The Dark Eyed Rebel 4

22 2 0
                                    

Natapos na ang pageensayo ni Earth Sebastian sa tulong ng lider nang mga taga District Zero na si Ikong, ang pinaka matanda sa buong bayan at may kapangyarihan na tawagin ang ispirito nang mga elemento ng hangin, lupa, apoy at tubig. Maagang natulog ang mga taga Ditsrict Zero para sa nakatakdang pag lusob sa kapitolyo at kaharian, maliban kay Earth na may bumabagabag sa kanyang puso.
__________________

District Zero

Paano na ang mahal ko? Sigurado akong madadamay siya sa pambansang digmaan na gaganapin bukas nang hapon. Mahal ko siya, mahal ko si prinsipe Henna. Ayaw ko siyang masaktan.

"May bumabagabag ba sa iyo Earth?" Tumingin ako sa taong nagsalita sa likod ko. Si Ikong.

"Wala ho. Hindi lang po talaga ako makatulog." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong malaman nila na may pagtingin ako kay prinsipe Henna at ayaw ko ring malaman nila na nahalikan ko na siya.

"Ganun ba, may nais akong sabihin sa'yo tungkol sa kapalaran nang kaharian at District Zero. Matagal ko nang nakikita ang pagtagis ng mga dugo mula sa labanan ng kaharian at mga taga district Zero." Tumigil siya at mas lumapit pa siya sa akin. "May dalawang lalake ang maglalaban at isa lang ang mananalo. Yung isa ay sinugo nang kaharian na binigyan nang malakas na kapangyarihan, samantalang ang isa ay panlaban nang District Zero. Alam kong bago ka lang sa bayang ito pero alam ko na ikaw talaga ang naka takdang tao na lalaban sa kaharian at si prinsipe Henna ang sugo ng kaharian kaya kailangan mong galingan, iisa lang ang dapat manalo Earth." Lumayo na siya sa kinaroroonan ko at naiwan na akong mag-isa.

"Hindi ko kayang saktan ang taong mahal ko." Hinawakan ko ang ulo ko sa sobrang lukot na aking nararamdaman. "Hindi ko kayang saktan ang mahal ko... pero kailangan kong bigyan nang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko."

Kaharian

Ang buong hukbo nang kaharian ay naghahanda na para sa nalalapit na pagsalakay sa District Zero, ang madilim na parte nang Chromia. Walang kaalam-alam ang ibang bayan na sakop ng Chromia na lulusubin nila ang bayan nang District Zero. Pag patak ng kadiliman sa kalangitan ay napag desisyunan ni Lord Efraim na ipakasal ang kanyang anak sa Diyos ng hangin at mga bituin.

"Henna, ikaw ang lalaban sa lalakeng iyon. Kailangan mo siyang patayin. Wag kang mag-alala dahil kasal na kayo ng Diyos ng hangin at mga bituin. Nasayo na ang kalahati nang kapangyarihan ng Diyos na iyon, malakas ka na at may kakayahan ka nang talunin ang dark eyed person na iyon!" Wika ni ama.

Sa totoo lang ay nagugustuhan ko na ang lalakeng iyon dahil nararamdaman kong may mabuti siyang puso, pero nakatakda akong patayin ang lalakeng iyon... hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko, talikuran ang kaharian at ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya o sundin ko ang utos ni ama na hangganan na ang kanyang buhay?

"Henna, kinakausap kita!" Sigaw ni ama. "Ayaw mo ba nang pinapagawa ko sa'yo?!"

"H-hindi po ama." Natataranta kong tugon.



CHROMIA SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon