Prologue
"Datu Lirio, oras na po ng pag-atake." Wika ni Agor, ang pinuno ng mga mandirigma ng Tribu Lumos. Mula sa pag-tingin sa pulang buwan ay humarap dito ang tinawag at kita ang maningning na mata nito na kulay abo.
Tumango ito saka nagsalita.
"Nasaan ang aking anak?" Tanong ni Lirio.
"Natutulog na po sa kaniyang silid." Sagot ni Agor.
"Halina at umalis na tayo, ito ang simulappppppppp00ppppp ng tatlong gabi na pula ang buwan." Umalis ito sa bintana at nagsimulang mag-lakad palabas ng kwarto.
"Datu- kuya! Ano- nararapat ba talaga ito?" May pag-aalala na tanong ni Agor.
"Ang batas ng Tribo Lumos, hindi kami kaaway nino man, kaya wag ninyong kakantiin ang sino man sa amin, iyan ang batas ng ating tribu Agor."
Pagkasabi niyon ay lumabas na ito at naiwan na nakayuko si Agor.
------0-------
Sugatan ang dalawang maliit na paa, puno ng putik at dumikit na damo at dahon ang buong katawan. Ang natuyong dugo ay tumigas na sa kaniyang balat at ang maliliit na kamay ay abala sa paghawi ng matataas na damo at matutulis na sanga ng halaman na humaharang sa kaniyang daan. Patuloy parin siya sa kaniyang mabilis na pagtakbo at walang lingon likod. Ang nais lamang niya ay makalayo at makatakas sa lugar na iyon na naging huling hantungan ng kaniyang mga kaibigan, kapamilya at mga katribo. Makalayo sa lugar na naliligo ng dugo at nagkalat na mga sunog na katawan.
Walang apoy ngunit nasunog ang mga katawan gamit ang libu-libong boltahe ng kuryente.
Patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha habang namumula at nagliliwanag ang kaniyang mata dahil sa galit at hinagpis. Ang kaniyang murang isip ay nakabubuo ng brutal na bagay na nais ipadama sa mga nilalang na tumapos sa buhay ng kaniyang lahi. Nadidinig pa niya ang mga huling salitang binitiwan ng kaniyang ina.
'Tumakas ka Pika, tumakas ka at magpakalayo, mabuhay at muling itaguyod at simulan ang ating lahi... Isa ka'ng Hermes ng Tribung Elementa, tumakas ka at mabuhay ng masaya. Wag mo'ng punuin ng galit ang puso mo... Mahal ka namin ng iyong ama.'
Napakahirap ng hiling ng kaniyang ina. Sobrang hirap dahil napakalaki nang pagkakamali ng tribu na kayang baluktutin ang kidlat.
Sa kaniyang murang isip, tumatakbo ang mga katanungan na walang kasagutan at ang unang una doon ay bakit?
Bakit sila inubos ng Tribu Lumos?
Hindi na niya namalayan ang kaniyang paligid nang siya ay bumagsak at mawalan ng malay dahil sa pagod. Hindi rin niya namalayan ang pagsalo sa kaniya ng binatilyong kanina lamang ay abala sa pagbabasa sa ilalim ng puno ng Horus.
--------0--------
Muling tumakas ang labing walong taong gulang na si Ila sa kanilang tahanan at nagtungo sa paborito niyang lugar. Sa ilalim ng puno ni Horus habang nagbabasa ng libro na ibinigay sa kanya ni Kaiyu, ang kanilang bersyon ng siyentipiko. Ito ang lumalabas sa kanilang isla upang magtungo sa mga normal na nilalang at magsaliksik ng mga bagay na mapakikinabangan sa kanilang isla. Mga natural na bagay lamang ang dinadala nito at isa na roon ang tinatawag nitong libro, kaalaman sa pagsulat at pagbasa. Bagay na nakatakda sa pamilya nito.
Ngunit ngayon ay kakaiba. Oo, nagpunta siya doon upang magbasa ngunit hindi niya maituloy. Pagod at masakit ang kaniyang katawan dahil sa pag-eensayo at pagsasanay, pag-aaral para sa mga kaalaman na nararapat niyang malaman bilang susunod na pinuno ng kanilang tribu. Hindi niya maintindihan kung bakit balisa siya ngayong gabi na ito at hindi mapakali. Parang may mangyayari o nangyayari na hindi maganda. Isabay pa na ayaw ipadinig sa kaniya ng kaniyang ama ang kanilang pinag-uusapan.
Tumingala siya sa kulay pulang buwan. Ang sabi ng kaniyang guro ay ang pagpula ng buwan ang magdadala sa kanila ng magandang kinabukasan dahil sa pagpula ng buwan mangyayari ang pagkaubos ng mga nilalang na tumapos sa buhay ng kaniyang ina.
Pinilit niyang inalis sa agam-agam ang mga pangyayari na gumugulo sa kaniyang isipan at tumingala sa Puno ni Horus. Mula sa kaniyang pwesto ay kita niya ang unti-unting pagkawala ng liwanag ng isang bunga na kulay bilog. Kahulugan na naglalaho na ang isang lahi sa isla.
Ang pag-kaubos ng Tribu Elementa.
Nagulat na lamang siyang bigla nang sumulpot mula sa kakahuyan ang isang batang nasa walong taong gulang. Napatigil ito sa mabilis na pagtakbo at humihingal na nagpalinga-linga sa paligid. Ang katawan nito ay sugatan at puno ng putik. Ang paa ay gayun din at walang sapin. Ang mukha nito ay madumi at ang kabuoan ay puno ng natuyong dugo. Ngunit ang isang bagay na napansin niya ay ang mga mata nito.
Ang nagliliwanag na pulang mata.
Ang tatak na isa ito sa Tribung Elementa... ang lahi na kanilang nararapat na lipulin.
Hindi parin siya makagalaw nang mawalan ito ng malay at tuluyang bumagsak sa sahig.
-----------♥♡♥-------------
A/n: comments and suggestions are welcome!!
Sana po ay suportahan at basahin ninyo rin po lahat ng istorya dito.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...