REMUS
"AEDRIEN! AEDRIEN?! Asan ka? Nasaan ka, Aedrien?!" Sigaw ako nang sigaw. Tarantang-taranta.
Nagtatakbo ako palabas ng aming silid. Puno ng pangamba at takot ang aking buong katauhan. Puno ng di maipaliwanag na kaba.
"Aedrien?! Aedrien?!" Takot na nakatingin sa akin ang aming mga tauhan. Walang gustong magsalita sa takot na mapagbuntunan ko sila ng galit ko.
Nagtatakbo ako sa kabuoan ng palasyo. Gulo ang mga kagamitan gaya ng gulo sa aking silid. May mga tauhan ng palasyo akong nakitang sugatan na ginagamot ng mga doktor ng palasyo. Mayroon ding mangilan-ngilang bangkay. Lalo akong nataranta. Ano ang naganap dito habang nakikipagtunggali ako?
"Mahal na Prinsipe! Ang hari... ang hari!" Sinalubong ako ng isa sa mga tagapangalaga ng aking ama.
"Nasaan ang aking ama?! Ano ang nangyari sa kanya?! Ano ang nangyari dito?!" Napasunod ako sa kanyang pagtakbo patungo sa kuwarto ng aking ama. Kahit gusto ko na hanapin muna si Aedrien ay wala akong nagawa kundi tiyakin muna ang kaligtasan ng aking ama.
"May mga bandidong sumalakay sa kaharian habang abala kayo sa pakikipagtunggali at habang nag-eensayo ang ating mga sundalo, Mahal na Prinsipe. Kakaunti lamang ang naiwan dito upang magbantay sa palasyo." Pagsusumbong nito.
Napamura ako. Tama ang sinabi nito. Abala ang lahat kaya kakaunti lamang ang natira para guwardiyahan ang palasyo.
"Si Aedrien, nasaan sya? Ligtas ba sya?! Kasama ba sya ng hari sa kanyang silid?" Sunud-sunod kong tanong. Iling ang kanyang isinagot. Gusto ko pa sanang magtanong ngunit nakarating na kami sa silid ng aking ama.
"Ama!" Pasigaw kong sabi nang makita ko ang hari na nararatay sa higaan nito. May benda ang aking ama sa ulo at pati na rin sa kaliwang kamay.
"Remus, aking anak." Nanghihinang tawag nito sa akin. Kaagad naman akong lumapit sa higaan ng ama, yinuko ito at hinawakan ang kanang kamay.
"Patawarin mo ako, anak. Hindi ko nagawang proteksyunan ang palasyo. Hindi... ko nagawang protektahan si Aedrien." Nanghihinang sambit nya sa akin. Nanlaki ang aking ulo. Hindi maproseso ng aking utak ang sinabi nya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng aking ama. Agad ko naman iyong binitawan nang makita ko ang pagngiwi nya. Nagsimulang manginig sa sobrang galit ang buong katawan ko.
"Sino sila, ama?! Sino ang mga lapastangang gumawa sa atin nito? At nasaan ang aking si Aedrien?! Wag nyong sabihing...?" Malungkot na umiling ang hari sa akin.
"Wag nyong sabihing pinatay sya!" Napatayo ako at napasigaw.
"Kinuha sya ng mga nakamaskarang kalalakihan, Remus. Mga bandido, Remus! Napakabilis ng mga pangyayari! Sanay sa pakikipaglaban ang mga taong iyon! Hindi ko malaman kung paano nila nakuha agad si Aedrien dahil abala kami sa pakikipaglaban para sa aming buhay!" Tila sinuntok ang aking dibdib sa masamang balita na sinabi sa akin ng aking ama.
Nakuha nila ang aking si Aedrien?!
"Pero imposibleng sya ang talagang pakay ng mga bandidong iyon, ama! Walang nakakaalam tungkol sa kanya! Ni hindi sya lumalabas sa aking silid para makita sya ng taga-labas!"
"Maaaring may nagtraidor sa iyong tauhan mo, Remus at nagsabi ng tungkol kay Aedrien sa mga bandidong iyon!"
"No one among my men could do that to me, father! Tiwala ako sa mga tauhan ko! Hinding-hindi nila ako magagawang traidurin!"
"How would you know, Remus?! Hindi lang natin alam ngunit maaaring kaya nila kinuha si Aedrien ay upang makahingi sila ng ginto kapalit nya! Baka nalaman nila kung gaano ito kahalaga sayo! Hindi ba at kahit buhay mo ay handa mong itaya para lamang sa kanya?!
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...