The Eyes Of A Mateless Alpha 6

37 1 0
                                    

Omen

Kasalukuyang nakarayo sa labas ng kanilang bahay ang isang babae na nasa kanyang katandaan na ngunit halata pa rin sa kanang mukha ang kanyang kagandahan.

"Anak", bulong niya sa hangin.

"Aking sinta, sino ang tinatawag mo?" tanong ng isang lalakeng malapit na magkapareho ng edad sa babae ngunit makisig pa rin ito tignan.

"Ang ating anak, hindi mo ba naaalala ang ating anak, Romeo?" mangiyak-ngiyak na tanong ng babae sa kanya.

Isang napakalaking buntong-hininga ang pinakawalan ng lalake. "Ilang beses ko ba na sasabihin sa iyo na wala tayong anak, hindi tayo nabiyayaan ng supling kahit kasal na tayo sa isa't-isa."

Niyakap niya ang babae sa kanyang mga bisig at tuluyan itong umiyak.

"Kairo, yanang pangalan ng anak natin Romeo, Ikaw pa ang nagbigay ng kanyang pangalan. Bakit hindi mo siya maalala, may anak tayo Romeo." pagdidiinang sabi ng babae sa kanyang asawa.

"Wala akong naaalalang anak, Kaila, delusyon mo lang iyan. Noong nasunog ang bahay natin noon, wala tayong anak, ang naaalala ko lang noon ay may aso tayo isang maliit na aso na may puting balahibo." sabi ng lalake.

"Iyon na nga, siya yung anak natin, siya si Kairo. Mga taong-lobo tayo Romeo. Kailanman ay hindi tayo naging tao." pagpapaliwanag ng babae sa kanya.

"Werewolves are Myths my dear, gawa-gawa lang sila ng mga tao na nais manakot." sagot ng lalake sa kanya.

Biglang bumagsak sa sahig ang babae. Nakakapit siya sa kanyang ulo na parang inaatake ng maraming masasamang nangyari. Agadnamang hinawakan ng lalake ang kanyang asawa. Ngunit imbes na makatulong siya dito, nabagsak din siya sa aahig habang nakakapit ang kanyang dalawang kamay sa kanilang ulo.

Sa pagkakataong iyon, bumalik ang lahat ng kanilang ala-ala. Umaagos ang luha ng mag-asawa sa kanilang naalala.

Isang pangalan lang ang kanilang naisambit sa gitna ng nakakasulasok na sakit ng kanilang ulo.

"Kairo, tumakas ka,hahanapin ka nila."

Kairo POV

"Tumakas ka, hahanapin ka nila." boses ng aking ina ang narinig ko sa aking tulog agad naman ako na napatayo sa aking pagkahiga na ikinabigla ni Amiel.

Nanlamig ang buong katawan ko.

"Anong nangyari sa iyo, Kairo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Ang aking ina, Buhay pa ang aking ina!" natutuwang sabi ko sa kanya. Naramdaman ni Akia ang presensiya ng aking ina at ama, nabuhay pa sila.

Buong akala ko ko ay nasawi na sila sa labanang nangyari noon sa aming teritoryo. Buhay pa ang aking mga magulang. Buhay pa sila!

Niyakap ako ni Amiel.

"Kung ganoon nga, mabuti naman." sabi niya.

Pero sa kabila ng saya na nararamdaman ko dahil sa balita na nalaman ko, nanaig oa rin ang takot ko sa sinabi ng seer sa amin na may maisasakripisyo. Natatakot ako.

I do not want to see people die right before my eyes.

Napahawak ako sa tiyan ko. Dalawang linggo na, ang pagbubuntis ng isang lobo ay kakaiba mula sa pagbubuntis ng mga tao, ayon sa nalaman ko kay Amiel.

Limang buwan lamang ang paahonh itinataal ng pagbubuntis. ang paraan ng panganganak ay ang mismong lobo yung manganganak. At ang anak na lalabas ay mga maliliiy na lobo.

Napahawak ako sa tiyan ko. If you focus properly, you can see a bump forming.

"Ngunit, natatakot ako Amiel." dagdag ko sa kfanyang sinabi matapos ako mawala aa aki g mga iniisip.

"Huwag ming ikatakot ang mga mangyayari, sa ngayon, atin lamang ituon ang ating pansin sa nabubuong buhay diyan sa sinapupunan mo." sabi niya.

I buried my face at the crook of his neck. His warmth and scent is what comforts me the most at times like this.

"Everything will be alright" he assured me with a smile. I went back to sleep.

........................

(POV ng ibang tao)

"Nahanap mo na ba siya?" sabi ng isang lalake na nakaupo sa isang trono.

"Opo. Mahal naming alpha, nahanap na po namin ang kinaroroonan ni Kairo." aagot ng lalake na ikinatuwa naman ng nakaupo sa isang trono.

