The Missing Heir

55 2 0
                                    

Prologue

Naglalaho. Nawawala. Hindi makita.

Maraming nagsasabi na guni-guni at ginawa lamang ng mapag-larong isipan. Maraming nagsasabi na ito'y hindi totoo at kahibangan. Maraming nagsasabi na mga baliw lamang ang maniniwala sa ganitong katatawanan. Ngunit ang hindi nila nakikita ay maaring katabi na pala nila. Ang hindi nila nakikita ay nararamdaman pala nila. At ang hindi nila nakikita ay nasa harap lang pala nila.

Maraming haka-haka ang isinantabi dahil hindi ito kapanipaniwala. Marami rin ang naniwala ngunit minabuti nilang itikom ang kanilang bibig dahil nararamdaman nilang walang maniniwala. At marami rin ang gumagawa ng paraan upang mahanap ang nawawala.

At ang nawawalang iyon ay ang Isla ng Chromia.

Ang Isla ng Chromia ay binubuo ng iba't ibang bahagi na nanatiling misteryo sa mga mata ng mga mortal. Maraming nakatira dito na nagtataglay ng hindi malaman na kapangyarihan at may mga nilalang dito na nagpapanatili ng kasaganahan at kaayusan ng sibilisasyo ng mga mortal.

May nagmimistulang ulap na nagkukubli sa paningin ng mga mortal upang hindi makita ang mga pangyayari na hindi makakayanang makita ng mga katulad nilang normal. Ito ang nagsisilbing panakip sa ibang dimensyon na namumuhay rin sa ating mundo. Ang mist na tinatawag ang mala-ulap na kapangyarihan na ginawa ng mga salamangkero upang mapanatiling bulag ang mga tao mula sa ibang kabuhayan sa ating mundo. Nagsisilbi itong proteksyon para sa mga ibang nilalang dahil maaari silang magimbala at masira ang kaayusan ng hulmadong mundo.

Katulad ng iba't ibang nilalang na namumuhay sa Isla Chromia. Ang natatangi at bilang na lamang na lahi ay ang mga salamangkero o tinatawag din ng iba na Lunti, dahil sa kanilang mala berdeng balat na kung aakalain ay parang balat ng dahon. Sila ang nagpapayabong at nagpapanatili ng kalinisan sa lugar ng Chromia. Tinatawag rin silang tagapangalaga dahil sila ang nag mimistulang guwardiya ng Puno na bumubuhay sa buong Isla.

Hindi sila kasingbilis ng ibang nilalang na mabilis magparami ng lahi dahil kakaunti lamang ang gumaganap na Breeder nila. Dominante ang mga Carrier sa kanilang lahi at isang bloodline lamang ang nanganganak ng Breeder. Ang pinaka pinuno nila ay ang magiging Breeder sa lahat ng Carrier. Siya lamang at wala nang iba. Nagkakaroon lamang ng panibagong Breeder kapag ang Pinuno ng mga Salamangkero ay unang beses na nakipagsiping sa isang Carrier. Isang beses lamang na maaaring mangyari na magkaroon ng panibagong Breeder. At ang ibang magiging kasunod na ay mga Carrier na.

Maaari lamang makipag siping ang Breeder tuwing pumapagitna ang buwan sa araw at mundo, o tinatawag ding Solar Eclipse. Doon lamang lubos na lumalakas at nagkakaroon ng kakayahan ang Breeder upang makapag-palabas ng kanyang semilya na maaaring makagawa ng panibagong dagdag sa kanilang lahi.

Ang mga supling na Carrier ay dinadala sa mundo ng mga mortal upang mapag-aralan ang kanilang babantayan sa paligid ng mga ito. Kailangan nilang makipag-sabayan dito at malaman kung paano nabubuhay ang mga ito. Kailangan nilang kilatisin ang pamamaraan nila sa araw-araw. At sa itinakdang oras, ay kakailangan na muli nilang bumalik sa Isla.

Ang mga Breeder ay hindi maaaring umibig sa kanilang mga Carrier. Hindi nararapat dahil papalit-palit lamang sila ng makakasiping. Kapag umibig ang isang Breeder ay naglalabas ito ng kakaibang kapangyarihan na kahit na sino ay hindi makakapantay. Maaari siyang makalikha ng mga bagay na magpapasira sa kaayusan ng lugar. Ang pag-iibigan ay sobrang lakas higit pa sa ibang aspeto ng kanilang pamumuhay.

Marami ang hindi sang-ayon sa tinatawag na pagmamahalan, kikitilin ang magiging bunga dahil hindi nararapat mabuhay ang mga gan'ong klase na ka-abnormalan.

Dahil ang pagmamahalan ng Breeder at Carrier ay maaaring makabuo ng panibagong Breeder na mas makapangyarihan sa na unang nabuo.

"Itakas mo ang supling. Wag mong hahayaang mahuli ka nila. Kilatisin mo ang lugar na iyong mararaan upang ika'y makasigurong makararating kayo sa mundo ng mga mortal ng matiwasay." Paalala ng Pinuno sa kanang kamay niyang Duwende. Bakas sa tono niya ang pagkabahala at pag-alala sa kanyang anak. Ayaw niyang mapalayo dito, mahal niya ito katulad ng pagmamahal niya sa Nagluwal dito.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon