"Ama,ano po ang ginagawa nila?" Tanong ng isang siyam na taong gulang na bata sa kanyang ama habang sila ay namamasyal sa pagawaan ng mga armas ng kanilang angkan.
"Gumagawa sila ng mga armas anak,gamit ang dalawang mineral na natatagpuan sa ating teretoryo." Sagot ng ama sa kanyang anak.
Ang dalawang mineral na ito ay ang Lead at Iron. Ayun sa pagsusuri ng mga sayantipiko ng kanilang angkan, nakakagawa sila ng ginto kapag napagsama ang mga ito. Ang mga gumagawa ay ang mga Alchemists na Lycan. Sila ay may malaking kaalaman sa syensya at dahil na rin sa mabusisi nilang pag-iimbestiga sa mga likas na yaman ng Chromia.
Dahil hindi sanay ang mga Fianna sa labanan, napag-isip ng kanilang Alpha na dapat may proteksyon sila o pwedeng gamitin sa oras ng labanan. Dahil sa kanilang talino, nakakagawa sila ng isang malakas na armas o mga kagamitang pwede nilang gamitin sa oras ng kagipitan at ito ay tinatawag nilang Renkin.
Ang mga Renkin ay ang mga sandatang gawa sa dalawang mineral na hinaluan pa ng mahika upang maging mas matibay ito sa oras ng labanan.
"Pero ama, hindi na natin magagamit yan mga yan. Maayos naman ang ating relasyon sa iba pang lahi, 'di po ba?" Sambit ng bata sa kanyang ama.
"Alam mo anak, sa bawat segundo ay may nagbabago. Sabihin na nating maganda ang relasyon natin ngayon sa ibang lahi pero paano na lamang kapag nagbago ang kanilang pag-iisip at bigla nila tayong sugurin?" Nakikinig lamang ang bata sa paliwanag ng kanyang ama.
"Naninigurado lamang tayo anak sa pwedeng mangyari sa susunod pang panahon." Pagtatapos ng kanyang ama. Napatango na lamang ang bata sa paliwanag ng kanyang ama.
Nagsimula na muli silang maglakad. Ipinapasyal ng Alpha ng mga Fianna ang kanyang nag-iisang anak upang maging handa ito kapag siya na ang uupo bilang Alpha. Alam niyang malaking responsibilidad ang ibibigay niya sa kanyang anak ngunit wala na siyang magagawa kundi ang sanayin ito, pangaralan sa mga bagay-bagay sa kanilang angkan at sa pakikidigma. Matapos nilang mapasyal lahat at maituro ng Alpha ang pwedeng matutunan ng anak, nagpasya ang Alpha na dalhin ang kanyang anak sa pinakasagradong lugar ng kanilng teretoryo. Ito ay ang kinalalagyan ng Elixer ng buhay.
"Ama, ang ganda ng kulay at anyo ng bagay na yan. Ano po ang tawag diyan?" Manghang tanong ng bata sa kanyang ama. Ngumiti lamang ang Alpha sa kanyang anak at ipinaliwanag kung gaano kahalaga ang bagay na yun.
Ang Elixer ng buhay ay ang pinakapuso ng kanilang lahi. Ito ay nagawa pa noong panahon pa ng pinakaunang Alpha na namuno sa kanilang angkan. Ang Elixer ng buhay ay may kakayahang magbigay ng kakaibang lakas kung sino mang Lycan na makahawak nito. Bukod sa lakas, meron ding kakayan ito na pagalingin na kahit gaano pa kalalang sugat pero ang pinakamahalaga ay ito ay nagbibigay Ito ng buhay sa isang patak lamang ng langis nasa loob nito. Pero hindi lang yan ang kakayahan ng Elixer ng buhay dahil kaya niya ring gawin immortal kung sino man ang iinum ng lahat ng langis na nakapaloob dito.
"Ang galing ama, pwede ba akong uminom niyan para maging imortal ako at magkaroon ng buhay na walang hanggan?" Sabi ng kanyang anak sa kanyang ama. Napailing na lamang ang Alpha sa gusto ng anak.
"Hindi maari anak. Ang buhay na walang hanggan o pagiging imortal ay may kaakibat na malaking kabayaran. Ang pagiging imortal ay magbibigay sayo ng lungkot at hinagpis." Sagot ng Alpha sa kanyang anak.
"Paano po magiging ganun,ama? 'Di ba kapag imortal ka ay magiging masaya ka dahil hindi ka na mamatay?"
"Lahat ng bagay sa ating mundo ay may katapusan,anak. Huwag mong hangarin na magkaroon ng buhay na walang hanggan dahil siguradong hindi mo magugustuhan. Gusto mo ba na makita yung mga magiging anak mo, apo mo o sa mga henerasyon ng ating pamilya na unang mamatay kaysa sayo? Malungkot at masakit yun,anak. Gusto mo bang darating ang panahon na mag-isa ka na lamang nabubuhay dito sa mundo?" Dahil sa sinabi ng Alpha sa kanyang anak ay napag-isip ng bata na walang importansya ang magkaroon ng buhay na walang hanggan kung yun ang mga magiging kapalit kaya umiling na lamang ang bata sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...