Nalaman na nila kung nasaan ang aking kapatid, hindi ito maaari. Sabi ko na lang sa sarili ko.

Agad kong tinago ang lahat ng traces kung saan magagamit nila bilang lead para mahanap ako.

As swift as the wind, i went away leaving no trace of my presence behind.

Nakarating ako sa bahay ng aking magulang, agad ako na dumiretso sa kwarto at isinulat ko lahat ng nalaman ko.

Simula nung mawalay sa amin ang nakatatanda kong kapatid, nag-iba na ang ikot ng mundo ng mga magulang ko. Parang wala na ako sa kanilang paningin , at ang tingin nila sa sarili nila ay mga ordinaryo lamang sila na tao na hindi nabiyayaan ng anak.

Para na rin maitago ang malagim na katotohanan sa kanila,ginawa ko na lang bilang isang kuwarto ang attic ng bahay namin. At heto ako, mapursiging hinahanap ang kuya ko na nawala noong bata pa kami.

Si kuya Kairo, nawala siya noong inatake angaming lupon ilang taon na ang nakalipas, hindi ko man lang siya nakilala dahil nung ipinanganak kami ay pinaghiwalay na kami agad. Oo, tama ang hinala niyo, kami ay kambal.

Nakalathala sa mga sinaunang kasulatanng aming lupon ang pagkapanganak naming dalawa. Kung ihahalintulad namin ang aming sutwasyon sa iaang salita ay 'YinYang' siya ang liwanag at ako ang kadiliman.

Katumbas nito ang kulay ng aming mga balahibo pag naging taong lobo na kami.

At sa pagkaanak ko pa lang ay agad na akong inilayo ng aking lolo at lola mula sa aking ama at ina, dinala nila ako sa kabilang panig ng mundo upang doon nila ako pinagsanay ng dapat malaman ng isang taong-lobo na may dugo ng Alpha. Sa yinyang namin ni Kairo, ako yung nakapag-mana ng Alpha Genes ng aking ama kaya malaki at malawak ang aking kaalaman sa maraming mga bagay. Si Kairo, siya ang nagmana ng mga kwalipikasyon bilang isang luna mula kay ina. Mahinhin at maaruga.

Ngunit pagkabalik ko dito sa pilipinas, nalaman ko na lang na inatake pala ang aming lupon ni Noir at sapilitan kaming nalpaatras sa laban at pinatakas nina ama at ina si Kairo sa pag-aakala na mauudlot na ang buhay nila. Pero sa pgkatapos ng labanan ay natagpuan sila ng mga mangangaso na gumamot sa mga sugat nila. Ngunit sa pagkakataong iyon, nawala na ang ala-ala nila at namuhay na lang sila bilang mga ordinaryong mga nilalang. At ako naman, doon ko sinimulan ang paghahanap sa aking nawawalang kaptid.

Ngayon sa nalaman ko kanina, malaki na ang posibilidad na makikita ko na ang aking kapatid.

Ayon sa nalikom ko na impoasyon kanina ay naroon siya sa isla na tinatawag na Chromia, at handa na ang mga kawal ni Noir para pumasok doon ng sapilitan.

"Anak."boses ng aking ina ang nangibabaw mula sa tahimik na paligid ng attic na kinaroroonan ko.

"Aking anak, patawarin mo kami ng papa mo, nakalimutan ka namin." paghingi ng tawad sa akin ng aking ina. Di ko mapigilang tumulo ang luha ko, ito ang unang beses na niyakap nila ako bilang isang anak.

"Anak namin, Akira, ang kalahati ng iisang buhay na aming dinala sa mundo." sambit ni papa.

Bilang isa sa YinYang ng propesiya, kailangan ko rin mahanap ang kapatid ko upang maudlutan na ang kahibangan ng lupon na humahabol sa kanya.

Kailangan ko na maunahan ang lupon nila, kailangan ko na mailigtas samadaling panahon ang aking kambal.

"Ama, Ina, salamat po at nagbalik na ang inyong mga ala-ala. Ngunit sa pagkakataong ito kailangan ko po ang tulong niyo."

"Ano iyon anak, qt handa kami na tulumgan ka." sagot ng aking ama.

"Natagpuan ko na ang kinaroroonan ng aking kapatid. Sa isla Chromia, doon siya napadpad at kailangan ko maunahan ang lupin ni Noir na makuha ang puting lobo, o ang kapatid ko. " napaiyak si ina , nanatiling walang emosyon si ama.

"Halika, ating puntahan ang bahay ng iyong tita." sa katagang iyon ni ama, nalaman ko na mauunahanko si Noir sa pagdating sa isla bago pa man mahuli ang lahat.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon