Nang imulat ni Xeneon ang kanyang mga mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang malambot na higaan sa loob ng isang silid, marangya ang silid na kanyang kinaroroonan, ang mga kagamitan dito ay siyang magsasabi na ang nagmamay-ari ng silid na iyon ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan.
"Nasaan ako?" ang pabulong na tanong ni Xeneon sa kanyang sarili, at agad siyang bumangon sa kanyang pagkakahiga, bababa na sana siya sa higaang iyon ng mapansin niya na bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya at isang makisig na lalaki na nagtataglay ng mahabang buhok na tila nagliliyab ang kulay ang siyang iniluwa ng pinto.
"Mabuti naman at nagkamalay ka na." ang sabi ng lalaking dumating sa silid na naglakad na din papalapit sa kinaroroonan ni Xeneon.
"Sino ka?" ang matapang na tanong ni Xeneon, naghahanda na siya na magbigkas ng enkantasyon upang gamitin laban sa lalaki pero laking gulat niya ng mabilis na nakalapit sa kanya ito at hinalikan siya nito sa mga labi na mas lalo niyang ikinagulat, "A-a-anong ginagawa mo?" ang pasigaw niyang sabi ng maitulak niya palayo sa kanya ang lalaki, at napaupo sa sahig ang lalaki dahil doon.
"Ha-ha-ha, pasensiya na di ko nais na halikan ka sa iyong labi, pero naramdaman ko na nais mo akong gamitan ng salamangka kaya naman pinigilan na kita na magbigkas ng ano mang engkantasyon." Ang sabi ng lalaki na nakangiti kay Xeneon.
"At sa tingin mo mapipigilan mo ako na huwag muli sumubok na gamitan ka ng salamangka?" ang sabi ni Xeneon na di makatingin ng diretso sa lalaki, pakiramdam din niya ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi.
"Huwag ka nang mag-abala dahil di naman gagana sa akin 'yan, at bukod doon ay wala ka dapat ipag-alala dahil ligtas ka sa akin, wala akong balak na masama sa iyo." Ang sabi ng lalaki na tumayo na mula sa kanyang pagkakabagsak, at napatingin naman si Xeneon sa lalaki dahil sa mga narinig niya mula rito.
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni Xeneon sa lalaki.
"Ah, hindi tatalab sa akin ang salamangka mo dahil isa akong Solaris at ano mang salamangka na laban sa amin ay kahit kailan di gagana sa lahi namin." Ang panimula ng lalaki, "nasabi ko na ligtas ka dahil nandito ka sa loob ng palasyo ng aking ama." Ang dagdag na sabi ng lalaki.
"I-i-isa kang Solaris?" ang tanong ni Xeneon.
"Oo kaya wag mo na aksayahin ang lakas mo, masuwerte ka at ako ang nakakita sa iyo kanina sa bayan." Ang sabi ng lalaki at naupo ito sa higaan at iniabot kay Xeneon ang kamay nito, "ako si prinsipe Hathos ng kaharian ng Solaris, anak ni haring Henix mula sa lahi ni haring Helios, pero Hathos na lang ang itawag mo sa akin." Ang pagpapakilala ng lalaki bilang prinsipe ng kahariang Solaris.
"A-a-ako si Xeneon." Ang sabi naman ni Xeneon na tila di pa tiyak kung aabutin niya ba ang kamay ni Hathos pero dahil napansin ni Hathos ang pagdadalawang isip na iyon ni Xeneon ay ang prinsipe na ang siyang umabot sa kamay ni Xeneon at nakipagkamay dito.
"Sandali lang, ang iyong mga mata." Ang sabi ni Hathos ng mapansin nito ang mata ni Xeneon na magkaiba ang kulay, pero dahil sa ginamit ni Xeneon ang kapangyarihan ni Manatea ay sa halip na kulay pilak at ginto ang makita ni Hathos na kulay ng mata niya ay kulay berde at asul ang kulay nito.
"Sabihin mo sa akin, nagmula ka ba sa islang iyon?" ang pag-usisa ni Hathos kay Xeneon, at napayuko si Xeneon na para bang nag-iisip.
Binalot ng katahimikan ang silid na iyon kasaby noon ay ang pagpasok ng malamig na hangin na nanggagaling sa balkonahe ng silid, noong mga sandaling iyon ay nag-iisp ng mabuti si Xeneon sa kung ano ang kanyang isasagot kay Hathos. Alam ni Xeneon na walang magagawa laban kay Hathos ang kapangyarihan niya kaya di niya ito magagawang patayin gamit iyon, alam din niya na hindi siya maaaring tumakas na lamang dahil maghihinala ito sa tunay na pagkatao niya, at isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan, iyon ay ang gumawa ng kwento at kasinungalingang magliligtas sa kanya.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...