Chapter 2
Ngaun, Official na kaming magbestfriend. Okay, Im so happy. Imagine may all in one na si Jojo, May bestfriend na ako, may boyfriend, may kuya, may tatay. Lahat na. Nese kenye ne eng lehet!
“walking distance lang ang school mo. Kaya sabay tayo lagi umuwi.” Sabi nya..
“oo na.” I said, tapos kumuha ulit ng piattos. andito kami sa kwarto NYA ngaun. Nakahiga sa kama.
Nakahubad. DeJk.
Kahit naman bestfriend ko na ‘tong unggoy na ‘to ay di padin mawala-wala ang makamundong pagnanasa ko sa abs at biceps nya.
Nakahiga si jojo ako naman, nakahiga rin tapos nakaunan sa dibdib nya. Nanunuod kami ng spongebob ulit habang kumakain ng piattos/
“feeling ko kaya mo lang ako gusting maging bestfriend dahil sa kuya ko.. ginagamit mo lang ako..” sabi nya, inangat ko ung ulo nya tapos tumingin sa kanya.
“Grabe ka naman jojo, nakakahurt ka naman ng feelings! Syempre TAMA KA! AHAHAHA” I said tapos tumawa ng malakas. Napatingin ako sa kanya, lalo akong natawa sa epic na reaction nya. Haha!
“kapag umalis na ko dito sa inyo.. wala ka ng bestfriend..” sabi nya. Napatingin ulit ako sa kanya. Kumunot ang noo ko.
“iiwan mo na ako?”
Nakita ko kung panu kumislap ang mata nya sakin, Nakagat sya ng labi tapos pinisil ang ilong ko. “syempre hindi pwede ba yun?”utas nya.
“di talaga pwede noh.. dahil akin kalang, walang pwedeng umagaw sayo..” sabi ko sabay simot sa natitirang piattos.
“alam mo naming di kita kayang tiisin ehh.” He said. Tumingin ako sa kanya tapos ngumite ako ng pagkalaki-laki..
“kasi mahal mo ako..” natatawang sabi ko.
Ibinaba nya ang tingin nya sakin, Sumeryoso ang mukha nyang nakatingin sa mga mata ko, Napakaganda ng mga mata ni Jojo. Nakapaganda. “yun nga eh, mahal kasi kita..” Namagnet ang tingin ko sa kanya. Napalunok ako dahil naramdaman kong may nakabara sa lalamunan ko,
Napatahimik din tuloy ako. Parang may something, May mali?
“h-huh?”
Nakita ko ung pagbabago ng expression sa mukha nya..
“AS BESTFRIEND! Feeling mo!” sabi nya tapos isinuksok ako sa kilikili nyang mabango pa sa downy..
“ahhh. Anooo baaaa.”
Bumitaw din sya sakin pagkatapos noon. “cr lang ako..” sabi nya tapos tumayo at pumasok sa cr, pinagmasdan ko ang mata nya. Bakit malungkot ang mga iyon?