Sanctuary
Sa kanilang paglalayag patungo sa isla ng Chromia, nanatiling kalmado ang dagat na kanilang tinatahak, napakapayapa nito na para bang walang panganib ang nag-aabang sa kanila sa islang iyon, ngunit napansin ni Lorelei bilang isa sa mga lahi na naninirahan sa tubig na may kakaiba sa dagat noon para bang ang katahimikan nito ay hindi kapayapaan ang nais sabihin, nararamdaman ni Lorelei na tila may takot ang alon nito ngunit alam niya kung saan nanggagaling ang takot na nararamdaman niya sa mga kalmadong alon ng dagat, nanggagaling iyon sa isla kung saan sila patungo.
"Hathos bakit ang tahimik mo yata? Iniisip mo ba si Xeneon?" ang tanong ni Wicker habang nakaupo ito sa harap niya at nakatitig sa kanya, tumingin sa kanya si Hathos at pagkatapos ay tumingala ito at ibialing ang tingin sa pulang pula na buwan.
"Ah wala ito, oo iniisip ko si Xeneon, pero isang bagay pa." ang sabi ni Hathos bilang tugon at napabuntong hininga siya ngunit nananatiling nakatingin sa buwan.
"Anong may isang bagay pa?" ang tanong ni Wicker bilang pag-uusisa at muli ay tumingin sa kanya si Hathos, pero sa puntong iyon ay tumingin na sa kanyang mata ito.
"Hindi ko alam ngunit tila natakot ako at kinabahan ako nang madinig ko ang mga sinabi ni pinunong Auron, di ko pa man labis na nauunawaan ang kanyang sinabi pero may naramdaman akong takot na hindi ko pinahalata sa inyo noong mga sandaling kausap natin siya, ewan ko ba pero parang pakiramdam ko mahihirapan ako na gawin ang sinasabi niyang pagpili ko." Ang sabi ni Hathos bilang sagot at isang pagtapik sa balikat ni hatos ang ibinigay ni Nimbus sa kanya at napatingin naman si Hathos dito.
"Kung ano man ang sinabi ni punong Auron sa tingin ko'y mangyayari naman 'yon kaya naman mas mabuti na wag mo na lang muna isipin dahil makakasira lamang ito sa konsentrasyon mo." Ang sabi ni Nimbus.
"Tama si Nimbus Hathos, huwag mong bagabagin ang sarili mo sa mga bagay na darating din naman ang sagot, at kung ano man ang mangyari narito lang kami, lagi lamang tayo narito para sa isa't isa." Ang sabi ni Wicker, napangiti at napatango na lamang si Hathos at pagkatapos ay muling napatingin sa kalangitan at pinagmasdan ang pulang pula na buwan.
Sa loob ng isla ng Chromia, sa sangtuwaryo ng lahi ng Luneria at Chronoan ay naroon si Xeneon, nakatayo siya sa altar at pinagmamasdan ang pader kung saan nakaukit ang mga engkantasyon na kanyang gagamitin sa seremonyas ng pag-aalay, lumapit siya sa pader at hinawakan ito nang may lungkot sa kanyang mga mata.
"Ano ang aking gagawin, ina, ama, paano ko tatapusin ang isang nilalang na sa maikling panahon ay nagawa akong paibigin, sabihin niyo sa akin paano ko magagawang saktan ang nilalang na siya ngayong nilalaman ng aking puso at isip, ina, ama." Ang sabi ni Xeneon, at napahawak siya sa kanyang dibdib at kasabay noon ay napaluhod siya sa altar at hindi na napigilan pa ang mapaluha dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman, naguguluhan na siya sa kanyang nararamdaman, nais niyang buhayin muli ang kanyang lahi ngunit may bahagi sa kanya na nagsasabing iligtas niya sa kamatayan si Hathos at ang mga kaibigan nito.
Sa patuloy na pagpatak ng kanyang luha, ay nagliwanag ang pader ng sangtuwaryong kanyang kinaroroonan, sa isa pang pader nito ay lumabas ang isang engkantasyon, nang makita iyon ni Xeneon ay agad niya itong nilapitan, binasa niya ang nakasulat sa kanyang isip, "ito ang..." ang di na natuloy na sabi ni Xeneon dahil sa ang engkantasyon na ngayo'y kanyang binabasa at nasa harapan, ay tila naging sagot sa kanya, at iyon ang engkantasyon ng pagkawasak at kamatayan, sa engkantasyong ito ay magagawang isamo o tawagin ni Xeneon ang lahat ng makapangyarihang halimaw na ikinulong sa mundo ng kawalan ng kanyang lahi, habang binabasa ni Xeneon ang mga nakasulat na engkantasyon ay napatikom ang kanyang mga kamao at napangiti siya, isang ngiti na nangangahulugang nakapagdesisyon na siya sa kanyang gagawin.
"Hindi ko man maibalik ang aking lahi, maigaganti ko naman sila, hindi ko na din kailangang paslangin si Hathos dahil sa oras na buksan ko ang lahat ng selyo ng tarangkahan ng kawalan ay masisiguro ko na kahit na sino maging ako ay hindi makakaligtas, ito na lamang ang paraan." Ang sabi ni Xeneon sa kanyang sarili, nang matapos niyang mabasa ang lahat ng engkanatasyon ay pumunta siya sa pinakasentro ng altar at doon ay tumayo siya, gamit ang kakayahan ni Manatea na kanyang nakuha ay binago niya kaliwang hintuturo sa anyo ng isang matalas na kuko ng isang mabangis na hayop at kanyang sinugatan ang kanyang sarili, ang dugo mula sa sugat na kanyang ginawa ay ipinatak niya sa altar, sa pagpatak nito ay nagliwanag ito.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...