Dahil nahuli na si Earth Sebastian ng mga guardian ng Chromia, naiwan niya ang kanyang pamilya sa Corth at madali siyang ipinatapon sa District Zero, ang lugar kung saan itinatapon ang mga taong patapon o sa madaling salita... mga taong hindi kinakailangan ng lipunan at nang kaharian. Kasalukuyang pinagmamasdan ni Earth ang palgid ng District Zero, puro taong gutom, galit at may lungkot sa kanilang mata. Habang pinagmamasdan ni Earth ang mga tao sa paligid ay nanlalambot ang kanyang puso at may namumuong galit sa loob nito. Hindi naabot nang kapangyarihan ng lifetree ang bayan ng Ditrict Zero kaya hindi nasusuportahan ang buhay ng mga naninirahan dito. Sa haba ng nilalakad ni Earth ay napadpad siya sa isang bulwagan kung saan nagtitipon-tipon ang karamihan ng mga taga District Zero. Lumapit si Earth sa naturang lugar at pasimpleng nakikinig sa pinaguuspan ng mga tao sa loob.
________
"Bukas nang hapon ipagdidiwang ng mga taga kapitolyo at kaharian ang Maharlika Festival, iyon ang tamang oras para lusubin ang kapitolyo at kaharian dahil walang nagbabantay na guardian sa oras na iyon." Wika nung lalakeng may katandaan na at mukhang siya ang lider nila. Ang Maharlika Festival ay ang taun-taon na pagdidiwang nang mga taga kapitolyo, ito ay ipinagdidiwang bilang isang pasasalamat sa lifetree na nag bibigay nang buhay sa buong Chromia.
"Ngunit paano tayo lalaban sa kanila kung ang iba ay walang kapangyarihan at mahina ang kakayahan?" Tanong ng isang lalake na nakasuot ng damit na gawa sa hayop.
"Paano tayo lulusob at lalaban sa mga makapangyarihan na guardian kung kumakalam ang ating mga tiyan?" Segunda ng isang ginang na may dalang sanggol sa kanyang bisig.
"Wag kayong mag alala mga kaibigan... nasa panig natin ang Diyos." Mahinahon na tugon nang matanda.
Nagkakagulo na sila at lumakas ang bulong-bulongan marahil ay hindi sila sumasangayon sa huling sinabi nang kanilang pinuno.
"Sino ka?" Napaiktad ako sa gulat nang may mag salita sa aking likuran. Isang lalake na may kalikahan ang pangangatawan.
Napahawak ako sa aking dibdib ngunit inayos ko agad ang aking sarili. "Pasensya na ginoo." Aking sambit at pasimpleng umalis sa naturang lugar.
"Gusto ko pag tinatanong ko nang maayos, sumasagot agad." Marahas niya akong hinawakan sa leeg. Nagulat ako nang makita ko ang kanyang mga mata dahil isa rin pala siyang dark eyed person. Pareho kami ng kapangyarihan.
"A-Ako si Earth... Earth Sebastian."
Nahimasmasan siya nang marinig niya ang aking pangalan kaya nakahinga na ako nang maayos mula sa pagkakasakal niya. "Paumanhin prinsipe Earth." Lumuhod siya sa akin at hinalikan nang paulit-ulit ang aking paa.
"Hindi ho ako Prinsipe ginoo, isa lamang akong simpleng mamamayan na naka tira sa bayan ng Corth at itinapon dito sa District Zero dahil isa akong dark eyed person." Litaniya ko sa lalakeng kasalukuyang nakaluhod sa harapan ko.
"Isa ka pong maharlika... anak ka po ni reyna Elenor at haring Keos ng dating kaharian ng Corth." Nagulat ako sa kanyang linahad at hindi ako makapag salita sa gulat.
"Paanong nangyari iyon ginoo?"
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...