Chapter 33

4K 71 7
                                    

Chapter 33

Pinark nya ung kotse nya pagkatapos ay lumabas na kami, tinanggal ko ung ID ko na nakasabit sa leeg ko tapos nilagay yun sa bag ko. Mahirap na, naka mamaya sabihin nagcutting kami lalo na’t class hour pa naman ngaun. Kahit na nagcutting talaga kami. -_-

Napatingin ako kay daryl na hanggang ngaun ay nakangese padin ng malaki. Hindi kaya mapunit na ang labi nito sa kakangese? Nagkibit balikat ako tapos pumasok na sa mall. Napansin ko agad ang mga babaeng grabe kong makatingin kay daryl. Parang si jojo at atom lang pala ‘to. Lapitin ng mga babae.

“san tayo pupunta?” tanung ko sa kanya. Tumingin sya sakin ng nakakunot ang noo.

“bakit?” tanung ko sa kanya. Umakyat baba ang tingin nya sa katawan ko. Nanlaki ang mata ko. Oh no! Agad kong tinakpan ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay.

“Bakit kasi ganyan ang suot mo?” singhal nya sakin.

“huh?”

“pinagtitinginan ka tuloy ng mga lalaki.” Sabi nya. Tapos lumakad na, malalaki ang hakbang nya kaya naman wala akong magawa kundi ang halos patakbong sundan sya.

“anung sabi mo daryl?”

 

“sobrang ganda mo kasi.” Bulong nya pero dinig ko padin. Para akong nawalan ng lakas at unte-unteng nanglambot ang tuhod ko kaya naman bumagal ang paglalakad ko. Jusko Lord! Alam kong wala akong feelings kay Daryl pero sa tuwing nagsasabi sya ng mga ganung bagay di ko padin maiwasang natuliro.

Nakita kong tumigil sya sa paglalakad tapos tumingin sakin. Nilapitan nya ako tapos hinawakan ako sa kamay habang hatak-hatak ako. Pilit kong inaalis ang kamay ko pero malakas sya at hindi binibitiwan un. Kinakabahan ako na baka may nakakita saming classmate o kakilala namin dito at akalain na boyfriend ko si daryl kahit di naman.

“hoy daryl, san ba tayo?” tanung ko ulit sa kanya nakita kong pumasok kami sa isang boutique na PRIMADONA ang tatak.

“anung gagawin natin dito?” tanung ko pero hindi nya ako pinansin, tuloy-tuloy ang lakad nya papunta sa babaeng staff ata doon.

“Miss, Damit para sa kanya. Ung conservative type.” Sabi nya sa babae. Nakita kong na-star struck pa ata si ate kaya ilang Segundo muna bago sya nakasagot.

“y-yes sir, this way ma’am.” Sabi nung babae tapos inakay ako sa fitting room. Bago pa ako makareact, tinulak na nila ako sa loob nun tapos pinaulanan ng ibat-ibang damit.

“paki suot lang poi to ma’am, ito daw po ang gusto ng boyfriend nyo.” Sabi nung babae sakin. Umiling-iling ako.

“naku. Hindi ko po sya boyfriend.” Sabi ko. Nakita ko ang pagkislap ng mata nung babae sa sinabi ko. Kinuha ko ung damit na hawak nya tapos isinuot iyon.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon