The Dark Eyed Rebel 1

34 2 0
                                    

Matapos ang pangyayaring yaon, ang buong bayan ng Corth ay opisyal nang sakop ng isla Chromia. Makalipas ang isang linggo nang paghahari ni Lord Esther sa apat na sakop na bayan ay umupo agad sa trono si Lord Efraim, ang kanyang anak.

Saan na kaya napunta ang sanggol na binabalot ng gintong tela?

Nasaan na ang anak nila reyna Elenor?

Nasaan na ang prinsipe ng Corth?

Nasaan na si Earth Sebastian?
____________________

Makalipas ang dalawamput limang taon...

"Pare! gamitin mo ito!" Nakikipag laban kami ngayon sa mga alagad ng kaharian dahil nahuli nila kaming yumapak sa teritoryo ng kapitolyo ng Chromia. Mahigpit nilang ipinagbabawal na yumapak ang mga taga bayan ng Agatha, Corth at lalong-lalo na ang mga taga District Zero na yumapak sa kalupaan ng kapitolyo.

"Inuutusan ko ang espirito ng panahon na itigil ang kasalukuyang oras!" Sigaw ko saka sinuntok ang lupa at mabilis na tumigil ang lahat maliban sa akin. Sinamantala ko ang pagkakataon na putulan ng buhay ang mga kawal ng kaharian gamit ang patpat ng kamatayan ng aking kaibigan.

Muli kong ibinalik ang kasalukuyang panahon nang patay na ang mga guardian.

"Pare ang galing mo do'n ah?" Puri ni Death, ang prinsipe ng kamatayan na nagmamayari ng patpat ng kamatayan na ginamit ko kanina.

"Oo nga dude, ang astig mo!" Dagdag pa ni Rain, siya naman ang kaibigan ko na may kakayahang kontrolin ang kidlat at kulog.

"Pa-otograp!" Biro ni Ansel, ang kaibigan ko na may kakayahang mag bago ng anyo o gumaya ng hitsura ng tao.

"Sus! simpleng bagay masyado niyong pinapalaki." Swabe kong tugon sa mga tropa ko sabay hawi ng itim kong buhok paitaas.

"Ang yabang!" Sabay-sabay nilang wika.

"At least may maipagyayabang." Hindi naman talaga ako mayabang na tao gusto ko lang talaga sakyan ang mga tropa kong kupal. Ahahaha.

"Tara pumasok na nga tayo sa kapitolyo bago pa mag salubong ang buwan at araw!" Sigaw ni Death at nanuna na nga siyang pumasok sa sikretong lagusan papasok ng kapitolyo.

"Wag ka ngang maingay Death! para ka namang bading eh." Suway ni Rain kay Death habang naglalaro ito ng kidlat sa kanyang kamay.

"Wag na kayo mag away alam kong gwapo na ako." Wika ko habang binabaybay namin ang lagusan papasok.

"Gago, mas gwapo ako sa'yo at sisiguraduhin kong ako ang magugustuhan ni prinsipe Henna." Sabat ni Ansel.

"Gumagwapo ka lang naman sa tuwing ginagaya mo ako eh ahahahaha." Humagalpak ako ng tawa nang makita ko agad ang reksyon niya.

"Tsk! Kapal ng mukha mo!" Iritableng wika ni Ansel, tsk tsk pikon.

Nang makapasok na kami sa kapitolyo ay nag bago ng anyo agad si Ansel at may kakayahan rin pala siyang baguhin ang anyo ang mga kasama niya ngunit sa maiikling panahon lamang.

"Mga kups bilisan lang natin kumilos papuntang kaharian, tatlongpung minuto lang ang bisa ng pagpapalit anyo na ibinigay ko sa inyo." Paalala ni Ansel sa amin.

"Tara na wag na natin sayangin ang oras!" Wika ni Death.

Nakapasok kami ng kaharian nang walang sagabal at hindi kami napaghalataan ng mga gwardya na kami ay taga Corth, ang alam nila ay isa kami sa tatlongdaan na senador ng kaharian kaya pinayagan kami na makaakyat sa pinakataas ng palasyo kung saan nalalagi si prinsipe Henna, ang natitipuhan naming apat.

