LAXUS
"Kumain ka na ba?" Tanong sa'kin ni Cham, my wife. Tiningnan ko siya sa mata at hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang nararamdaman ko.
"Wala akong gana." Sabi ko sa kanya saka pumasok sa loob ng kwarto na'min.
Marahan kong sinara ang pintuan habang nakatingin ako sa aking anak, mahimbing na 'tong natutulog na alam mong sobrang inosente pa sa mga nangyayari. I always wanted to go back everything I'll take one step ahead. I don't know what to do. At hindi ko alam kung anong maaring mangyari sa'ming dalawa. I was referring to Aries. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko for him yet wherever I see my son, it says that I make a great decision.
I'm choosing my Son's happiness over mine. Hindi na mahalaga kung masaya ako o kung nasasaktan ako o kahit ano pa ang nararamdaman ko. As long as masaya ang anak ko, masaya ang asawa ko. I don't care about mine anymore.
It's been 2 months then. Pakiramdam ko dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa tagal ng paglubog at paglitaw ng araw. Sadyang matagal ba o hindi lang talaga ako nagiging masaya sa mga araw-araw na nagkakaroon ako?
I don't know what to do then, Sighed.
Tumabi ako sa anak ko saka hinawi ang may kahabaan nitong buhok saka hinalikan ang noo. Ilang beses akong napabuntong hininga, I had many chance to meet my happiness and yet I'm done nothing. Hinayaan ko na lang ang sarili kong masaktan habang nawawala ang kasiyahan ko.
Yeah, I know it's my fault. Pagtabuyan ko ba naman siya e. Pagtabuyan ko 'yung taong nagbigay ulit ng kulay sa'kin. Pinalayas ko sa buhay ko ang taong naging dahilan kung bakit nagkakaroon ako ng gana sa t'wing papasok at uuwi ng galing sa aking trabaho. Ang taong naging dahilan kung bakit ako naging masaya ay siya ring dahilan kung bakit ako nasasktan. I wanted to him to come back but I don't know if I have the right to do that. Inalis ko na siya sa buhay ko, at ang tanga ko kung bakit pinaalis ko ang taong naging dahilan para magkaroon ng pundasyon ang buhay ko.
Namuo talaga ang galit ko ng makita ko siyang tinulak ang asawa ko, kahit buntis siya. Lalaki parin siya. And for no reasons? Bakit niya bigla itutulak ang asawa ko.
Sinamahan ko ang asawa ko hanggang sa pagtulog, 'wag ko daw siyang iiwan ko I did. Kahit para akong tangang pasilip-silip sa bintana dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Nandito pa ang ilan sa mga gamit niya, hindi ko alam kung saan siya pupunta o nakauwi ba siya ng maayos. Pero after that night, I chose my wife, Cham. Over him, he's just a stranger to me. I don't know exactly who is he? What the fuck? Ang sakit-sakit na ng ulo ko.
Magmula ng umalis siya, I have this nightmare. Lagi akong nanaginip ng lalaking tumatawa at ngumingiti. Iba't-ibang senaryo, iba't-ibang saya ang pinapakita.
Lagi niyang kasama ang lalaking kawangis ng akin. Iba lang ang kanyang buhok at tanging kulay lila na pang-ibaba lamang ang kanyang suot. Kaparehong-kapareho ko siya. Siya ang dahilan kung bakit masaya ang lalaking 'yun. Sa aking panaginip, makikita ko ang kanilang paghahalikan ngunit labis na ngiti ang babalot sa kanya. Isang paghalik na walang alinlangan. Isang ngiting labis ang sayang dulot nito.
Alam kong ayun si Larynx, ang lalaking 'nung una'y ako daw. I think I was, pero hindi sa ugali. Ngunit parehas sa pagpitik ng aming puso.
Hindi ako siya. At kahit kailan hindi magiging ako. Pinapaiyak at sinasaktan ko ang lalaking pinapaligaya't pinapahalagahan niya.
Sighed. Everything will be fine isn't it? For now, I need to accept that people always come and go, we're destined to love them but we're not fated to stay. I need to accept that I actually lose my own happiness. I just need to face the consequences. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko, masaya naman ako 'nung nawala siya. Mas sumaya nga lang 'nung dumating na siya.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...