The Eyes of The Protrector

72 4 0
                                    

Prologue

"Vera, Ginawa mo na ba ang ipinag uutos ng ating mahal na Ina?" Wika ng aking nakakatandang kapatid sabay kuha ng pinag lalaruan kong Pilam Aqua o bolang tubig.

Hindi ko ito pinansin bagkus, Gagawa na lang ulit ako ng panibago. Lumapit pa ako ng kaunti sa pampang upang maabot ang kaunting tubig na humahampas sa akin. Kumumpas ako sa hangin at sumalop sa malinis na tubig ng dagat. Malapit ko na sanang maibilog ito ng biglang may bumato sa akin ng pilam aqua dahilan upang mabasa ako.

Nakita ko sa di kalayuan ang aking nakakatandang kapatid na tumatawa habang hawak ang kaniyang tiyan. Sa sobrang pagka pikon ko ay ihinagis ko sa kaniya ang aking pilam at hindi ako nabigo.
SAPUL!

Nakita ko ang pag punas niya sa kaniyang kulay bughaw at berdeng mata. Ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi pa din siya natitigil sa pag kusot ng kaniyang mata. Bigla akong kinabahan, Kasalanan ko ata.

Mabilis kong tinungo ang kaniyang lokasyon at hinawi ang kaniyang kamay na humaharang sa kaniyang mga mata.

"Ano ba?!" Bulyaw nito sa akin, Kasabay ng kaniyang maliliit na hikbi. Muli kong hinawi ang kaniyang kamay.

"Ang sakit." Sinubukan kong alamin kung bakit masakit pero hinaharangan niya ito.

"Gusto kong makita!" Sigaw ko dito, Sawakas. Tinignan ko ang mga mata niya ng malapitan.

"Wal-" Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Walang gumagalaw sa amin. Siya nakangiti samantalang ako mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Ilang segundo lang iyon at humiwalay na din ang labi niya sakin. Nakakabanas siya.

Habang naka ngiti pa din siya sa aking harapan ay hindi niya alam na sa likuran ko ay may naka handa ng Pilam aqua. Dinamihan ko na para maka panigurado.

Ilang minuto na kaming nag ngi-ngitian lang at namumutawi na rin sa amin ang presensiya ng katahimikan kaya siya na ang nagpasimula.

"Masarap ba ang mga labi ko kapatid?" Ang walang kabutu-butong litanya nito. Balak ko na sanang mag salita pero naunahan na ako ng kalangitan.

"Narinig mo na ang aking kasagutan." Ang naka ngiti ko pa ring pag sagot.

"Wala akong pakialam sa kulog ng kalangitan, Kahit magbagsak pa siya ng kung ano pa ma-" Isang bulalakaw ang bumagsak sa kalagitnaan ng karagatan na pumutol sa sinabi ng aking kapatid.

"Ano yun?" Tanong nito sa akin na tila nag aabang ng aking sagot. Asa naman siyang alam ko anh kasagutan sa kaniyang katanungan. Pero may naisip ako.

"Bakit hindi mo na lang puntahan?" Rekomenda ko dito. Biglang kumunot ang kaniyang makapal at halos mag dugtong na kilay niya. Wag niyang sabihing natatakot siya sa isang bulalakaw?

"Napaka duwag mo naman kapatid! Sa lahi natin hindi pinahihintulutan na mabuhay pa ng matagal ang mga duwag na tulad mo!" Aniko na nag udyok sa kaniya na puntahan ang bulalakaw.

Tinakbo namin ang karagatan hanggang sa makarating kami sa lokasyon kung saan namin nakitang lumubog ang bulalakaw pero bigo kaming mahanap ito.

Tinanaw namin ang kailaliman ng karagatan pero wala pa rin kaming nakitang bulalakaw.

"Vera, Malamang ay lumubog na iyon sa kailaliman ng ating karagatan." Hindi ko siya pinakinggan. Malakas ang kutob ko na nandito lang yun sa paligid.

Aligaga akong lumibot sa lugar na malapit sa pinangyarihan pero wala pa rin. Sinubukan ko pa ito ng ilang ulit pa pero bigo pa rin akong mahanap ito. Nang mawalan na ako ng pag asa ay lumapit ako sa aking nakakatandang kapatid na naka yuko at tila may tinitignan sa ilalim ng karagatan.