Nandito na nga kami sa tapat ng silid ng prinsipe ngunit kinakabahan kaming kumatok.

"Ikaw na ang kumatok Death tutal ikaw naman ang prinsipe ng kamatayan... baka mamatay pa sa'yo si prinsipe Henna." Biro ni Rain kay Death.

"Puro ka talaga kalokohan Rain baka gusto mong makatikhim ng lasa ng kamatayan?" Seryosong tugon ni Death pero alam kong nagloloko lang ito.

"Mas mabuti sigurong silipin ko muna kung sino ang nasa loob ng silid para masigurado natin na si prinsipe Henna talaga ang nasa loob." Suhestiyon ko pero wala namang tumutol sa tatlong itlog na kasama ko.

Pinatigil ko muna ang oras para magkaroon ako ng pagkakataon na silipin ang silid ni prinsipe Henna. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakita kong nakasuot siya ng roba na may manipis na tela tamang-tama para makita ang balat niya.

Napaka ganda niya, sadyang nakakabighani ang ginto at mahaba niyang buhok, ang kutis niyang kasing puti ng koton, hindi ko mapigilan na halikan siya dahil sa ganda ng kanyang labi. Tila ako'y nabihag sa sarili kong kapangyarihan dahil pakiramdam ko ngayon ay tumitigil ang lahat nang halikan ko siya. Balang araw magiging asawa din kita at ako ang iyong magiging hari, magkakaroon tayo ng doseng anak at lahat iyon ay mga lalake.

"Napaka ganda mo prinsipe Henna, nabihag mo ang matigas kong puso... ngunit hanggang dito na lang muna ako mahal na prinsipe, pero ipinapangako ko na mag kikita tayo sa piging ng mga maharlika. Paalam..." Bago ako lumabas ng silid ay muli ko siyang hinalikan sa labi.

"Ano na? siya ba ang nasa loob ng silid?" Usisa ni Ansel nang maibalik ko na ang lahat sa kasalukuyang oras.

"Hindi siya ang nasa loob." Wika ko saka nag lakad palayo sa naturang silid at palihim akong ngumiti. Patawad mga kaibigan... sa'kin lang nararapat ang prinsipe ng Chromia.

"Anong nakita mo sa loob Earth?" Tanong ni Death habang sinusundan ako sa paglalakad.

"Mga gintong kagamitan." Maikli kong sagot sa kanya ngunit hindi ko pa rin talaga makubli ang saya na aking nararamdaman.

"Bakit ka nakangiti kupal? Siya yung nasa loob no?" Tanong ni Rain... malakas ang pakiramdam ng isang 'to kaya pinilit kong gawing normal ang hitsura ko.

"Hindi nga... kulit mo." Inis kong tugon para tigilan na nila ako.

Nakabalik na kami sa aming bayan, ang Corth. Nag hiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko pag labas namin ng lagusan. Nahahalata ko sa kanilang mga mukha ang pagka dismaya dahil hindi nila nakita ang prinsipe.

Masaya akong naglalakad pabalik sa aming tirahan ngunit tanaw ko sa 'di kalayuan ang mga guardian na marahas na pinalalayas ang aking nanay at mga kapatid sa aming tahanan.

"Kuya Earth tulungan mo kami!" Sigaw ng aking kapatid na si Amihan. Siya ang kapatid ko na may kakayahang kontrolin ang hangin.

"Bitawan niyo ang pamilya ko!" Sigaw ko at napatingin sa direksyon ko ang mga guardian ngunit para silang mga bingi dahil hindi nila binibitawan ang pamilya ko.

Mabilis na napalitan ang saya na nararamdaman ko kanina ng galit dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung makikitang sinasaktan ang pamilya ko. Nararamdaman kong kumakapit na ang ispirito ng kadiliman sa buo kong katawan at tuluyan nang nagdidilim ang mga mata ko.

"Isa siyang dark eyed person! Hulihin!" Sigaw ng isa sa mga guardian.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon