The Dark Eyed Rebel 6

18 1 0
                                    

"Nadagdagan ang mga hula ko tungkol sa nakatakdang paghaharap ng kaharian at District Zero... ang sugo ng kaharian saka ang tagapagtanggol ng District Zero ay maglalaban at nakatakdang mapatay ng tagapagtanggol ng District Zero ang sugo ng kaharian." Litanya ni lolo Ikong.

"Hindi maari..." Pinukpok ko ng mahina ang aking sarili dahil hindi ko matanggap na ako ang naka takdang papatay sa taong mahal ko.

"Earth Sebastian." Sambit ni lolo Ikong sa aking pangalan kaya ako'y lumingon sa kanyang kinaroroonan.

"Bakit po?" Untag ko.

"Tapatin mo nga ako... may lihim ka bang nararamdaman para kay prinsie Henna?" Tanong ni lolo.

"Meron po lolo Ikong at mahal na mahal ko na siya" Wika ko nang may paninindigan.

"Hindi malayong magkagusto ka sa prinsipe dahil siya ay nagtataglay ng kagandahan." Tumilikod siya sa akin at tumingin sa kalangitan. "Ngunit..."

"Ano iyon lolo Ikong?" Gusto kong marinig kung ano iyon.

"Nabalitaan kong ikinulong siya ng hari sa kulungan ng mga traydor at nanganganib na ang kanyang buhay dahil may lalaki siyang iniibig dito sa District Zero." Parang nagpanting ang tenga ko sa aking narinig dahil may lalakeng gusto ang prinsipe dito sa District Zero. Ako iyon! Naniniwala akong ako yung lalakeng iyon!

"Sandali lang po lolo... aalis lang ako." Paalam ko. Kailangan ko siyang puntahan, kailangan ko nang makausap ngayon si prinsipe Henna.

"Saan ka pupunta Earth?" Untag ni lolo Ikong.

"Sa palasyo po lolo..." Aking tugon, aalis na sana ako pero pinigilan ako ng matanda.

"Magiging delikado ang buhay mo doon Earth, baka mahuli ka nila at mapatay kung sakaling mahuli ka nila na kasama mo ang prinsipe." Nagaalalang paalala ni lolo Ikong.

"Katulad nga po ng sinabi niyo lolo Ikong... marami akong kapangyarihan at espesyal ang kakayahan ko. Nagtitiwala po ako sa mga kakayahan ko. Ililigtas ko ang prinsipe." Paninidigan ko.

"Earth..." Sambit niya.

"Bakit ho?"

"Alam mo bang isang miyembro ng royal family si Earth? alam mo din bang sila ang sasalakayin natin bukas."

"Alam ko po lolo, ngunit mapipigilan ba ng giyera ang nagiinit na pag-ibig?"

"Tandaan mong sila ang pumatay sa mga magulang mo!" Galit na si lolo Ikong sa nangyari.

"Wala na akong pakialam sa kung anong sasabhin niyo! Pupunta ako ngayon kay Hennna para iligtas siya!" Hindi na ako napigilan ng matanda ay tumakas na ako palayo ng kinaroroonan namin.

Hindi na nga napigilan ng mga taga District Zero ang pagbabago ng isip ni Earth Sebastian kaya naghanda na lang sila sa nalalapit na giyera.

Sa kaharian

"Henna..." Nagising ako mula sa pagkakahimlay ngayong gabi nang may sumambit sa aking pangalan... si ama.

"B-bakit po ama?" Untag ko. Hindi ko siya malapitan dahil naka kadena ang aking mga braso.

"Bibigyan kita ng pagkakataon na makalabas sa mabahong kulungan na yan." Wika ni ama. Mukhang kalmado na si ama mula sa tensyon sa pagitan naming dalawa kanina kaya nagkaroon ako ng pag-asa at kaunting tuwa sa mukha.

"Sabihin mo sa akin ng diretso na hindi mo na mamahalin ang lalakeng iyon at tanging asawa mo na lang ang mamahalin mo...ang Diyos ng hangin at ng mga bituin." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni ama. Ngunit hindi ko alam ang magiging desisyon ko.

"Mahal na mahal ko..."

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon