The Dark Eyed Rebel 9

19 1 0
                                    

Sa District Zero

Ito na ang araw para sa pagbabago. Ito na ang araw ng kalayaan. Ito na ang itinakdang araw para pagkakapantay-pantay ng mga taga Chromia.

Ako ang pinuno ng District Zero at ngayong araw ay magiging hari ng Chromia. Sa tulong ni Earth Sebastian.

Ngunit may pagdududa na ako sa kanyang katapatan sa bayan dahil lihim niya palang iniibig si prinsipe Henna. Ang anak ni haring Efraim. Maari siyang mag traydor ngayon sa District Zero at manalo na naman si Efraim sa labanan. Pero hindi ko hahayaan na matalo sa labanan na ito.

"Pinunong Ikong... naghahanda na po si Earth Sebastian." Wika ng isa sa aking mga alagad.

"Mabuti naman. Osya. Sabihan mo iba na mag handa na sa isang matinding labanan..." Humarap ako sa salamin ng kapalaran. Ito ang pinto sa tirahan ni Lord Benrow, ang Diyios ng hinaharap. "Tayo ang mananalo sa giyerang ito." Buong-buo kong deklara sa magiging kapalaran ng labanang ito.

"Naniniwala po ako sa kakayahan natin pinunong Ikong." Tugon ng kanang kamay ko.

"Makakaalis ka na..." Nag-bow na siya saka lumabas ng aking himpilan.

Walang pang isang minuto bumukas muli ang pinto ng silid na kinalalagyan ko.

"Lolo Ikong." Si Earth.

"Bakit Earth?" Untag ko.

"Handa na po ako sa labanan at nakaiisip na po ako ng paraan para hindi masaktan ang mahal ko habang pinagtatanggol ang District Zero." Napa ngiti siya.

"Ganun ba. Mabuti. Gawin mo ang lahat nang magagawa mo para ipagtanggol ang mga mahihirap. Ang bayan ng District Zero." Aking wika.

"Opo lolo Ikong." Nag bow siya sa akin. "Aalis na po ako lolo... kakausapin ko lang ang mga mamamayan." Determinado talaga siya sa labanang ito.

Earth Sebastian's POV

Nakausap ko na ang mga tao at handang-handa na talaga sila sa paglusob sa mapangaping kaharian at kapitolyo. Sinuot ko na ang pulang suit upang maging simbolo ng katapangan ng mga taga District Zero... simbolo na hindi na kami muli magpapaapi sa kaharian.

"Mga mamamayan ng District Zero... makinig tayo sa ating pinuno! may sasabihin siyang importante." Kinuha ni Kabar ang aming atensyon, ang tagapag salita ni lolo Ikong.

Tumayo sa gitna ng entablado si lolo ikong suot ang pulang suit na katulad ng akin pero may pulang kapa yung kanya.

"Mga mamamayan ng District Zero... ito na ang araw ng pagbabago sa Chromia! ito na ang araw na maipapakita natin ang lakas ng mga mahihirap! ito na ang araw para maibagsak ang kaharian! ito na ang araw para sa pagkakapantay-pantay!" Tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa mga tao. "Chromia kahapon, Chromia ngayon... Chromia sa hinaharap!" Pagtatapos ni Lolo Ikong sa kanyang pananalumpati.

"Mabuhay ang Chromia!" Sigaw ng mga mamamayan na suot rin ang mga pulang suit.

Nagsimula na kaming mag lakad ng sabay-sabay papuntang kaharian.

"Bayan ng kalayaan... bayan ng mga malalaya" Inumpisahan kong kantahin ang pambansang awit ng Chromia.

"Handa kaming ipagtanggol ang kalayaan..." Ipinagpatuloy ng katabi ko ang kanta.

"Di kami papaapi... di kami magpapa lupig..." Itinuloy na ng lahat ang kanta.

Narito na kami haring Efraim...

Ibabagsak ang malupit mong pamamalakad...

Kukunin ko sa'yo ang mahal ko...

Akin na si Prinsipe Henna...

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon