Larynx, The Somnium 1

22 2 0
                                    

Nasa isang sulok lamang ako ng aming klase, ito pa lamang ang pangatlong beses na pumasok kami ngunit tila ito na ang tatlong magkakasunod na araw na wala man lang naniniwala sa'kin.

Gusto kong ikwento ngunit tatawanan lamang nila ako, gusto kong ikwento kaso alam kong hindi sila maniniwala. Hindi daw kasi totoo, wala naman daw talagang gano'n sa totoong buhay na nangyari.

Napapailing na lang ako kapag gano'n ang iniisip nila, hindi nila alam.

Tumingin ako sa pisara ng aming silid-aralan, isang lalaki ang prenteng nakatayo habang binibigkas ang mga salita upang ipakilala ang sarili. Tumingin na lamang akong muli sa bintana, hindi ko na lamang siya pinansin gaya ng iba. Hindi rin naman siya maniniwala sa kwento ko e.

Break time na ng magkanda-ugaga ang mga kumag kong mga kaklase na pumunta sa canteen. Naiwan ang mga kaklase kong babaeng nagbabasa ng libro, mga libro na mula sa mga malilikot na imahinasyon ng mga manunulat.

"Yiiiiiieh! Ano ba, nakakakilig naman 'tong si Reed! Oh my gosh, ang hot hot niya. Akin na lang siya!" Sabi ng isang babae na kaklase ko.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanila habang nakatutok sa cellphone at may kung anong binabasa.

"Hala? Akin si Reed Joyce e. Maghanap ka ng iba! Ang dami-daming Story diyan e! Mang-aagaw ka talaga!" Sabi naman ng isang babae sa kanya habang may hawak na libro.

Umirap ang kausap nito. "Walang sa'yo Ezel! Wala!"

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kanila, napansin nila ako kaya marahan nilang ibinaba ang libro at selepono, mariing nakatingin sa'kin.

"Gusto niyo ng kwento?" Tanong ko.

"Hindi." Sabay nilang sagot.

Isang salita ngunit sapat na para tumango ako.

Bumalik ako sa upuan ko at tumingin ulit sa bintana. Bumuntong hininga ako, sabi ko na e. Walang may gustong makakinig ng totoong kwento.

Totoo ang ikukwento ko ngunit walang may gusto, samantalang ang mga kwentong hango sa malikot na isipan ng isang manunulat ay siyang pinaniniwalaan ng mga mambabasa.

Tumingin akong muli sa bintana at hinihintay na lamang matapos ang araw ng klase, maghahanap na lang ako ng tao sa bahay na pwede kong kwentuhan.

Nagulat ako ng biglang may lumapag na tinapay sa upuan ko, kasabay 'non ay ang pag-upo niya sa aking tabi. Siya 'yung lalaki na nasa harapan kanina habang nagpapakilala.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil kagaya ng iba, wala rin siyang interes sa ikukwento ko.

Nilahad niya ang kanyang kamay sabay banggit ng kanyang pangalan. "Ako si Jp." Hindi ko ito pinansin at tumingin na lang sa bintana.

"Hindi kita nakikitang interesado sa'kin magmula ng magpakilala ako, galit ka ba sakin?" Marahan akong umiling habang hindi siya tinitingnan.

"Kumain ka muna." Inabot niya sa'kin ang tinapay habang seryosong nakatingin sa'kin. "Hindi na, busog pa ak--"

"Kumain ka, makikinig ako sa kwento mo." Ngumiti siya sa'kin ng pagkatamis-tamis. Prinoseso ko muna sa utak ko ang sinabi niya at ng mahuli ko 'yun, saka ako ngumiti.

"Ayan, bagay naman pala sa'yo e."

Binuksan ko ang tinapay at nagsimulang kumain. Ikukwento ko ang storya ng dalawang taong nagmamahalan na walang kahit sino ang nakakaalam.

~*~

Saktong ala-7 ng umaga ng ako ay makapunta sa aming tagpuan sa matayog at matibay na puno ng sampalok.

CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon