Chapter 20

5K 89 3
                                    

Chapter 20

 

Para akong zombie na naglalakad papuntang school ngaun.Ung sinabi ni jojo sakin un kanina di na sana ako papasok pa, gusting-gusto kong bumalik sa bahay at komprontahin si papa. Ayokong maniwala sa kanya, pero sabi nya sakin na kinausap daw ni papa si atom na hindi ako pwedeng magkaroon ng relasyon sa isa sa kanilang dalawa dahil planu akong ipakasal ni papa anak ng isa sa business partners nya. Tungkol daw dun kaya sya kinausap ni atom kagabi,

My Dad is crazy! Damn.

Ayoko! Ayokong magpakasal. Kung magpapakasal man ako, kay jojo lang! si jojo lang ang gusto ko. wala ng iba. Sya lang. napapikit ako ng mariin, nababaliw na si papa hindi ko lubos maisip na magagawa nya yun, what’s wrong with him?

Hinatid ako ni jojo dito sa school pero wala talaga ako sa mood. Bakit ganun? Kung kahapon ang saya-saya ko, biglang bumaliktad ang lahat ngaun. Parang gumuho ang mundo ko. hindi ako pwedeng magpakasal sa iba. Si jojo ang mahal ko.

Pagpasok ko sa room agad kong ibinaba ang bag ko, inilagay ko ung kamay ko sa baba ko tapos nakatitig lang ako sa kawalan. Sobrang dami kong iniisip, pero naputol ang pagiisip ko ng maramdaman kong may mga matang kanina pa nakatitig sakin, nakalingon ako sa katabi ko.

Daryl Enrique.

Ito na naman ang mga titig nya, nahihiwagaan talaga ako sa lalaking to.

“What?”

“nothing.” Sabi nya tapos umiling tapos pangiti-ngiti pa, ang weird nyang tao.

Dumating na si Sir maya-maya.

“ok class, open your book on page 70 and read the short story there, later on we will have a recitation regarding with that.” Sabi nya tapos umupo na sa table nya.

Binuklat ko naman ang libro ko dun, sinumulan kong magbasa pero wala talaga akong kahit katiting na ma-absurb. Mas iniisip ko ang gagawin ko mamaya, gusto kong kausapin si papa, aaminin ko na sa kanya na boyfriend ko si jojo para maputol na ang ideya nyang engaged-engaged na yan! Mahal ako ni papa at alam kong maiintindihan nya ako, isa pa mabuting tao si jojo, inaalagaan nya ako wala syang dapat ipagalala responsible si jojo at nirerespeto ako.

Napangiti ako sa naisip kong ideya. Binaling ko ulit ung attensyon ko sa binabasa kong libro ng maramdamang kong kinalabit ako ni daryl.

“bakit na naman?” pabulong kong sabi.

“anu ung story? Di ko maintindihan.”

Iniripan ko sya, naiinis ako sa kanya. Sa mga titig nya. Sa mga tingin nya para kasing kakaiba.

“uy! Anu na.”

“di ko alam sa iba ka magtanung.”

 

Bahagya akong tumalikod sa kanya. Gusto kong makasagot sa recitation mamaya.

“uy!!” kalabit nya sakin.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon