Secret of the Dawn 6

55 1 0
                                    

Laxius's Point of View:

"Ano pang rason ng pagtingin mo sakin kung hindi mo sasabihin?" Sagot ni Lyden sa nilalang. Hinawakan muli ng nilalang ang tiyan ni Lyden na para bang nanabik ito.

Ilang saglit pa ay tumingin ang nilalang sa aming dalawa ni Lyden. Ngumiti ito at para bang may magandang balita.

"Nagdadalantao ka! Ikinagagalak ko ang iyong pagdadala sa panibagong buhay na iyan. Naway basbasan iyan ni Horus, at bilang regalo, ang kalikasan ay magbibigay ng tulong kung siya ay malagay sa panganib. Isang basbas mula sa tribo ng Elementa."

Nagulat kaming dalawa ni Lyden dahil sa sinabi ng nilalang. Paano nangyari yun? Ang alam ko ay hindi maaring magdalang-tao ang isang lalaki dahil wala itong bahay-bata?

Ilang saglit pa ay pumikit ang nilalang at bumulong ito sa hangin. Biglang umihip ang malamig na hangin at ang mga halaman ay tila nagsayawan at parang inaabot nila ang nilalang.

Matapos ang ginagawa ng nilalang ay tumingin siya sa aming dalawa ni Lyden.

"Nagbibiro ka lang 'di ba?" Tanong ni Lyden sa nilalang.

Napailing ang nilalang sa naging tanong ni Lyden at ngumiti ito sa aming dalawa.

"Hindi ako nagbibiro. Hindi nagkakamali ang kalikasan kung ano man ang ibinubulong nito sa akin." Sagot naman niya sa tanong ni Lyden.

"Tsk! Sino ang niluluko mo? Pwede bang mangyari yang sinasabi mo eh lalake ako!?" Hindi pa rin naniniwala si Lyden.

Pati naman ako ay hindi naniniwala dahil wala namang naituro sa akin na pwedeng magdalang-tao ang isang lalaki.

Napailing na lamang ang nilalang sa kanyang sinabi.

"Wala akong magagawa kung ayaw niyong maniwala basta nasabi ko na ang dahilan kung bakit nananakit ang iyong tiyan." Sabi na lang niya sa amin at tumayo na siya.

"Saan ba kayo magtutungo?" Bigla niyang tanong sa amin.

Napatingin kaming dalawa ni Lyden sa kanya.

"Diyan lang, sa lugar niya." Sagot ni Lyden sa nilalang sa kanyang tanong.

"Sang lugar?"

"Sa Terotoryo ng mga Fianna." Ako na ang sumagot dahil hindi alam ni Lyden kung saan kami pupunta.

"Maganda balita yan, doon din kami patungo ng aking mga kasamahan." Sabi niya sa amin na akin namang pinagtaka.

Ano ang gagawin nila doon ngayong wasak na wasak na ang aming teretoryo dahil sa mga Uktera?

"Pwede tayong magsama sa ating paglalakbay kung gusto ninyo." Alok niya sa amin.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lyden. Nagkasundo ang aming tingin na nagsasabing pumapayag kaming dalawa.

Mukhang hindi naman delikado ang nilalang na ito hindi ko lang alam yung mga kasama niya.

"Ayun sa aking nakikita ay umaayon kayo sa aking alok. Halikayo at ipapakilala ko kayo sa aking mga kasama." Anyaya niya sa amin.

Napatingin kaming dalawa ni Lyden sa mga kasama niya na nasa malapit lang.

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kanyang mga kasama. Nilapitan ko si Lyden sa kanyang kinalalagyan at tinanong kung maayos na ba ang kalagayan niya.

"Ok na ako. Hindi ko alam pero kaninang hinawakan ako ng taong yun eh biglang nawala yung sakit ng tiyan ko." Sagot ni Lyden sa akin.

Inalalayan ko siya sa kanyang pagtayo at sabay kaming naglakad patungo sa mga nilalang na naghihintay sa amin.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon