipan ko.
Samu't-saring nakakatakot na bagay ang tumatama sa aming bulang pangsalag. Ang umiikot na yero na gawa sa matutulis na dahon, ang patusok na sibat na gawa sa tubig na sunod-sunod ang pagtama kaya't unti-unti ng nagkakaroon ng lamat ito. Ang mga bolang apoy, ang mga kutsilyong salamin at ang nakakatakot na suntok ng mga puno.
Tila galit nga sa'min ang lahat, sa nakikita ko ay nais na kami kitilin gamit ang kapangyarihan ng kalikasan. "B-bumalik na lamang tayo, Larynx." Ang natatakot kong saad sa kanya. Nagulat ako ng biglang dumilim ang kanyang mata at nagsimula itong maging madilim na berde. "Hindi! Hindi tayo babalik! Hindi!"
Galit. Hindi ko kilala ang nasa harapan ko. Nakakatakot. Nakakapanandig balahibo. Bakit gano'n na lamang ang kanyang pagkagusto sa aming mundo? Nagsimulang gumulo ang utak ko at kabahan. Hindi ko alam ang gagawin, nanahimik na lamang ako pumikit. Hinihintay na matapos ang dilubyo na 'to.
~*~
Para siyang gago e. Paanong alam niya? Wala siyang alam tang ina niya. Tama nga ako. Walang maniniwala sa'kin, walang kahit sino ang maniniwala sa'kin kahit pa ang mga magulang ko. Ilang taon ko ng tinatago ang kwentong 'to. Ang hirap-hirap saluobin dahil ang gusto ko, malaman ng lahat ito. Nararapat lang naman nila malaman 'to e, dahil ito ang totoo. Ito ay hindi hango sa kahit anong kathang isip.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...