"Anong tinitignan mo diyan?" Ang parang hangin kong tanong sa kaniya, Hindi niya ata ako narinig kaya mas lumapit ako sa kaniya at inulit ang sinabi.

"Kapatid! Anong-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng bigla niyang tinakpan ang aking bibig.

"H'wag kang maingay." Bulong nito sa akin ng hindi inaalis ang tingin sa ilalim ng karagatan na may umiilaw na..Teka?

"Kap-" Muli na naman niyang tinakpan ang aking at sa sobrang inis ko kinagat ko ito.

"ARGHH!!!" Daing nito habang hawak hawak ang kamay niyang may marka pa ng aking ngipin.

"Sabi kong huwag kang maingay diba?" Galit pero mahina nitong pagkakasabi.

"Sino bang sumigaw diba ikaw?" Ang mahina kong singhal sa kaniya.

"Maiba ako kapatid. Ano yung umilaw kanina sa ilalim?" Ang parang batang elpa kong tanong.

"Hindi ko alam. Nawala tuloy, Nakakainis ka." Sisi nito sa akin. Napatingin ako sa paligid baka may naka masid na sa amin at pinagtatawanan kami dahil mukha kaming mga Isdang elpia na nag aabang sa biktima nito. Mabuti na lang at wala, Maliban sa lumulutang na kulay pulang bilog sa may di kalayuan.

"Sandali?!" Sa sobrang pagtataka ko sa nilalang na iyon ay medyo napalakas ang aking pagsasalita.

"Diba sabi ko-" Siya naman ang pinatigil ko sa pagsasalita habang hindi inaalis ang tingin sa bolang iyon. Dahan dahan din niyang nilingon ang bagay na iyon na may halong pagtataka.

"Ano ang bagay na iyan?" Takang tanong nito.

"Hindi ko alam." Gaya ko sa sinabi niya kanina.

Hindi namin alam na unti unti na pala kaming lumalapit sa kulay dugong bilog na bagay na iyon. Lumulutang sa kagaya namin ngayon pero parang nakaka pang akit ang itsura nito.

"Natatakot ako." Sabi ng aking kapatid sabay hawak sa aking brasong nagsisimula palang humulma.

Nang sobrang lapit na namin sa bagay na iyon ay may naaninangan kaming sanggol sa loob ng bilog na nakakasilaw pala sa malapitan.

"Sino ang sanggol na ito?" Sabi ng aking kapatid at hinawakan ang bilog na bumabalot sa sanggol.

Ilang sandali lang ay ang mala rosas nitong kulay ay naging asul na mapusyaw. Gulat kami ng biglang nawala ang bilog at nahulog ang sanggol, Pinagpapasalamat ko na lang na nasalo ito ng aking kapatid.

Nakamamangha ang pisikal na anyo ng sanggol. Malayong malayo sa matitikas at mga moreno naming hitsura. Ang kulay kasi ng kaniyang balat ay tila hindi nasinagan ng sikat ng araw. Hindi rin matulis ang kaniyang mga taenga hindi tulad ng sa amin.

Tinignan ko ang aking kapatid na manghang mangha pa din sa sanggol.

"Dalhin natin siya sa atin?" Ang naka ngiti nitong mungkahe habang nilalaro laro ang sanggol na nasa kaniyang bisig. Bigla akong natahimik sa iminumungkahi niya. Hindi kaya magalit samin ang mga nakatataas kung nagdala kami ng isang hindi kilalang nilalang sa aming tribu?

Muli kong tinignan ang aking kapatid na abalang abala sa sanggol. Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"Gusto mo siyang mahawakan?" Hindi ko alam pero kusa akong napatango at hindi ko rin namalayang nasa bisig ko na pala ang sanggol.

Lalo akong namangha sa pisikal na anyo nito. Tiyak kong kapag lumaki na ito ay siya ang magiging pinaka matipuno at pinaka makisig na elpa sa aming tribu.

"Anong ipapangalan natin sa kaniya?" Tanong ng aking kapatid. Tinignan ko ang bata at minasdang maigi ang kaniyang mga makikinang na mata.

"Alam ko na." Sabi ko habang nakatingin pa din sa makinang na mata ng bata.

"Ano nang pangalan niya?" Tanong niya.

"Caelus."

"Caelus."

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon