Kaharian
"Anong sinasabi mo Henna!? Ikaw ang tagapagmana nang trono ko tapos sasabihin mong ayaw mong labanan yung lalakeng 'yon!" Habang tumatagal ay sumisikip ang pagkakasakal ni ama sa aking leeg.
"T-tama na po ama..." Pakiusap ko, pero mas lalo pang sumikip ang pagakakasakal niya sa'kin.
"Mahal mo na ba ang lalakeng iyon!?" Sigaw ni ama. Mahal ko na ba ang lalakeng iyon kahit hindi ko pa siya nakikita nang personal? Siguro.
"G-gusto ko na po siya. Ama." Aking wika nang bigla siyang namula sa galit.
"Hangal! Isa kang hangal prinsepe Henna!" Sigaw nang aking ama. Binitawan na niya ako. Ako'y napaluha dahil hindi ko nakaya na tawagin akong hangal nang aking sariling ama.
"Ama, hindi ko po gusto ang Diyos nang hangin at mga bituin, yung lalakeng gusto niyong patayin, ang gusto ko!" Ipinagsigawan ko sa apat na sulok nang bulwagang ito kung sino talaga ang aking iniibig.
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo Henna!? Wala kang mapapala sa lalakeng iyon! Taga District Zero siya at alam mong itinuturing natin silang mga walang kwenta!" Bulyaw nang aking ama.
"Pero ama, gusto ko ang lalakeng iyon!" Tugon ko sa malupit na hari at nakatanggap ako ng isang malakas na sampal.
"Hangal ka! Kasal na kayo ng Diyos ng hangin at mga bituin tapos sasabihin mong mahal mo ang lalakeng taga District Zero!?" Namumula na ang mata ng aking ama dahil sa sobrang galit.
"Ikaw lang ang may gustong ipakasal ako sa Diyos mo ama! Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maging malakas na prinsipe o maging isang prinsipe lalo na kung ikaw ang magiging ama ko!" Nag tuloy-tuloy na ang mga luha ko na bumagsak sa lupa.
"Guardian!" Tawag ng amang hari sa isang guardian na naka tayo sa aking gilid.
"Bakit po mahal na hari?" Lumapit ang alagad at lumapit sa kinaroroonan namin.
"Ikulong ang lapastangan na 'yan sa kulungan ng mga traydor!" Itinuro ako ni ama, nakikita ko sa mga mata niya ang pagka dismaya at galit.
"Ngunit siya po ang mahal na prinsipe."
"Oo siya nga! ngunit tinatraydor niya ang hari ng Chromia at ang buong pulo!" Nag bato siya ng bolang apoy sa direksyon ko ngunit hindi ito tumama sa akin. "Kung hindi ka susunod sa aking ipinaguutos, ikaw ang aking ikukulong nang habambuhay sa kulungan ng mga traydor!"
"Masusunod po mahal na hari." Nag bow siya sa kamahalan at hinawakan ang aking braso. "Tara na po kamahalan."
District Zero
Natulog na si Earth Sebastian nang may pagaalinlangan sa puso dahil ayaw niyang masaktan ang taong mahal niya na hindi pa naman niya nakakausap nang personal kaya siya nagkaroon ng masamang panaginip tungkol kay prinsipe Henna.
"Mahal ko!" Nagising ako nang pawisan dahil sa isang masamang panaginip... napanaginipan kong namatay na si prinsipe Henna mula sa aking kamay.
Hindi ko kayang mamatay ang mahal ko at lalong lalo na kung ako ang papatay sa kanya. Hindi mapayapa ang aking puso dahil pakiramdam ko may masamang nangyayari sa kanya.
Kailangan ko siyang puntahan sa kaharian... ililigtas ko siya sa kapahamakan.
"Hindi mo siya maililigtas dahil ikaw na ang nakatakdang papatay sa kanya."
"Lolo Ikong?"
"Inuulit ko, ikaw ang nakatakdang papatay sa kanya."
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...