Vera's POV
"Aking kapatid, Kumusta na kaya ang lagay ng mahal nating Anak?" Mapanglaw na tanong ng aking kapatid na si Delvier. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumusong papunta sa kaniyang kinaroroonan. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na pisngi at saka kinurot.
"Aray!" Tumingin ito ng masama sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako sa aming tinuran. "H'wag na muna nating isipin ang ating Anak, Mag pakasaya na muna tayo at sulitin ang mga araw na tayong dal'wa lang ang mag kasama." Sabi ko sabay kindat sa kaniya. Nag si-tawanan na lamang kami at naglaro ng Aqua.
Kumumpas ako sa hangin at ilang segundo lang ay lumutang na ang mga maliit na pilam aqua at mabilis ko itong ibinato papunta kay Delvier. Basang basa na ang matipunong katawan ng aking kapatid at bumagsak na din ang kaniyang kulay ulap na buhok. Maya-Maya pa ay siya naman ang kumumpas at gumawa siya ng hydra.
"Magpakitang gilas ka aking kapatid." Hamon nito at ibinandera ang hydra. Kumumpas ako at lumikha ako ng Aqua Draco. Kilalang mga halimaw ng dagat ang Hydra at Aqua Draco, Pero tanging ang Aqua drago lamang ang naka lilipad sa kanila. Malakas nga ang aking kapatid pero di hamak na mas matalino ako sa kaniya. Nag simula ng maglaban ang dalawang halimaw at kaming dalawa naman ay sabik na sabik malaman kung sino ang unang mapapaslang.
habang kami ay aliw na aliw sa nagaganap na sagupaan ng dalawang naglalakihang halimaw ng dagat ay may napansin kaming lalaking lihim na nagmamasid sa amin. Natatakpan ng itim na tela ang kaniyang mukha at tanging nanlilisik na mga mata lamang ang iyong makikita sa kaniya. Hindi na kami nag paligoy ligoy ng aking kapatid at mabilis na tingungo ang lokasyon ng lalaki. Bumuo din ako ng Pilam aqua at inihagis ito sa lalaki ngunit hindi man lang siya natitinag sa kaniyang kinatatayuan.
Naisip naming magkapatid na gamitin ang dalawang halimaw upang mas mabilis na mahuli ang misteryosong lalaki ngunit naglaho na pala ang mga ito nang hindi namin namamalayan. Kaunti na lang at malapit na kami sa lalaki pero bigla itong naglaho. Sa di kalayuan nakita namin ang isa sa mga guwardiyang elpa na may dalang mensahe.
"Mga mahal na Anak ng Pinuno. Magandang balita po, Nariyan na ang mahal niyong anak na si Caelus." Isang napaka gandang balita nito sa amin. Masaya kaming bumalik sa aming tribu upang salubungin ang mahal naming anak.
--**--
"Aba't napaka tapang talaga ng aking Apo. Manang mana-"
"Sa Amin." Putol namin sa aming Amang Pinuno, Lumapit at humalik sa mga kamay nito. "Kumusta naman ang napaka kisig naming anak?" Sabi ko sa aming Anak at ginulo gulo ang kaniyang buhok. Galak na galak ito at niyakap kami ng mahigpit. "Mga Ama, Nagagalak ako at maayos lang ang lagay niyo dito." Aniya habang kami ay yakap yakap nito. Bumitaw na ito at nagsalita.
"Mga Ama, ipinararating sa atin ng Tribung Geola na sila ay may sapat pang mga yaman hanggang sa mga susunod na siglo." Ginulo ni Delvier ang buhok nito. "Anak, H'wag mo munang isipin 'yang mga ganiyang bagay. Halika at magpahinga ka na muna." Pagkasabing ganu'n ay siyang utos ng aming Ama sa mga elpa na maghanda ng isang salu-salo.
Di katagalan ay sumunod na din ako sa dalawa.
--**--
Kasalukuyan kaming naka higa ni Delvier sa aming papag ng mag kuwento si Caelus. "Mga Ama, Sa lahat ng katanungan na ibinato nila sa akin ay isa lamang ang hindi ko nasagot." Malungkot na litanya ni Caelus sa amin habang siya ay nagpapalit ng kaniyang damit.
"Bakit anak? Ano ba ang kanilang katanungan saiyo na hindi mo nasagot?" Pagkatapos niyang maisuot ang kaniyang damit ay umupo ito sa aming harapan. "Bakit hindi daw matulis ang aking tainga? Bakit iba daw ang kulay ng aking buhok at balat? Bakit hindi daw ako mukhang isang anak ng Elpa." Matapos niyang magsalita ay nahiga ito sa aming gitna.
BINABASA MO ANG
CHROMIA SERIES
FantasyA pooled series of BxB authors with different stories under one banner series. Stories' genre: Fantasy, BxB, Mpreg Stories and Contributing Authors: Chromia Series: The Vengeful Past by @Adamant Chromia Series: Secret of the Dawn @sasuke21uzumaki Ch...