"Nagdadalang tao ka?!"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng bampira. Ako? Nagdadalang-tao? Dala ko sa aking sinapupunan ang bunga ng pagmamahalan namin ni Remus? Isa ba iyong parusa sa akin ng mga Bathala dahil sa aking pagpipigil sa aking kapangyarihan at katawan upang magdalang-tao? Tila sunud-sunod na ang paniningil sa akin ng kapalaran. Kung kelan malayo ako kay Remus saka ko naman malalaman ang aking kalagayan. Ngunit kapag nalaman naman nya na nagdadalang-tao ako, malalaman nya ang aking tunay na pagkatao. Hindi ba at iyon ang iniiwasan ko? Pero bakit nakadarama ako ngayon ng kalungkutan? Ng pakadismaya?
"At dahil nagdadalang-tao ka, hindi ko na itutuloy ang pag-inom sa iyong dugo. Ngunit mula ngayon ay isa na kitang alipin." Walang ngiti na saad ng bampirang nagtangka sa bugay ko kanina. Napakatalas talaga ng mga tulad nyang nilalang. Naririnig na nyang tiyak ang pagtibok ng puso ng aking anak. Naaamoy nya na ang kakaibang bango na lumalabas sa katawan ng mga nagdadalang-tao.
Wala na akong nagawa nang hilahin nya ako patayo at kaladkarin patungo sa isang direksyon.
"Sayang! Napatid mo na sana ang pagkauhaw ng katawan ko at ng tyan ko." Galit nyang lingon sa akin. Kinilabutan ako sa ibinibigay nyang mga tingin. Gusto ko mang malayo sa kanya, tumakbo at tumakas ngunit alam ko na ikapapahamak ko lamang iyon. Pati na rin ang anak ko ay madadamay. Kaya naman kusa na lang na sumunod ang paglalakad ko sa daan na kanyang tinatahak hanggang sa makarating kami sa isang kubol.
Padarag nya akong ipinasok dito at hinila sa kung saan may naririnig kami nag-uusap. Ihinagis nya ako papasok sa silid. Awtomatikong prinotektahan ko ang aking tyan kaya ang likuran ko ang tumama sa sahig. Napakagat-labi na lang ako sa sakit na dulot ng aking pagbagsak.
"Lucian! Ano ang iyong ginagawa? Nasaktan mo siya!" Gimbal na tanong ng isang tinig. Narinig ko ang mga yapak nyang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko ngunit bago pa nya ako tuluyang narating ay may pumigil na sa kanya.
"Wag! Inangkin na siya ni Lucian bilang alipin at hindi ka dapat na humarang sa kanilang sitwasyon, isa iyong kabastusan. Ang maaari lamang makialam ay kung may ibang nagmamay-ari sa kaniya." Utos ng kasama nya. Tinignan ko sya at hindi naikaila ng kanyang mga mata ang awang nadarama nya para sa akin. Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya nang makita kong tila kinikilala nya ako.
Nakayuko akong tumayo at naghihintay na lang ng mangyayari o ano mang ipag-uutos ng bampira.
"Maghanap ka ng bag at iayos mo ang lahat ng maaring bitbitin para sa ating paglalakbay. Pika, kailangan mo'ng magpahinga." Narinig kong utos ng bampira sa aming dalawa ng nilalang na nagtangkang tumulong sa akin kanina.
Nakayuko pa rin akong sumunod sa ipinag-utos ng bampira. Nag-aalangan man ay lumapit na ako sa mga tumpok ng mga gamit na naroon. Agad naman akong nakakita ng may kalakihang sisidlan. Sinimulan ko na ang mag-ayos ng mga gamit dito.
"Mag-aayos na rin ako upang mapabilis tayo. Kailangan na mahanap natin agad ang kampo ng mga Kitsune." Sabad bigla ng isa sa mga lalake at nagulat ako nang tulungan nya ako sa pagsisinop ng mga kagamitan. Nagkatinginan pa kami nang mapalapit sya sa akin. Isang tipid na ngiti ang iginawad nya sa akin ngunit nag-iwas ako agad ng tingin. Isa na akong alipin ngayon. Kailangang magbigay ako ng respeto sa kanila.
Hindi ko napigilan ang mapaluha. Hindi dahil sa ayoko ng ginagawa ko o hindi ko matanggap ang sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. Naaalala ko kasi si Angelica. Dati-rati ay sya ang tagasinop ng mga gamit ko. Ngayon, ako na ang nagsisinop ng gamit ng iba. Dati ako ang pinagsisilbihan. Ngayon ay ako na ang nakatakdang magsilbi. Dati ni lamok ay hindi hinahayaan ni Remus na dumapo sa aking balat. Ngayon, kung itulak at saktan ako ng iba ay tila na lang ako isang bagay na walang pakiramdam. Nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...