Bubuka ang Bulaklak
Nanatili sa aking puso ang pagkabahala sa mga pangyayari. Kasabay pa nito ang galit na nagpupumilit na kumawala sa aking sarili.
Gusto kong magwala.
Nais kong manira ng kung anu- ano at ibuhos ang lahat ng aking damdamin. Lahat ng natitirang puot sa aking puso na permanente na atang naka marka dito. Hindi na mabubura at maliwanag pa sa umagang nakatatak sa aking isipan.
Nagsimula ang lahat ng ito ng mapansin kong na-iba ang itsura ni Mr. Martinez, ang pwersang kong inilabas ng magalit ako kay Jericho, ang pagkamatay ni Matteo, at ang huling nangyari na kasawian ni Lola Alfonsa.
Marahil nababaliw na ako. Marahil kung anu- ano na lamang ang aking naiisip dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraan.
Kakaiba at hindi pamilyar.
Nakakatakot at hindi kapani-paniwala.
Sinubukan kong linisin at alisin sa aking utak ang mga ito ngunit hindi na talaga mawawala dahil nagmistula itong bangungot sa akin.
Bumalik ako sa aking ulirat ng marinig ko ang pagpalakpak ng nilalang sa aking harapan.
"Inuulit ko, ako si Dende. At ako ang magdadala sa'yo sa Chromia," wika niya. Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang kaanyuan. Mahahaba ang kanyang itim na balbas, pabilog ang kanyang ilong katulad ng kanyang mukha na pabilog din, ang kanyang tainga naman ay patulis, at ang panghuli ay ang maiikli niyang mga biyas at braso.
Napa-kunot ako ng noo. Napadaming katanungan na gusto kong tanungin sa kanya, madami at alam kong hindi sapat ang isang araw upang masagot ang lahat ng ito.
"Ano ka ulit?" Pahapya kong tanong sa kanya. Ngumiti siya at inilapat ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran.
"Isa akong Duwende. At bilang duwende, nararapat na sumama ka sa akin dahil ako ang tagasundo, tagamasid, at tagapangalaga sa iyong kalagayan." Dahan-sahan niyang pagbigkas. Mas lalo akong nalilito sa kanyang sinasabi. Hindi ko siya maintindihan. "Alam kong marami kang katanungan, alam ko at sasagutin ko ang lahat ng iyan. Wag ka na lamang mag-alala pa."
Biglang nagsilakbo ang galit na aking nararamdaman, bigla akong nakadama ng panibagong paghihimagsik. Wala siyang karapatan na sabihing wag ako mag- alala dahil sa una't una'y napaka imposible ng mga nangyayari. Napaka hindi kapani-paniwala dahil puro kahibangan ang mga ito.
Tinignan ko siya ng patulis, "Anong wag mag- alala? Namatay ang Kaibigan ko sa aking harapan, gayundin ang aking Lola Alfonsa. Tapos sasabihin mong wag mag- alala?" Bulyaw ko sa kanya. Napahilamos ako sa aking mukha ng aking palad. Hindi ako palagalit. Hindi ako gano'ng uri ng tao ngunit sa mga pangyayari ngayon ay may dahilan upang ganito ang aking ituran.
Ngumiti siya sa akin at tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"Ang iyong Lola Alfonsa ay hindi pa patay, mabubuhay siyang muli dahil katulad nga ng sinasabi ng mga mortal tungkol sa myth, mabubuhay silang muli ngunit sa ibang kaanyuan. Maaaring bulaklak, o puno, o ano pang likas na yaman na magpapanatili ng kalinisan at kagandahan sa kapaligiran," Aniya. Nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib ngunit alam kong hindi sapat ang paliwanag na iyon dahil ang ibig sabihin niyon ay patay na talaga siya. "Ang iyong kaibigan naman ay natitiyak kong buhay." Dagdag niya. "Ang kanyang buhay ay mahalaga para sa mga Itim, hindi ko pa sigurado ang dahilan dito ngunit natitiyak kong buhay pa siya."
Lumubog ang aking kilay sa pagtataka, mahalaga ang buhay ni Matteo? What does he mean by that?
"Anong sinasabi mong buhay? At mahalaga sa mga itim? Hindi kita maintindihan," madali kong ani. "In fact, wala akong maintindihan sa mga nangyayari na 'to. Hindi ako mapalagay at feeling ko na babaliw ako. Ano ba ang nangyayari?"
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...